Kabanata 4
"Sister Mary..." sinalubong ko ng mainit na yakap ang madre na pinaka close ko dito sa 'Alameda Orphanage'. Dito ako pumupunta kapag may problema ako o di kaya'y gusto kong malibang.
"Mabuti naman at nakadalaw ka ulit dito Ayalisse. Miss na miss ka na ng mga bata." wika ni Sister Mary. Siya ang taga pamahala ng Orphanage na ito. Isa ako sa mga nagbibigay ng donasyon sa ampunan na ito simula ako ay mag kinse anyos, bata pa ako pero naisipan ko ng tumulong sa kanila dahil kahit papaano ay malaki ang allowance na ibinibigay ng aking mga magulang kahit na we're not in good terms.
Pakiramdam ko, isa rin ako sa mga bata na nandito na ulila at walang mga magulang. Ang kinaibahan ko naman ay nanjan nga ang mga magulang ko pero di naman nila pinaramdam sa akin ang pagiging isang anak.
"Pasensya na po at di ako nakadalaw ng mga ilang buwan. Pero babawi po ako lalo na at malapit na ang bakasyon." ngumiti sa akin si Sister.
Pumasok na kami sa loob dala dala ang mga pinamili kong laruan at pagkain para sa mga bata. No one know na ang isang Ayalisse ay nagpupunta sa lugar na ganito. Even my bestfriends doesn't know it.
"Ate Ayaaaa!" masayang salubong sa akin ng mga bata na kanina ay naglalaro at may sari sariling pinagkaka abalahan.
"Hello kids!" lumuhod ako para maging kapantay sila at binigyan nila ako ng mainit na yakap. Nakikita ko sa kanila ang kapatid ko na hindi ko nabigyan ng pansin, pakiramdam ko kasi si Chassy ang may gawa ng lahat kung bakit wala ng naibibigay na atensyon ang mga magulang ko sakin.
"Namiss ka po namin." malambing na sabi ni Van. Ang pinaka malambing na bata dito sa ampunan, siya rin ang pinakamakulit. "Sumisipsip ka nanaman Vanter!" kantyaw ni Mayumi na pinaka matanda sa kanilang lahat. Siya ay onse anyos pa lamang at ang pinaka bata sa kanila ay sa tingin ko 1 yr old pa lamang.
Natawa kami sa sinabi ni Mayumi. "Naku tama na yan mga bata may pasalubong nga pala si Ate Aya niyo sa inyo." anunsyo ni Sister Maggie, ang pinaka batang Sister dito sa ampunan.
Masayang kinuha ng mga bata ang bitbit kong mga pasalubong sa kanila, ang mga laruan ay kanya kanya silang kuha at pinaglaruan na nila ito agad.
"Ate Aya, mayroon po kaming bagong kasama dito." sabi ni Van sa akin at tinuro ang batang lalaki na tahimik sa gilid at nanonood lamang sa mga kasamang masayang naglalaro. Sa tansya ko siya ay tatlong gulang pa lamang. Mas bata siya ng tatlong taon kay Vanter.
"Ah ganun ba? anong pangalan niya?" tanong ko kay Van at kinuha ang isang bola na binili ko.
"ano nga ba uling pangalan niya? p--pa ano nga ulit yun? paminta?" natawa ako sa sinabi niya, di niya maalala ang pangalan ng bata. Batang bata pa ulyanin na.
"Hay naku Vanter! di paminta ang pangalan niya. Siya si Pepper! " singit ni Mayumi habang naglalaro ng barbie. "Ganun din naman, in-english lang." bulong ni Van.
Lalo akong natawa. Ginulo ko ang buhok ni Van. "Ah yun! Pepper nga po. Salamat ate Mayuming masungit." pang aalaska ng batang ito. Binelatan siya ni Mayumi.
"Tara lapitan natin siya."
"Hello Pepper." bati ko sa batang ito na sobrang cute. Ang puti puti, natural brown ang kanyang buhok at ang taba taba ng pisngi.
Iniabot ko sa kanya ang bola. "Ako nga pala si Ayalisse, pwede mo kong tawaging ate kung gusto mo." tinitigan niya ako at di nagsalita.
"Nagugutom ka ba? anong gusto mo?" tanong ko pa. "Gusto ko mama ko." nakaramdam ako ng awa sa batang ito. Para bang gusto ko siyang yakapin at iuwi sa bahay.
"Nasan ba ang mama mo? kaya tayo nandito kasi wala tayong magulang." singit ni Vanter, baby palang kasi siya ay dinala na siya dito sa ampunan. Kaya wala talaga siya kinilalang magulang bukod sa mga sister na namamahala dito.
"patay na siya." malungkot na sabi ni Pepper. naiiyak ako, kasi ako kahit may magulang pa di ko naramdaman na mayroon ako. Laki ako sa yaya ko.
Niyakap ko ang batang musmos na ngayon ay umiiyak na. Nakakalungkot na balita.
"Shhh don't cry little boy. Ate Aya is here, nandito rin sila sister and we can be your family"
Sabi ng iba maswerte daw ako kasi bukod sa mayaman,maganda,matalino ay mayroon pa akong buong pamilya. Pero di nila alam, ni minsan di ko naramdaman na mahal ako ng pamilya ko.
"Beb! Alam ko na kung anong pangalan ng impaktang kalandian ni Kaden." nandito kami sa bar ni Sunnie. Nagliliwaliw.
"How do you know?" tanong ko habang iniinom ang tequila at sinipsip ang lemon.
"I owned this place, at pinahanap ko ang pangalan niya sa guess list. Kilala pala siya dito bilang isang bitch na kung kani kanino lumilingkis." nakakasuka niyang sabi. So hindi lang si Daijon at si Kaden ang nilalandi niya? Whore.
"Her name is Herieth Ilano. Galing sa di karangyaang pamilya kaya kung kani kaninong mayayaman dumidikit. And guess what? She's the fucking mistress of my Dad! Imagine a 16 yrs old fuck an old man!" di makapaniwalang niyang sabi. Ang tatay niya ay may kabit? at yung Herieth girl na yun pa talaga?She's a damn whore! Akala ko si Sunnie ay may masaya at buong pamilya pero mayroon din pala siyang pinagdadaanan.
"Kelan lang namin nalaman na may kabit si Daddy, nakita ng dalawang mata ko mismo na lumabas siya sa condo ng tatay ko! what do you expect me to think? tangina! di lang si Kaden ang kinuha niya sa akin! pati pa ang tatay ko!" gigil na gigil siya dito sa kinauupuan namin at nilunod ang kanyang sarili sa alak. Kaya pala biglang nag aya mag bar. As usual tumakas nanaman ako, buti na lang di pa ako grounded.
"Calm down Sunnie, may araw din sa atin yang babaeng yan." niyakap ko siya habang nag iiyak siya.
Soon bitch, you'll face the hell where you truly belong.
***
Maraming salamat po goldennaid sa magandang Cover ♥
BINABASA MO ANG
The Other Side #Wattys2016
General FictionAyalisse Evans is not your typical protagonist. Sa sarili niyang istorya ay siyang lumalabas na masama at kontrabida. Sa isang kwento, laging ang bidang karakter ang pinapaburan ng mga mambabasa o manonood. Dahil hindi natin alam ang side ng kontrab...