Chapter 1: Welcome to Elemental Magical Academy

57.7K 1K 41
                                    

Venus POV



Tok... tok... tok


"Bukas yan."


''Senyorita kain na po kayo, nakahanda  na po ang pagkain sa baba.'' ani ng kasambahay namin.


''Mamaya na po manang naglalaro pa po kasi ako eh.'' sagot ko sa kanya.


"Naku senyorita baka ako po pagalitan ng daddy niyo pag hindi pa kayo kumain eh." nag-aalalang sagot niya sakin.


"Okey sige po susunod na po ako."


"Sige po senyorita aalis na po ako."

————————————————————————————————————————————- 



Hi everyone, ako nga pala si venus at 17 years old na po ako. Ako po ay isang adik sa paglalaru ng ***** ****. At nilulubos kona ang paglalaru nito kasi malapit na pong matapos ang summer.


Pababa na po ako ngayon para kumain kasi ayokong mapagalitan si manang ni daddy ng dahil sa akin eh.


Fastforward


Pagkatapos kong kumain eh nag-ayos na ako ng sarili dahil may pupuntahan daw kami ni mommy at daddy na school. EMA daw? As in Elemental Magic Academy. At sabi nila doon daw ako nararapat na school. Pero atin-atin lang ito ha kasi si mommy at daddy, they have powers at ako rin meron. Secret muna sa ngayon.


Papunta na kami ni daddy at mommy sa sinasabi nilang school pero nagtataka ako bat sa isang kwartong never ko pang napapasukan dito sa bahay kaming tatlo pumasok. Tapos huminto si daddy sa napakalaking salamin na may frame na gold. Napanganga nga ako eh kasi ng may binigkas si daddy ay bigla itong umilaw.


"Oxeenus se sileux'' yan ang sasabihin mo lagi para bumukas to, sabi ni daddy.


'Opo dad.' At pumasok na kami sa portal at pakiramdam ko binabaliktad sikmura ko ng portal na ito. Sumuka nga ako nang nasa harap na kami ng malaking gate na kulay ginto. At sabi ni mommy sa una lang daw ito masasanay din ako.


Papasok na kami ng school at pumunta muna kami sa principal's office para makausap namin ang principal.


'Mr. and Mrs. Lincoln kumusta.' bungad ng napakagandang principal sa amin.


'Okay lang maganda at gwapo parin.' sagot ni daddy at mommy kay Ms. Principal maganda. 'Samantha ito nga pala ang anak naming si Venus at dito na naming siya pag-aaralin.'


So whats her power? Am, no need to answer that I know what is it.


(? ?) ganyan mukha ko.


'Hahahahaha nakakatawa naman ang mukha mo hija. Sorry I didn't introduce myself to you. Im Samantha Peir, my power is earth and water and my ability is to know someones power, and I can read mind also at marami pang iba. Pero sa totoo lang hindi ko mabasa utak mo. Hmm interesting.' wika niya sa akin na nakangiti.


(?   ?) nganga parin ako hanggang ngayon. Totoo ba talaga to lahat kasi akala ko dati alien kami nila mommy at daddy dahil may kapangyarihan kami pero ngayon marami palang taga earth na katulad namin.


Nabasag pagmuni-muni ko ng magsalita si mommy.


'Baby mag-iingat ka lagi dito ha? At umuwi ka ng bahay pag bakasyon niyo  na at dadalawin ka din namin ng daddy mo pag di na kami busy.' paalala at bilin ni mom sa akin. 'Okay po mommy kayo din po.' at humalik na ako sa pisngi ng mom at dad ko upang magpaalam.


'So here is your room key at schedule mo. At sa monday na magsisimula klase niyo.' pagbibigay instruction ni Principal ganda sa akin. Parang ang bata pa nga niya tignan.


'Sige po salamat.' pagkatapos ay hinanap ko na kaagad yong assign dorm sa akin. At sa wakas nahanap ko na rin. Hmm nagtaka ba kayo kong bakit wala akong bitbit na maleta, ahmm ano kasi nasa bulsa ko lang ang mga iyon. Oh di kayo maniwala? Ganito kasi yon gumamit si mommy ng spell at lumiit ito. Ang cool diba. At may spell book din ako bigay ni mommy at daddy sakin.


Ahmm sa room po na ito ay may apat na magagandang kwarto na may bawat cr at walk in closet at kung ano-ano pang gamit tulad ng shampoo, sabon at iba-iba pa basta kupleto lahat. Ang sala naman ay maluwag at kumpleto ang appliances. Sa kitchen ay kumpleto rin at kumpleto ang stocks. At ang pinili kong room ang iyong light color yong wallpaper pero elegante. Iniayos ko ang gamit ko sa closet at kung ano-anu pa at pagkatapos ay nagshower mona ako bago humiga para matulog ng bigla tumibok ng malakas ang dibdib ko dahil may kumalabog sa kusina, hindi kaya magnanakaw yon? Panginoon wag niyo po akong pababayaan iligtas niyo po ako sa kapahamakan.


Pagkatapos kong magdasal ay kumuha ako ng pamalo kong sakaling magnanakaw man iyon. Ng-uunahan parin ang heartbeat ko. Oh my god nanginginig na ako sa takot. Venus kaya mo yan relax, inhale exale sabi ko sa sarili ko.


Hindi ko namalayan malapit na pala ako sa kitchen. At may narinig akong mga yabag. Ipapalo ko na sana ng makita kong babae pala ito.


(? ?) ganyan iyong mukha ng babae. 'Eh miss pwedi pakibaba ng pamalo mo hindi po ako masamang tao, were dormate.' pagpapaliwanag niya. 'Ayy sorry, I thought magnanakaw ka.' pagsosorry ko sa kanya.


'Ahahaha ganun ba? Ahhh eh kadarating lang namin kanina, iyong dalawa pang babae na ka dornmate natin. Actually magbestfriends ata yong dalawang iyon. Pero nasa labas pa sila at nagpaiwan ako dito para magluto. Mahilig kasi akong magluto eh kaya nag presinta na ako. Im Alexandria Davis and you?'


'Ahh ehh ako nga pala si Venus Hee Lincoln. Nice meeting you at sorry talaga ha?'


'Nice meeting you too. Ahmm okay lang yun. Halika tikman mo niluto ko.' pag-aaya niya sa akin at pinaupo ako sa upo. 'okay' iyan lang ang tanging nasabi ko.


Habang kumakain kami ni Alex eh may narinig kami dalawang babaeng kumakanta pero ang nakapagtataka familiar ang boses nila. At habang nag-iisip ako ay biglang bumulaga ang dalawa at. . .


Oh my gosh...



...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon