Epic 16

276 64 9
                                    

Rhoui's Pov

Andito na kami ngayon sa University hindi pa kami umaalis kasi inaayos pa ng teacher namin yung seating arrangement. Dami namang arte tapos kailangan magkatabi babae lalaki. Daming alam. Sukahin pa naman ako sa byahe, nakakahiya naman sa magiging katabi ko kung magsusuka ako diba.

"Class okay na yung seating arrangement niyo!" Natapos din siya.

Tinawag na niya yung mga magkakatabi. "First, Mendoza and Jeon, Ford and Ramos."

"Ma'am sino pong Ramos?" Tanong ni Jai.

"Ikaw Ms.Brianna Jai Ramos." Parang sinasadya ng teacher na yon yung mga magkakatabi. Parang planado.

"Next Valenciano and Marquez, Valdemar and Adams, Ramos and Duke, Santos and Kim, last Jung and ......" Wag sana ako kahit mukhang sadya yung seating arrangement *cross fingers*

"Dela Vega." What!! Hindi pwede!! Kailangan kong umangal.

"Ma'am isa nalang po sa kaibigan ko yung katabi ko. Nakakahiya po kasi kay Kendrick kapag nagsuka ako." Oo tama, nakakahiya!

Tumingin sakin si Kendrick. "It's okay to me Ms. Dela Vega." Sabay kindat. Waaa! Kinidatan niya ako! Wag mo pahirapan na layuan ka Kendrick!

"Oh, okay lang naman daw kay Mr. Jung yung kalagayan mo Ms. Dela Vega." Hays, wala na akong magagawa. Pinipilit ko na ngang lumayo sa kanya pero pilit na pinaglalapit parin kami ng tadhana. Makisama ka naman tadhana sa sitwasyon.

"Okay class, 5mins nalang aalis na tayo." Wala na talaga akong magagawa. Pumasok nalang kami sa bus. Buti nalang tapat tapat lang yung mga upuan namin.

Mas naunang umupo si Kendrick, pumwesto siya banda don sa bintana. Tsk naunahan na niya tuloy ako. Gusto ko pa namang tumingin-tingin sa paligid habang bumabyahe kami.

Tiningnan ako ni Kendrick, umiwas naman ako kaagad. "Gusto mo dito ka nalang pumwesto?"

"Huh? H-hindi na. Okay lang." Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Tss arte pa. Sige na, umupo ka na dito." Tumayo na siya sabay lumipat sa kabilang upuan. Sabi niya eh.

Umalis na yung bus sa University. Kinabit ko nalang yung headset ko sa cellphone ko para hindi ako maboring. Ilang oras na rin yung nakalipas pero wala pa rin kami sa destination namin kaya natulog muna ako. Hindi ko alam kung saan ako pepwesto bahala na nga, hindi ko na talaga kaya yung antok ko.

Clarkendrick's Pov

Kanina pa ako nahihilo sa ulo ni Rhoui. Nilagay ko nalang yung ulo niya balikat ko, baka kasi ma-stipneck yung mahal ko. Oo Mahal ko siya. Bakit ba! Narealize ko lang nung isang araw na mahal ko na pala siya. Hinahaplos-haplos ko lang yung buhok niya nang bigla siyang gumalaw. Nagulat naman ako don kaya kunwari tulog din ako. Nagising ata siya sa ginawa ko. Sorry kung nagising kita Mahal ko!

"Shet wag ngayon. Nakakahiya kay Kendrick kung magsusuka ako sa harap niya. Baka magising din siya." Bulong niya. Nagkunwari akong nagising tapos nagtanong ako kung nasan na kami. Tiningnan ko si Rhoui sa gilid, nakatakip lang siya sa bibig niya.

the epic revenge of the gangsters | bts [discontinued]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon