WOPM: CHAPTER 2

134 19 13
                                    

The MANWHORE's POV

@Philippines

6:40 am

Nandito ako ngayon sa Bar ni Dwight, ano pa bang ginagawa sa bar? edi uminom na naman ako ng uminom, at imagine 6:40 palang ng umaga

"Ang aga pa yata Nathan, alak na agad nilantak mo" si Dwight yan

"Tsss, bat ka ba nandito?"

"Baka nakalimutan mo,ako ang may-ari nitong Bar" at umupo siya sa tabi ko

"Ugok! di ako tanga, ang ibig kong sabihin bat ka nandito sa bar mo eh ang aga aga pa"

"May kinuha lang ako sa office ko, eh ikaw bat ang aga aga eh nandito ka na?"

"May nangyari kasi"

"Ano naman?"

"Mahabang istorya"

"Shunga ka pre? kaya nga ako  nagtatanong eh"

"Sa tinatamad akong magsalita eh"

"Naku, ewan ko sayo mabuti pang umuwi kana sa condo mo at magbihis ng uniporme kasi may pasok pa tayo ngayon baka nakalimutan mo"

"Oo, sige pagkatapos nitong iniinom ko"

"Basta pumasok ka, kundi mapapatay ka talaga ng Daddy mo, sige una na ako sayo.. susunduin ko pa si Justin"

"Naku, parang may nililihim kana ngayon Dwight ah?"

"Huh? anong ibig mong sabihin?"

"May lihim ka na palang pagtingin jan sa kaibigan nating si Justin, kayo ha,baka ano na yan" pang-aasar ko sa kanya

"Naku! ang laki na talaga ng topak sa ulo mo Nathan, mag pa check-up ka na HOY!" at umalis na siya

Ako naman inubos ko nalang ang iniinom ko at umuwi na sa bahay, ayaw ko munang umuwi sa condo, maalala ko pa ang kahayupang ginawa ko kagabi

*Sa bahay

Pagkarating ko sa bahay, sinalubong agad ako sa sala ni Nikki , kapatid kong babae dalawa kasi kaming magkapatid

"Himala ata Kuya at napauwi ka dito"

Mangbebwesit na naman tong kutong lupa kong kapatid

"Tumahimik ka Nicky, wala ako sa mood makipagbiruan"

"Che! magbihis ka nalang kuya, kasi sasabay ako sayo papuntang school" 3rd year highschool pa kasi si Nicky tapos sa iisang paaralan lang naman kami pumapasok, meron kasing high school at college ang school namin

"Anong sasabay pinagsasabi mo diyan?"

"Nasira ang kotse ko tapos wala si manong driver, kaya sasabay ako.nu? wag mong sabihing palalakarin mo ako?"

"Talagang palalakarin kita pag di ka tumahimik jan"

"Suplado!! oo na! tatahimik na!" at umupo na muna siya sa couch at ako naman dumiretso na sa kwarto at nagbihis na

Pagkababa ko bunganga na naman ng kapatid ko ang sumalubong sa akin..

"Grabe lang Kuya ha? ang tagal mo namang magbihis! daig mo pa ang babae! malalate na ako ng dahil sayo eh!"

"Edi sana, sinimulan munang maglakad kanina... tssss!"

"Hayyssss! Ewan! Halika na nga, malalate na tayo eh" at hinila nalang ako bigla nitong kumag

Magugustuhan mo rin ang

          

"Mamaya na, kakain pa ako ng breakfast"

"Sa school nalang, bilisan mo nga diyan! para ka talagang bakla!" kaya wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sa kumag kong kapatid

End of the MANWHORE's POV

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The SLUT's POV

@NYC

10:38 am

Nandito ako ngayon sa isang cafe, hinihintay si Christian, pagkatapos kasi ng nangyari kahapon di na kami nakapag-usap kasi nag walk-out na agad ako

"Kanina ka pa?"

"Di naman, kararating ko lang din" sagot ko kay Christian at ngitian siya

"Pasensya na kung medyo natagalan ako ha? may kailangan lang kasi akong daanan"

"Okay lang, ano bang pag-uusapan natin Christian?"

"Tungkol sa sinabi ko kanina"

"Kung tungkol dun, wala na tayong dapat pag-usapan pa kasi desidido na ako sa desisyon ko Christian"

"Kaya nga kailangan natin tong pag-usapan Kirstin, sa......"

"Jessica" pagtatama ko pa

"Okay, kaya nga nandito ako ngayon Jessica para ipaalam sayo ang gustong mangyari ng daddy mo"

"Ano bang gusto ng matandang hukluban na yun?!" nakakairita lang!

"He's still your dad Jessica, no matter what happens"

"Yah yah yah! A dad that can never be one , so what's the plan of that old bastard? " I murmured, totoo naman eh! He was never a good dad to me or should I say he was never a dad to me, kaya wala ng respeto respeto!!!

"He said that you must go home, Literally go home as in Pinas, may sasabihin daw siyang importante sayo"

"This is my Home Christian, at bat ba kailangan umuwi ng Pinas? eh pwede niya naman akong tawagan? bat ba kasi ang daming arte nitong Matandang Bakulaw" -sabi ko na iritang irita na

"You still hate HIM until now? You know you need to forgive Him after all He's still your father"

"Enough of this non-sense, If that's what he wants then okay I'll go back to the Philippines but not for Him, for the sake of my Mother" at iniwan ko na siya

Kung akala niya mapapatawad ko siya sa lahat ng nagawa niya sa akin

pwes, nagkakamali siya

Im going home not because I want to forgive them but because I want them to feel my sufferings before...

End of the SLUT's POV

~~~~~~~~~

The MANWHORE's POV

Nandito ako ngayon sa Canteen ng school, kumakain, peste kasi tong kapatid ko! di na ako pumasok sa first subject ko kasi di ko na talaga makaya, nagaalburoto na kasi tong mga bulate ko sa tiyan.

Human Ana pa naman 1st at 2nd subject ko ngayon tapos nag cutting ako

"Kaya pala wala ka sa First subject honey, nandito ka pala"

"Excuse me lang Miss ha? pero sino ka ba?" sino ba to? ang alam ko lang talaga sa babaeng to ay babae siya

"Ang palabiro mo talaga Honey, ako to si Kath, remember your girlfriend?" maarte niyang sabi at tumabi sa akin

When Opposite Poles Meet ❤ (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon