Chapter FifTeeeNN *-*

18 3 0
                                    

Chapter FifTeeeNN  *-*

Yvonne's POV

Ambilis ng araw noh?

Sunday lang naman Ngayon! Tsk.

Kung tatanungin nyo kung kamusta ang kahapon ko,

Well, Nalowbat lang naman Phone ko........

Bakit?

Eh kasi naman! Ang aking bestfriend na Kire eh puro kwento na lang ng kwento tungkol dun sa 'Gelo' ,

Kung matatandaan nyo may crush si Sandy na lagi naming nakikita dun sa Mcdo, at nakilala na nya nga ito kahapon, 

Napuyat kasi ako kahapon dahil sa sobrang pag-iisip kay Ethan!

AISH. ERASE ERASE!

Dahil sa pag-iisipi ng problema ko Bukas!

T_T Monday na bukas!

Magcocommunity service ang isang magandang estudyante ng Harrington! How bad is that?

At ang masaklap pa alam na ng parents ko, napakadaldal lang naman kasi ng Teacher ko noh, nainform agad parents ko, hindi ko nga alam kung paano nya nacontact parents ko, >.<

So ayun, nakipagSkype kaagad sina Mommy at Daddy kahapon at nasermunan na naman ako -_-

Syempre nangatwiran naman ako na hindi ako nag-escape! :)

Pero wa'effect eh! 

Ah basta, Carry ko 'to!

Nakakainis lang talaga at sumabay pa ang Epic Fail na Sophia na yan! 

Alam ko namang kakalat na sa Campus na si 'Princess Yvonne Manzano' ay magcocommunity service mag-isa magtututor pa! Oh san ka pa?

Pero Hindi naman ako basta basta papayag na hindi ako makaganti sa Prince Ethan na yan! Dapat sya ang tumatanggap ng punishment ko ngayon!

By the way,andito lang ako sa loob ng kwarto ko nagkukulong, Haha, Ganito lang talaga ako! Lalo na kapag may problema,

Tsk.

'Prince Ethan'

'Prince Ethan'

'Prince Ethan'

Psh! ERASE ERASE!

ARGH. Ba't ko ba naiisip ang lalaking yun?

Oo tama, Dahil gusto ko syang gantihan kaya pumapasok sya sa kokote ko diba? diba?

Haixt, Makalabas nga muna ng kwarto di pa ko nakakapagbreakfast eh.

Habang bumababa ako ng hagdanan eh may naririnig akong ingay..........

Naku, Siguro nagbalik na ang mga chismosa sa bahay!

None other than........

Mga yaya KO!

Oo, sila lang naman ang mga dakilang chismosa dito, wala ng iba, ano na naman kayang chismis....?

Syempre sumilip silip muna ako dun sa kusina habang pinapakinggan ang usapan nila baka kasi ako na pinag-uusapan nila eh,mahirap na.

"Hay naku, mukang sumisipsip na naman kay Mam Yvonne yang Erinn na yan!"

-Yaya 1, na parang pinakaleader nila sa chismisan,

"Oo nga! Diba hindi sya nagday-off? Nag-stay na lang sya dito with Mam Yvonne! Halatang halata na syang sumisipsip!"

-Yaya 2 na may pa-english english pa,

          

"Oo nga, Hindi naman porket sya ang pinakabata sa atin sya na ang pinakamagaling sa mga gawaing bahay, At balita ko gusto nya mag-aral, siguro kaya sya sumisipsip kay Mam Yvonne para pag-aralin sya!"

-Yaya 3 na medyo gurang na,

"Ay! Hindi pwede noh! Hindi nya tayo pwedeng mataasan! Sinuswerte naman yang babaeng yan noh! Kung sya 16 pa lang, 18 pa lang din naman ako noh, bata pa ko! And, Hindi nya kilala si Mam Yvonne noh!"

-Yaya 4 na daig pa ang clown sa pagmemake-up at napakahusay ding chumika!

Makasingit nga,

Masyado kasi nila inaapi si Erinn!

"EHEM, EHEM EHEM," say ko habang palapit ng palapit sa kanila,

Halata namang mga gulat ang mga chismosang ito,

Ngumiti naman ako sa kanila, yug tipong seryosong ngiti,

"May problema ba kayo kay Erinn?" tanong ko habang nakangiti pa din sa kanila,

"Ah...M-mam, K-kanina pa po ba kayo dyan?" 

-Yaya 4

"Kelan pa naging sagot ang tanong?" say ko pa din,

"Eh Mam! Wala naman kaming problema kay Erinn!"

-Yaya 3

"Ow, Ganyan na pala pag tumatanda, nagiging SINUNGALING NA...." kalma pa din ako, syempre kalma muna tapos may patama!

"Mam.... we're just saying na.......... Erinn is a goodgirl she stay here with you! And we day-off day-off na"

-Yaya 2

"MAHUSAY!" sabay palakpak ko,

"NapakaHusay! Lam mo yon? na ang isang KATULONG, Dinaig pa ang AMO sa pag-eenglish!"

tameme silang lahat, 

Napansin kong hindi nagsasalita si Yaya 1 na pasimuno ng chismis,

"Oh ikaw, baka gusto mo ding magbigay ng kasinungalingan? Share mo para masaya!"

"Mam, Kasi po........... Napapansin lang po kasi namin na.......masyadong F.C si Erinn  sa inyo.........." hiyang hiya nyang sabi,

"F.C? Hahaha! Biruin mo, alam mo pala yung salitang F.C!? Hahahaha!"

umiinit na ulo ko sa mga yaya na 'to!!!!

"Eh yung salitang INGGIT? Hindi nyo alam?"

natameme pa sila lahat,

"Oh ngayon, natameme kayo? Speechless ang peg nyo? For your information! INSECURITY KILLS! K?"

halata namang natatamaan sila,

"At kung iniisip nyong sumisipsip lang saken si Erinn,

Hindi naman siguro! Dahil hindi sila tulad NYO! and gusto ko lang idagdag na,

Pag-aaralin ko sya! Get that?"

Hindi pa nagtatapos,

"Nga pala, YOU'RE ALL FIRED!" nagulat naman sila sa sinabi ko, bahala na sila! I'll just tell my mom na kumuha na sila ng mga bagong maids, yung mga hindi chismosa at hindi inggitera! Grr.

Eh kasi kawawa naman si Erinn noh, oh ayan, napabigla rin ako na pag-aaralin ko sya, 

Pero sige na! Nasabi ko na kaya pag-aaralin ko na si Erinn! K?

10 Reasons Why I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon