Comment and Vote please before going on the next part - ( chapter 20 || ターニングポイント) 감사합니다.
"Salamat naman at gising ka na. Kamusta na ang katawan mo? Pinag-alala ninyo akong dalawa ni Mitsui . . . Mabuti na lang at nakaligtas kayong dalawa. Ang sabi nila umalis ka daw ng mag-isa . . . Bakit hindi ka muna nagpaalam bago ka umalis?"
Kinausap ni Rei si Azhul sa kwarto nito matapos malaman na gising na ang prinsipe. Itinanong na rin niya ang dahilan kay Mitsui kung bakit umalis ang prinsipe pero hindi nito alam ang sagot kaya tinanong niya mismo si Azhul sa bagay na iyon.
"Alam mo, kahit sabihin ko na aalis ako hindi rin naman nila ako papayagan. Kaya ayos lang ang ginawa ko. Nadadamay kasi kayo sa mga problema ko." Nakatulalang sabi ni Azhul.
"Sa tingin mo ba . . . ayos talaga ang ginawa mo?" Malungkot na tanong ni Rei sa kanya.
Napatingin muna sa kanya ang prinsipe bago ito nakapagsalita.
"Ang hirap kasi Rei . . . Ang bigat na ng nararamdaman ko. Wala na akong nakikitang paraan para magkaroon ng tunay na kaligayahan dito sa mundong ito. Isa akong prinsipe, pero . . . hindi ko magawa ang mga bagay na gusto ko. Kahit sarili kong bansa, inaayawan ako . . . Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Kaya naisipan kong palayain ang sarili ko . . . palayain kahit tungo sa kamatayan."
Nabasa ng mga luha ang mga mata ni Azhul habang sinasabi niya sa mahinang boses ang mga salitang iyon. Bumagsak naman ang luha ni Rei dahil naramdaman niya ang pinagdadaanan ng prinsipe.
"Nararamdaman ko ang kirot mo sa puso ko. Pero sana huwag mong isipin na wala ng pag-asa at hindi rin pagdurusa ang hinaharap. Walang maitutulong ang pag-iisip ng negatibo . . . Isa kang prinsipe at naniniwala akong kaya mong baguhin ang sitwasyon mo ngayon. Gusto kong malaman mo na . . . narito kaming lahat para sa'yo at hindi kami namin iiwan. Ikaw ang aming prinsipe!"
Para bang unti-unting nabawasan ang lungkot ni Azhul dahil sa mga salitang ibinigay sa kanya ni Rei. Bagaman, maraming problema, napag-isip-isip niyang tama si Rei. May paraan pa ang lahat.
Maya-maya ay may mahinang katok sa pinto sa kwarto ni Azhul. Pumasok si Kinza na kararating lang marahil kasama rin siya sa paghahanap kina Mitsui at Azhul. Nang malaman niyang gising na ang prinsipe, pinuntahan niya ito at inalam kung maayos ang kalagayan nito.
"Magandang umaga, mahal na prinsipe. Kumusta po ang kalagayan nyo ngayon? May masakit ba sa inyong katawan? Pasensya na po kung naging pabaya kami . . ." Pagkatapos ay lumuhod si Kinza sa harap ni Azhul na humihingi ng paumanhin sa mga nangyari.
Nakita ni Rei sa mga mata ni Kinza ang malalim na pagkahabag sa prinsipe. Sa tingin niya, ang aliping kaharap niya ngayon ay parang isang kapatid na handang isakripisyo ang buong buhay niya para sa prinsipe.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
"Mr. Takahiro, tawag po kayo ng inyong ama sa telepono." Sabi ng personal assistant ni Shin. Pero hindi muna niya iyon pinansin dahil gusto niyang tapusin muna ang kanyang ginagawa.
"Sir, kailangan daw po talaga niya kayong makausap kasi mahalaga daw po ang kanyang sasabihin sa inyo." Pangalawang beses na tawag sa kanya ng assistant.
"Hello, dad. Ano bang sasabihin nyo sa akin? May bisita kasi ako dito na kailangan kong makausap." Si Shin pagkakuha niya sa telepono.
"Mas mahalaga pa ba iyang kakausapin mo kesa sa akin? Gusto kong umuwi ka ngayon dito sa bahay para makapag-usap tayo ng walang pang-istorbo!!" Pagalit na sabi ng kanyang ama.
Kahit medyo naiinis, umuwi siya ng bahay gaya ng sinabi ng kanyang ama.
____________
"Ano bang napakahalagang pag-uusapin natin, dad?" Seryosong tanong ni Shin sa ama.
"Hindi mo ba napapansin ang nangyayari sa negosyo natin? Natatalo na tayo ng mga Yamamoto!!" Sigaw ni Masaru.
"Alam ko naman na humihina na ang negosyo natin, dad. Kaya nga ginagawa ko na ang lahat ng paraan para maibalik ang dati. Yung kakausapin ko ngayon ay isang mayamang negosyante ng DhenZu para kumbinsihin siya na pumanig sa atin. Pero ano itong ginawa nyo? Sayang ang pagkakataong iyon, dad!" Paliwanag ni Shin.
Bahagyang natigilan ang kanyang ama. Pero ano ba talaga ang mahalagang bagay na sasabihin nito sa kanya?
"Hindi tayo pwedeng matalo ng mga Yamamoto. May naisip akong paraan para unti-unti nating magawa iyon."
Nabigla si Shin sa sinabing plano ng kanyang ama. Nagdalawang-isip siya kung dapat ba niyang gawin iyon o hindi. Pero ng bandang huli ay pumayag na rin siya sa plano nito.
Pinaimbestigahan niya ang tungkol sa mga Yamamoto gaya ng iniutos sa kanya ng kanyang ama. Ang totoo, hindi niya gusto ang kanyang ginagawa pero, hindi niya kayang suwayin si Masaru.
Mga ilang araw lang, may bagay siyang nalaman sa mga Yamamoto - bagay na ikinagulat niya. Iyon ay tungkol sa pagkatao ni Harry Yamamoto.
"Kung ganoon, may kamag-anak na hari si Harry? Hindi pwede! Kailangang may gawin tayong paraan!!" Naiinis na sabi ni Masaru ng malaman ang ibinalita sa kanya ni Shin.
"Pwede ba, dad! Tama na!! Tigilan mo na ang pagpapakayaman. Hindi naman talaga sila nakikipagkompetensya sa atin. Ikaw lang talaga ang may gusto nito. Para sa akin, sapat na ang lahat ng meron ako . . . na kasama ka at mga kapatid ko. Kaya sana, itigil na natin ito."
Halos magmakaawa na si Shin sa kanyang ama maitigil lang ang mga binabalak pa nito. Pero walang nangyare sa mga sinabi niya. Gusto pa rin na ituloy ni Masaru ang binabalak nito.
"Shin, makinig ka. Kailangan mo akong sundin dahil para sa ikabubuti mo rin naman ito . . . At ito ang plano ko . . ."
Kinakabahan si Shin sa sasabihin ng kanyang ama.
"Kailangang masira natin ang DhenZu. At para magawa iyon, kailangan nating siraan pareho ang dalawang magkapatid na prinsipe na sina Azhul at Zomand . . . Dapat humantong ito sa pag-aaway ng dalawa . . . kahit hanggang kamatayan."
BINABASA MO ANG
The Marriage Game (On Going)
Teen FictionSi Rei Yamamoto ay isang napakayamang tagapagmana. Para maibigay sa kanya, kailangan munang maikasal siya. Tatlong lalaki ang isinaayos ng kanyang ama para sa kanya. That's what we called 'marriage game' @wattpad.com/mystianna