"Hindi."
Natigilan kaming tatlo. Pero ako slight lang, alam ko naman kasing iyon ang isasagot niya. Tss, ang arte niya talaga kahit kailan.
"Sige na Marionne, please?" Pagmamakaawa ni Trisha.
May sasabihin pa sana si Andrada kaso nagsidatingan na ang mga classmate namin. Malas naman!
Nagsalita ulit si Trisha kay Andrada ng may mahinang boses. "Sige mamaya na lang ha. Pag-isipan mo sana."
Natapos na 'yung buong klase namin sa hapon at heto, uwian na. Nagmamadali akong mag-ayos ng mga gamit ko dahil nga hinahabol namin si Andrada para sa dealing arrangement namin.
"Bessie, bilisan mo na! Nakalabas na si Marionne ng room!" pagmamadaling sabi sa akin ni Trisha.
"Heto na, wait lang naman!" pagtugon ko sa kanya. Napaka-atat naman kasi nitong kaibigan ko. At ito naman si Andrada, napakabilis naman kasi kumilos! Asar!
Nang matapos na akong magligpit ng mga gamit ko ay agad-agad na akong lumabas ng room.
"Heto na ako!" sabi ko kay bessie nang makatungtong na ang aking mga paa sa labas ng pintuan ng room, doon kasi siya naghihintay sa akin.
Agad kaming dumeretso sa destinasyon kung nasaan si Andrada. Palabas na ito ng gate.
"Bessie, palabas na si Marionne ng gate! Tamang tama!" saad ni Trisha sa akin.
Malapit na kami kay Marionne, ilang distansya na lang!
Sumigaw si Trisha ng "Marionne!" bilang pagtawag nito nang biglang napasigaw ulit si Trisha ng "Aaayyy!"
Napalingon si Andrada sa akin at nakita niya ako na nakahalindusay sa sahig. Kaasar! Nadapa ako!
"Bessie, ayos ka lang? Anyare?" pag-aalalang tanong niya.
Sakto pa naman na dumating sina Brix na papalapit din sa kinaroroonan namin at nakita niya ako. Syempre pinagtatawanan niya ako!
"Oh Sheena, buhay ka pa? Ang ibig kong sabihin, kung okay ka lang? Hahaha!" tanong niya sa akin na bakas na bakas naman sa pagmumukha niya na ang saya-saya niyang tinitignan at pinagtatawanan niya ako.
Tinignan ko si Andrada at nahuli ko na nakatingin siya sa akin. Wala namang bakas ng ngiti sa mga labi niya kaya hindi ko masasabi na pinagtatawanan niya ako. Basta tinitignan niya lang ako ng wala-akong-pake-look.
Hindi rin nagtagal ay kinausap ni Brix si Andrada. Matyaga lang kaming nakikinig sa usapan nila.
"Uy pre, busy ka ba?" pagtatanong ni Brix dito.
"Medyo." pagsagot naman ni Andrada
"Yayayain sana ka namin maglaro ng basketball. Hindi ka pa namin nakakalaro eh. Sana pumayag ka" panghahalina ni Brix. Habang nakikinig ay tinutulungan ako ni Trisha na tumayo mula sa bato na sahig.
"Medyo marami pa akong gagawin eh" sagot ulit ni Andrada
"Sige na pre, kahit sandali lang" pakiusap ni Brix. Ang arte naman ni Andrada. Maglaro ka na nga!
Ay huwag pala! Kakausapin ka pa pala namin! Please say no!
"Sige pre, pero sandali lang, huwag sana magtatagal."
"Yun oh! Geh geh! Tara na sa court!" Masayang sabi ni Brix at lumayas na sila sa paningin namin. Ano ba yan! Ang malas ng araw ngayon, kaasar talaga!
At dahil nagkaroon ako ng konting gasgas sa kamay at tuhod, buti na lang maliit lang ang mga ito, kaya sinamahan muna ako ni bessie na pumunta sa Clinic, buti na lang at bukas pa ito.
BINABASA MO ANG
Love for Rent
RomanceMataba ako at walang boyfriend... So what?! Kung pwede naman mag renta! Sa pag renta ko ng pag-ibig, madaming nagbago. Pati ikot ng buhay ko, nabago. Kaya, heto ang kwento ko... June 28'15 - #367 in Romance Written by: jeproxx13 All Rights Reserved...