Umagang-umaga at malalim na agad ang iniisip ni Monica. Iniisip nya pa din yung sinabi ni Kyle kahapon.
Naglalakad sya sa corridor ng may nabunggo sya.
<<Boogsh>>
“Oh. Sorry.” sabi nung lalaking nakabungguan nya.
“Tch. Akala ko poste yung nabunggo ko. Kapre pala.”
“Sakit naman non Miss. Nagsorry na nga ako, ako pa ang nabiktima.”
“Excuse me. Ang lawak-lawak kasi ng daan, bakit kailangan sa tapat ko pa mismo ikaw maglakad.” medyo naiiritang sinabi ni Monica.
“Pasensya ka na Miss kung di ka nakatingin sa daan. Kaya nabunggo ako eh.”
“Wow huh? Ako pa talaga ang sinisi mo? Tabi nga dyan.”
“Ganda mo pa naman kaso ang panget ng ugali mo.”
“Sorry? Di ko lang talaga trip ang mga strangers na katulad mo. Excuse me lang ha. Baka sabihin mo na namang binunggo kita. Nakakahiya naman na sa’yo.” sabi ni Monica at lumakad na sya palayo.
“Magkikita pa tayo ulit, Sungit.”
“Sorry, di na mangyayari yon.”
“Maliit lang ang school na ’to at nagsisimula palang ang taon.”
“Whatever you like.” sabi ni Monica at bumalik syang muli sa pag-iisip ng biglang…
<<Boogsh>>
“Ikaw na na…” sasabihin nya sana nung makita nyang si Crys pala ang nabunggo nya.
“Bakit parang galit ka? May nangyari ba?” tanong ni Crys kay Monica.
“Wala. Akala ko kasi ikaw yung lalaking nabunggo ko kanina.”
“At nagalit ka sa kanya?”
“Uhmm. Parang ganon na nga.”
“Hay naku Monica. Siguro may iniisip ka na naman noh? Kaya nagalit ka doon?” tanong ni Crys at nagsimula na silang maglakad ni Monica.
“Ganon na nga.”
“Ano ba kasing iniisip mo?”
“Wala naman.”
“Ganon. Pati sa’kin, tinatago mo na yan?”
“Ah. Hindi naman Crys. Pinag-iisipan ko muna kasi ng mabuti kung ano ba talagang iniisip ko.”
“Haha. Maganda yan. Paguluhin mo pa lalo ang isip mo.” sabi ni Crys habang natutuwang panuorin si Monica.
Bigla namang napansin ni Monica na iba ang corridor na nilalakaran nila.
“Teka. Saan ba tayo pupunta?”
“Pinapatawag ka kasi sa office. Baka lang kailangan mo ng assistant, sasamahan kita.”
“Mabuti pa nga. Baka pagalitan na naman ako non ni sir kasi di ko nagawa yung pinapagawa nya sa’kin kahapon.” sabi nya sabay tingin sa ankle nyang medyo namamaga pa.
Pagdating nila sa office ay nakita nilang magkalayo ng upuan sila Kyle at Trevor. Agad tumabi si Crys kay Kyle kaya tumabi si Monica kay Trevor.
“May problema ba?” bulong ni Monica kay Trevor.
Lumingon naman si Trevor sa kanya.
“Wala naman.” sabi ni Trevor at tumingin na sa adviser nila.
Lumingon naman si Monica kay Kyle at mukhang normal naman sya. But beyond normal, may nararamdaman talaga syang kakaiba.
“Ok. Kayong apat, kaya kayo nandito ngayon kasi gusto kong magkaroon ng program ang mga third year at kayo ang mag-o-organisa nito.”
“Sir. Bakit kami?” tanong ni Monica.
“Dahil gusto ko. May problema ba?”
“Ah. Wala naman po.”
“Makakaalis na kayo. Magsisimula ang program mamayang alas-kwatro ng hapon.”
Walang nagsalita sa kanila at lumabas na. Huling lalabas si Monica nung tinawag sya ng adviser nya.
“Gonzales. Okay na ba yang paa mo?”
“Sir? Ah opo. Okay na po.”
“Mabuti naman. Ayaw ko namang may mangyari sa mga estudyante ko.”
“Sige sir. Una na po ako.” sabi nya at tumakbo palabas pero di nya napansin yung tao sa labas kaya nabunggo na naman sya.
<<Boogsh>>
“Ano ba kasing ginagawa mo?” tanong ni Trevor.
“Huh? Wala.”
“Tara na nga.” sabi ni Trevor sa kanya at hinawakan nya ang kamay ni Monica.
Pumunta sila sa classroom nila dahil doon lang naman ang pinakatahimik na lugar para sa kanilang apat. Busy kasi ang mga tao sa field dahil nga sa event na nagaganap.
Sa classroom, magkalayong nagsiupo ang dalawang lalaki.
“May nangyari ba sa inyong dalawa?” tanong ni Crys sa dalawang lalaki.
“Wala.” sabay nilang sinabi. Nagkatinginan ang dalawa at sabay din silang umirap sa isa’t isa.
“Wala nga. Kaya pala kayo magkalayo. Haha. Para kayong magsyota.” pang-aasar ni Monica at sabay syang tinignan ng masama ng dalawa. “Okay. Waley. So ano nang gagawin natin?”
“Okay. Eto ang plano pero open 'to para mga suggestions.”
“Edi wow.” bulong ni Kyle.
“Kung ayaw mong makinig, umalis ka nalang.”
“Okay.”
Tinititigan lang sila nila Monica habang nag-aaway.
“Sige na. Ikaw na. Ikaw na lagi.” naiiritang sagot ni Trevor.
“Bakit? Kasalanan ko ba kung ako ang laman ng isip nya?”
“Pero hindi mo dapat sya sinasaktan. Alam mo yon. Di ka pwedeng magmahal ng dalawa.”
“Sino bang nagsabing gusto ko sya?”
“Base sa sinabi mo kagabi sa kanya, halatang gusto mo sya. Mali ka sa ginagawa mo Kyle. Gusto mo si Monica pero meron ka nang Crys. Mali yon.”
“Teka. Anong sinasabi nila?” tanong ni Monica sa isip nya. Lumingon sya kay Crys na noo’y nakayuko na. “Crys. Anong meron?” tanong nya kay Crys pero di sya sinagot.
Tumayo nalang sya at lumabas.
“Monica!” tawag ng lahat sa kanya pero tumakbo lang sya hanggang sa mawala na sya sa paningin nila.
Nakahiga sya sa ilalim ng punong lagi nyang pinagtatambayan. Umiiyak dahil bigla nalang nyang mapagtanto lahat ng narinig nya mula kagabi at kanina.
Napagtanto nyang si Kyle at si Crys pala pero di nya ito napapansin dahil mas inuuna nya pa ang nararamdaman nya kay Kyle kaysa sa nararamdaman ni Crys kapag kinukwento nya ang mga bagay na makakasakit pala kay Crys.
“Monica!” narinig nyang tinawag sya ni Crys mula sa malayo.
Agad namang umupo si Monica mula sa pagkakahiga nya at pinunasan ang luha nya.
“Crys. Bakit? Tapos na ba kayo magplano para mamaya.”
“Bahala na mamaya. Okay ka lang ba?” tanong ni Crys kay Monica at umipo sya sa tabi nito.
“Crys, sorry kung di ko kinonsider yung nararamdaman mo kay Kyle. Sorry talaga.”
“Adik. Dapat nga ako ang magsorry sa’yo kasi di ko kinonsideryung nararamdaman mo nung sinagot ko si Kyle.”
“Sorry Crys.”
“Sorry din.” sabi ni Crys at niyakap nya si Monica.
Masakit man kay Monica pero magiging masaya sya para sa kaibigan nyang si Crys. Pero di nya alam kung paano nya malalampasan ’to.
- End of Chapter Three -