Kabanata 11

15 2 0
                                    


Amity's POV

Maaga pa lang ay abala na ang mga tao sa bahay. Kahit hindi naman dito gaganapin ang party ni kuya ay abala ang lahat payi ang mga katulong sa pagkausap sa mga magseservice mamaya sa events hall na kinuha.

Ang mga driver naman ay kanya kanyang alis na para puntahan ang mga dapat puntahan kasama sila mommy, daddy at zac pati na si ate na mukhang magpapa spa pa yata para dito

Humikab ako at saka bumaba mula sa second floor ng bahay kakain muna ako bago tawagan ni Margott, iyong kakilala ko na make up artist/ stylist na mag aayos sa akin

12 hours pa nago ang party, 7 am pa lang at 7 pm pa ang party kaya pagkatapos kumain ay minabuti ko munang itext si Ivan

"Ami! I was about to text you pero naunahan mo ko. By the way, sabay na tayo pumunta sa event mamaya? I'll pick you up at 6." napangiti ako, lagi nya talaga akong naaalala

Medyo may kalayuan ang bahay sa events hall na yun kaya mabuti na rin na maaga kaming aalis kaya nagtype na agad ako ng mensahe. Pagkatapos nun ay iniwan ko muna ang phone sa kwarto para icharge at saka ako bumaba

Nanood muna ako ng tv hanggang magtanghali dahil wala akong ibang magawa, patayo pa lang ako para kumain na nang biglang dumating si ate na may kalat kalat na makeup sa mukha. Sakto naman ang padabog na pagsarado ng isang sasakyan na kasunod lang ng sa kanya at saka dire diretsong pumasok ang isang matangkad na lalaki

"Marissa! Come on! Mag- usap tayo!" sigaw nito kaya lalo akong napatayo, kakilala sya ni ate?

"Wala na tayong dapat pag usapan pa! Tapos na, Charles!" sigaw ng kapatid ko at saka nagmartsa paakyat ng hagdanan na sinundan naman ng lalaking iyon. Halos tumakbo ng ate ko sa laki ng hakbang nung 'charles'

Napatunganga ako dun bago ko marealize kung anong nangyayari. Dali dali akong umakyat at nakita ko sa labas ng pinto ng kwarto ni ate ang lalaki, ambang lalapit na ko ng biglang bumukas ang pintuan at niyakap sya ng ate ko habang naiyak

Tinatahan naman sya ng lalakeng iyon.

Ooookay? Dahil masyadong awkward iyon ay dahan dahan na akong bumaba. Bahala na sila dun sa taas.


Nang maghapon na ay tinawagan ko na si Margott bago ako maligo, at nang matapos akong maligo ay saktong nagaupo na ang ehem, binabaeng ito sa kama ko. Nagawa na talaga pumasok sa kwarto ko

" Hello dear, patingin ng dress mo dali! Sino nag design?" excited na untag sakin ni baklita kahit hindi pa ako nakakabihis man lang, naka bath robe lang ako

Kinuha ko ang box na nagalalaman ng gown na susuotin ko para sa formal party ni kuya "Hindi na ako nakapagpa-design eh, ready made lang yan. Kahapon lang kasi naalala" hindi na nagpaawat si Margott at binuksan nya na iyon.

"Hmm, so make up an na kita? May idea na ko." sabi nya kaya tumango ako at nasimula na syang kumilos sa mukha ko

Pagkatapos ay ang buhok ko naman at saka nya ipinasuot sakin ang dress

Halos mangisay sya sa kilig ng makita ako "You are drop dead gorgeous my dear!" sigaw nito sabay tili at sakto naman ng pagkatok ni Ivan sa pinto ng kwarto

Pagkapasok nya ay sumipol at napailing sya kaya hinampas ko sya sa dibdib. I can say, ang gwapo nya ngayon. Araw araw naman but something's different tonight

Inalalayan nya ako pababa ng hagdan dahil medyo mahaba ang likuran ng dress ko at nang makasakay na kami sa sasakyan nya ay sya parin ang tumulong sa dress ko

Wala kaming imikan sa loob habang nagdadrive pero hindi rin naman awkward, at nang makarating kami sa event ay tumambad agad sa aming gilid ang red carpet at ang mga member ng media na agad tinutukan ng camera ang sasakyan namin na kararating lang. Naunang bumaba si Ivan bago umikot at pinagbuksan ako ng pinto "Let's go beautiful" sabi nya sabay lahad ng kamay

Our Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon