Red Notebook [ONE SHOT]

356 10 3
                                    

May hinahangaan ako mula sa malayo. Matagal ko na siyang gusto, pero walang lakas ng loob na sabihin sa kanya. Hindi ko kaya ang ginagawa ng ibang babae na magtapat sa gusto nila. Takot na akong mareject ulit ng taong gusto ko.

Dati, nung first year pa lang ako sa dati kong school, sinubukan kong magtapat. Nagawa ko naman, ang kaso nga lang nasaktan ako. Alam niyo ba kung gaano kasakit 'pag sinabihan ka ng taong crush mo na 'Ang panget mo. At hinding-hindi ako papatol sa isang tulad mo.' ? Masakit, sobrang sakit pero nuon yon. Ever since then, I tried to grow my bangs long para hindi makita at mapansin ng iba ang mukha ko. Tumagos kasi sakin yung sinabi niyang panget ako. Simula non, nawalan na ako ng self-confidence. Palagi din akong nabubully doon dahil may nakarinig nung mga nangyari sa confession ko at ipinagkalat ito. My parents decided to send me to another school. And here I am, graduating highschool student na.

Sa school ko dito, masaya kahit mag-isa lang ako. Nung unang dating ko kasi dito, binubully din ako dahil sa bangs at weird daw ako pero nung dumaan na ang panahon, nawala na din lang. Nasanay na siguro silang ganito ako. Mag-isa lang ako palagi, walang kaibigan. May pinsan ako, at siya lang ang nakakausap ko dito, ang kaso nga lang iba kami ng taon, junior pa siya ako naman senior na. Walang nagtatangkang kumaibigan sakin kasi natatakot daw na mabully sila. Iniintindi ko na lang.

Pero isang pagkakataon, noong bago pa ako dito, nabully ako ng ilang babae. Gusto nilang putulin yung buhok ko lalo na ang bangs ko kasi nakakainis daw tingnan. Nanlaban ako pero anong magagawa ng isa laban sa lima? Malapit ng putulin nila yung buhok ko ng may pumigil sa mga ito. Isang lalaki. Mabuti na lang dumating siya at tinulungan ako kung di baka na boy's cut na ang style nung buhok ko. Since then, hinahangaan ko na siya. Pero ayokong umasa na gusto niya din ang isang tulad ko. Tinulungan niya lang ako for no special reason at all. Napakalayo pa ng agwat namin sa school. Isa siyang sikat at heartthrob sa school, mayaman, matalino, magaling sa sports lalo na sa soccer, kinikilala at tinitilian ng marami. Samantalang ako, weird, iniiwasan ng marami, nerd, walang kaibigan at nasa sulok lang, malayong-malayo sa kanya, a total opposite of he's.

Ayos na saking makita siyang tumatawa araw-araw, gaya ngayon. Naglalaro sila ng soccer sa may field. At ako, heto at nakamasid sa kanya habang nagsusulat sa red notebook ko. Mga damdaming idinadaan at itinatago sa pagsusulat, lahat nasa loob ng red notebook ko. Malapit ng magtapos ang school year at gagraduate na kami, hanggang dito na nga lang talaga ako, nagkakasya sa patingin-tingin lang.

*sigh* Kailangan ko ng makaalis dito. Malapit na ang uwian, maaga pa naman akong dadaanan ni Kuya. Nagsimula na akong ligpitin ang mga gamit ko. Ini-arrange ko pa ang mga folders at notebooks ko. Nakaupo kasi ako sa ground medyo kalayuan ng konti sa field. Nasa baba kasi ang field at elevated ang ground na inuupuan ko. Habang nag-aarrange ng gamit, nagulat na lang ako ng may maramdaman ako sa gilid. Muntikan pa nga akong mapasigaw sa gulat, buti na lang napigilan ko. Napatingin ako sa gilid at nakita ang isang bola ng soccer. -__- Paano ito napunta dito?

May narinig akong parang naghihiyawan ang mga players kaya napatingin ako pabalik sa field at nakita ko nalang na tumatakbo papunta sa area ko si Alexander Mariano, ang ace player ng soccer team... ang crush ko. Binilisan ko ang pagliligpit para makaalis dito. But, I was too late. He's in front of me, standing, sweating, and catching his breath. *gulp* Kinabahan ako bigla.

"H-Hi!" sabi nito na hinihingal pa ng konti.

"H-Hello!" nauutal ako! >__<

Ngumiti ito. Nakakatunaw. Maayos na din ang paghinga nito. "Yung bola." napatingin ako sa bola na nasa tabi ko. "Hindi ka naman natamaan right?"

Umiling ako, "H-Hindi naman." hinawakan ko ang bola at itinaas para iabot sa kanya. Lord, buti hindi ako nanginginig!

"^__^ Salamat." kinuha nito ang bola at nahawakan nito ang kamay ko.

          

O///////////O Patayin niyo na ako!! Kinikilig talaga ako. Alam niyo yon, bigla kasing may spark nung mahawakan niya ang kamay ko. Binawi ko na ang kamay ko at umiwas ng tingin namumula na kasi ako. Hindi ako makahinga sa sobrang kaba.

*rrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnngggg*

Napatingin kami pareho sa school building. Uwian na. Buti na lang at nang makaalis na ako dito. Nahihiya na ako kay Alex.

"Tol! Sumunod ka na lang sa Soccer room!" narinig kong sigaw nung kasamahan ni Alex. "Wag ka nang mahiya! Ikaw din!" dagdag pa nito.

Ano daw? Mahiya? Kanino? Sino? Bakit?

"Oo na! Patay ka sakin mamaya." sigaw pabalik ni Alex bago tumingin sakin. Nahuli akong nakatingin sa kaniya! >////< "Pwedeng umupo?"

"H-Ha?.. A-Ahh, o-oo naman. Inalis ko yung ibang gamit ko. At nagpatuloy sa pag-aayos ng mga ito.

"Anong ginagawa mo dito? Palagi kasi kitang nakikitang dito tumatambay."

Napatigil ako sa ginagawa. *gulp* Napapansin niyang dito ako tumatambay? So, palagi siyang nakatingin sakin? >////< "A-Ano.. G-gusto ko lang talaga dito. Mahangin, nakakarelax..." at palagi kitang nakikita dito.

"Ganon ba?.. May tanong sana ako sa---"

*kring-kring-kring*

Sabay kaming napatingin sa cellphone ko. "E-excuse me lang. Sasagutin ko lang yung tawag." kinuha ko yung phone ko at tumayo. Lumayo ako ng konti at sinagot ang phone call. Si Kuya lang pala, "Hello?.. Opo, nandiyan ka na? Okay, papunta na.. Pasensiya na po.. O sige-sige.." I gigled. "I love you, too, Enzo.. Bye! Mwaaah!" I hanged up. Nung lumingon ako kay Alexander, nakita ko pa siyang nakatingin sakin. O/////O Ka-Kanina pa siya nakatingin? N-Narinig niya ba ang sinabi ko? Malabo. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinulot ang mga gamit ko. "A-Ano nga yung tanong mo?" narinig ko kasing may gusto siyang itanong sakin kanina bago ko sagutin yung tawag.

"Ah,. Nakalimutan ko na eh. ^__^ hehehe" sabay kamot niya sa ulo. "Kalimutan mo na lang yon." Nakangiti siya ngayon, pero bakit parang iba sa ngiti niya kanina habang papalapit sakin? O imahenasyon ko lang?

"O-Okay.."

*kring-kring-kring-kring*

Napatingin siya sa cellphone ko bago tumingin ulit sa mata ko, "Mukhang kailangan mo na talagang umuwi. Hehe."

Nakangiti nitong sabi pero may lungkot sa mata. Bakit? Gusto ko siyang tanungin pero wala akong lakas ng loob. "Ahh-Ahmm. Si-ge.. Mauuna na ako." Yumuko ako bago lumakad palayo.

"Ahm, Faye?."

O_________O Kilala niya ako? I slowly turned to him. *Dug-dug-Dug-dug* Napakalakas ng tibok ng puso ko. Alam niya ang pangalan ko.. Alam kong imposible, pero,.. may parte sa puso kong umaasa na... Na sana...

Pareho din kami ng nararamdaman.

"B-Bakit?" tanong ko.

"^___^ Ingat ka sa daan, Faye."

Ang sarap.. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko nung banggitin niya. "P-Paano mo alam ang pangalan ko?" lakas loob na tanong ko sa kanya.

Waring hindi nito inaasahan ang tanong ko, "H-Ha? A-Ano.. Ahh, eh,.. Yung-- yung I.D. mo! Tama! Nabasa ko sa I.D. mo oh." sabay turo niya sa I.D ko, "Faye Rodriguez."

Napatingin ako sa I.D. na suot ko. Ang tanga ko! Assuming kasi eh! "Ah-he-he.. O-oo nga noh. Ang tanga ko. He-he.. S-sige una na din ako. I-Ingat din! Bye!" sabi ko at nagmamadaling lumakad palayo sa kanya. Nahihiya ako. Akala ko, akala ko parehas din kami. Bobo ko! Suot ko pala yung I.D. ko. Tsk! Pero kasi.... *sigh* Nung medyo malayo na ako sa kanya, I looked back. Nakita ko siyang nakaupo sa inuupuan namin kanina at nakayuko. *sigh* "Hanggang tingin lang talaga ako sayo. Ang hirap mong abutin eh. Gusto kita, Alex. Sana marinig mo." mahinang bulong ko. I give him one last look bago tumalikod para umuwi.

🎉 You've finished reading Red Notebook [ONE SHOT] 🎉
Like :3 hihi.. ipupush ko talaga na sipagin akong magsulat sa diary ko ^_____^v

11y ago

Hahaha, kilig much <3 Cute story, Lei :"> Likey like, thumbs up :D

11y ago

Red Notebook [ONE SHOT]Where stories live. Discover now