CHAPTER 12❤️

28 1 0
                                    

ZENA'S POV

BALL PART 2

Madami pa ang nagsalita sa harap,para sa mga words of wisdom ek-ek nila.

Nabagot na ako,kaya uminom nalang ako ng tubig.

"Ok!alam ko bored na kayo." Sabi ni headmaster.

Oo!talagang bored na ako. Kaya please,umpisahan na ang tunay na party.

"Kaya naman mag uumpisa na talaga ang tunay na party."headmaster

Yun naman pala eh,papatagalin pa eh.

"Kaya wag na nating patagalin to!" Headmaster

-_-,seriously Headmaster?alam ba niya lahat ng nasa isip ko?loko to hah?!

"Kaya naman may naisip akong twist ngayong gabi,meron tayong Royal Dance. But before that,papatayin muna lahat ng ilaw sa paligid. At kung sino man ang unang mahawakan niyo ay siyang magiging Royal Partner niyo sa Royal Dance. Kung itatanong niyo na,pano kung same gender ang unang mahawakan niyo,ang sagot ay hindi yan. Dahil nasisiguru namin na opposite gender niyo ang mahahawakan niyo." Mahabang paliwanag ni Headmaster.

At lahat kami,nga-nga. Mga pakulo nga naman! Kasi lang naman bata pa naman si Headmaster nasa around 25 palang naman siya eh.

Ok naman ang gagawing pakulo nina Headmaster,at alam kong bukod diyan may ibang plano pa sila.

"At mamaya,pagkatapos ng Royal Ball,ay may isang twist pa. Pero mamaya ko na sasabihin yun." Sabi ni Headmaster.

Sabi ko na ngaba eh,hindi lang basta basta ganito.

"Kaya lahat kayo ay tumayo na at umalis sa pwesto ng upuan niyo. And in 10 seconds mamatay na ang ilaw.
10

9

8

7

6

5

4

3

2

And....

1" pagkatapos ng pagbilang ni Headmaster ay namatay lahat ng ilaw.

Parang bulag naman kami neto eh,hindi na ako gumala pa sa ibang pwesto.

Naririnig ko ang ibang mga students na naghihiyawan pa. Nakaka-kaba din pala tong pakulo ni Headmaster ha.

Nagulat ako ng biglang mag humila sa kamay ko at,kinaladkad ako kung saan man to. At parang may Night Vision lang siya dahil wala manlang kaming na bangga.

Narealize ko na ang taong naka hawak sa kamay ko ngayon ay ang taong magiging ka Royal Partner ko.

At bigla naman akong kinabahan dun.

"ah-eh,hello. Pwedi naman sigurong maglakad nalang?kakapagod din kasi eh,at DUH!naka heels kaya ako." sabi ko sa humihila saakin.

Wala naman siyang imik,kaya tumahimik nalang ako. Sino ba kasi to?kung makahila naman parang mapuputol na kamay ko neto eh.

Bigla naman siyang tumigil,kaya ang ending ko?eto subsub sa likod niya na parang pader lang naman.

"Ano ba yan!antigas naman ng likod eh!'' sabi ko sabay himas sa noo ko.

But still,tahimik lang siya. Ano ba naman to na lunok ba neto ang dila niya?

At nagsihiyawan naman kami nung manumbalik na ang lahat ng ilaw.

THE FORGOTTEN PRINCESSWhere stories live. Discover now