"Wala na tayong magagawa pa. Wala na tayong pera upang tustusan ang mga gamot ni Hailly."rinig kong sabi ni papa.
"Pero hindi tuta ang anak natin,tao siya. Hindi dapat natin siya basta-bastang ipamimigay."sabi naman ni mama na halos umiiyak na.
"Bakit??Sa tingin mo ba gusto ko to? Allie..mahirap din sa akin na bilang ama ipamimigay lang natin ang anak natin. Masakit rin sa akin na wala man lang akong magawa para dugtungan ang buhay niya. Pero anong magagawa ko,tadhana ko nang maghirap noon paman,pati anak ko nadadamay pa."hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Para silang mga artista na nakikita ko sa tv.
"Pero hindi yun kakayanin ng kunsensya ko..Robert"sabi naman ni mama. Magpapalabas din kaya sila sa tv? Pwede kaya sa mga batang tulad ko ang palabas na yan? Sabi kasi nila..minsan masama raw ang ganyang klaseng palabas.
"Pero mas hindi kakayanin ng kunsyensya natin pag namatay siya ng dahil sa wala tayong pambili ng gamot"sabi naman ni papa.
"Pero...ikamamatay ko yun...mamamatay ako sa lungkot..."sabi ni mama na umiiyak na nga.
"Hindi mangyayari yun dahil nandiyan naman si Jaye e...maalala parin natin siya."bakit naman kaya nila ako nasali sa drama nila? Makapunta na nga lang sa kwarto at para makalaro si Hailly.
"Hailly? laro tayo"yaya ko sa kanya.
"Anong laro?"tanong niya. Teka umiiyak ba siya?
"Hailly bakit? May masakit ba sayo? gusto mo bang kumain?"hindi siya sumagot. Tinaas baba niya lang ang ulo niya na ibig sabihin oo.
"Tara"kinaladkad ko na siya papunta sa kusina upang kumain.
"Heto na...ang sarap..naaamoy mo na ba ang adobong tuyo?"tinaas baba niya lang ulit ang ulo niya. Sa wakas at ngumiti narin siya.
"Kainan na"nagsimula na kaming kumain. Ang dami pa naming kalat. Lagot kami nito ni mama. Lilinisin ko nalang pag katapos namin kumain.
Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa kwarto para matulog na.Umiiyak parin si Hailly. Bakit kaya?
"Hailly? bakit ka umiiyak?"kanina pa siya e.
"Hindi mo ba narinig ang sabi nina mama at papa?"tanong niya?
"Ang alin?"tanong ko naman. Ang alam ko nagdadrama sila kanina?
"Wala..di bali nalang"tumalikod na siya at natulog. Ano kayang problema? Kawawa naman siya kung lagi siyang ganyan.
~Bye...mahal ka namin...tandaan mo yan..~
~Ma!!! Pa!!! ayo ko sumama!!! Ma!!!!Pa!!!!~
~brooom....~
~Hailly!!!!!~
Bakit kaya ang ingay nila? Nawala na tuloy ang antok ko..
Bumaba ako upang malaman ang nangyayari...teka..napansin ko hindi ko na katabi si Hailly..ang aga naman ata niyang nagising?
Pagbaba ko nakita kong umiiyak si Mama habang pinapatahan siya ni Papa.
"Ma??Pa??anong nangyari?"
Tumingin lang sila sa akin.
"Si Hailly?"tanong ko ulit.
"Wala na..."sagot ni mama na iyak ng iyak...
"Ano??? hindi!!!"tumakbo ako palabas ng bahay...nakikita ko pa ang sasakyang mukhang nanggaling pa dito.
"Hailly!!! Hailly!!! Hailly!!!!"kahit hindi ako siguradong mahahabol ko yun tumakbo parin ako ng takbo. Sa murang edad na yun nagawa kong tumakbo ng mabilis...
"Hailly!!!!!!!"
BINABASA MO ANG
Just A Twin
Teen FictionAnong gagawin mo pag nalaman mong kahit patay na ang kapatid mo inaakusahan parin siya ng mga kasinungalingan? Papayag karin bang magpanggap bilang siya upang malinis ang pangalan niya? Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa kambal mong matag...