(Chris' POV)
6 Months Later..... April 19, 2014
*Beep Beep*
Ang trapik naman bwisit! Bakit di pa ko masanay dito sa novaliches market!
Nandito lang naman ako para bilhin ang mga pagkain pinaglilhian ng asawa ko.
6 Months Pregnant na si Chloe Fraternal Twins Lalaki at babae!
Di ba ang saya? Worth it lahat ang nangyayari ngayon sa buhay ko. At masaya ako dahil kinasal kami ni Chloe sa isang Malaking Simbahan sa Ilocos Norte Hometown nila. Dun na rin kami nag honeymoon ayoko kasi sa ibang bansa kahit gusto kami isponsoran ng mga Ninong namin sa kasal na puro CEO ng mga malalaking companies at ilang mga matataas na opisyal ng PNP. Mas gusto ko dito sa bansa natin. At ayun sa sobrang pananabik ko sa kanya buntis na kaagad. At naiyak ako dahil gusto ko iparanas sa mga magiging anak namin ni chloe ang pagmamahal ng isang tunay na ama mamahalin ko sila ng buong buo tulad ng pagmamahal sa akin ni tatay at siyempre ni mama.
*Calling Mama*
"Waaaahhh!!!! Di na niya ko mahal iniwan niya na ko mama!!! Ang taba taba ko na kasi!!! Mama pauwin mo na si Chris pauwin mo na rin un pinabili kong mga Ubas, mansanas at Pizza!!! Waahhhh!! Huhuhuh!!! Nakakainis ang tagal tagal mahal niya ba ko?! Matapos niya kong buntisin iiwan niya ko?! Waahhh!!!!" sigaw nung nasa linya.
Napatawa ako. Hahaha!! Ba't ba di ako nasanay eh di maikukumpara yan pagttantrums niya nung mga unang buwan ng pagbubuntis niya. Halos Kaladkarid niya na ko palabas ng bahay dahil lagi ako late umuuwi. Oo nga pala Temporary Personnel Admin Chief muna ako sa SAF Headquarters sa Camp bagong Diwa. Dahil gusto ko bantayan ang asawa ko siyempre takot ko na rin. Naiinlove ako lalo dito ehh.
"Huuuhuhuhuu Mama!!! Nasaan na ang ama nitong mga kambal ko Mama!!!!!" sigaw ng napakaganda kong asawa.
"Ma? Bakit di mo pinapatahan?" Sabi ko di kasi siya nagsasalita at halatang natatawa din.
"Eh lalong umiiyak anak nasaan ka na ba kanina ka pa nga naman wala ahh bakit di ka na lang dun bumili sa palengke sa kabilang kanto ng mga gusto niya?" Tanong ni mama.
"Eh may suki ako dito sa bayan at mas mura at sariwa pa ano oras na ba? wala pa ba un pizza?" Tanong ko.
Grapes, Apples at Pizza Hawaiian ang palaging pinagccrave ng asawa ko medyo nawawala na nga un abs ko ehh. kakain nun pero sakto lang haha.
"Malapit na yun sige na bumalik ka na dito ikaw lang naman magpapatahan dito ehh" sabi ni mama.
"Eh halos paalisin na niya ko sa bahay sige na gawin mo na po muna lahat para mapatahan mo sige na ma lapit na ko bye" Sabi ko.
Nakatakas na ko sa trapik at humarurot na ang sasakyan.
Pagpark ko pa lang sa garahe mas lalo pa yata lumakas ang hagulhol niya sa pagiyak.
Kinuha ko na un mga pinamili ko at pumasok sa bahay.
"Chloe my loves nandito na ko!!! At may pasulubong ako sayo!!" sabi ko.
Tumigil siya at tinignan ako ng masama. Grabe mugtong mugto na un mata niya. Nakasandal siya sa sofa namin medyo nakahiga na rin tapos bigla siya umayos ng upo.
Tsk!
"Buti naisip mo pang umuwi sa amin ng mga anak mo at nagsawa ka kaagad diyan sa mga babae mo!! Lumayas ka na!! Layas!!!!" nagsimula batuhin un mga unan na pinulot lang ni mama walang kibo.
BINABASA MO ANG
Love & Sacrifice
RomanceThis is a tribute story. "It's all well and good to look back after the fact and see what we should have done, but we rarely know what path is best when we take that first step." ― Christine Feehan, Oceans of Fire Please enjoy this story. :D