Tumigil ang pedicab at nagbayad na si Leo, tumakbo ako agad kung nasaan sila habang kinukuha ni Leo yung mga gamit namin.
Napangiti naman ako dahil sakto nasa hardin lang sina Tiya Isabel at Ella.
Nasaan kaya si Bella?
"Magandang umaga po." Humalik ako sa pisngi niya ngunit si Tiya naman ay tila nagulat noong nakita ako.
"Bakit nandito ka?!" Napakunot yung noo ko nung sinabi ni Ella iyon sa akin. Bakit parang ayaw niya sakin?
"Syempre dinadalaw ko kayo, miss na miss ko na kayo ni inay!" Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Ah g-ganun ba? Miss na din kita Althea." Bakit Althea ang tawag niya sakin? Mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya pero ayokong tawagin niya akong ate. Noong mga bata pa kami laging Thea lang ang tawag niya sa akin, ang ganda daw kasi ng palayaw ko. Si Bella naman, Althea ang tawag sa akin. Ang pormal.
Hmm, baka trip lang niya.
"Oh iha sino iyang kasama mo?" Nasa gilid ko na pala si Leo.
"Tiya, si Leo nga pala. Boyfriend ko po." Nagmano si Leo at nginitian lang siya ni Tiya Isabel.
"Tara pumasok na tayo, Bella tulungan mo sila" Nauna na si Tiya Isabel na pumasok sa bahay. Tinulungan kong magbuhat ng gamit si Leo.
Bella?! Agad akong napatitig kay Bella pero parang may mali. Natauhan ako nang bigla siyang magsalita.
"Dapat hindi na kayo nag-abala na magpunta dito." Sabi ni Bella habang hawak hawak ang backpack ko. Bakit ba parang ayaw niya na nandito kami?
"Bella, may problema ba?"
"Wala, binabalaan ko lang kayo." Okay? Ang creepy ng aura niya ngayon.
"Huh?!" Hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa isip ni Bella.
Biglang sumulpot si Tiya Isabel niyayaya kaming kumain ng tanghalian.
Nakahain na ang tanghalian kaya naman ay umupo na kami. Nasa kabisera si Tiya Isabel, si Bella ay nasa kaliwa niya at sa kanan naman ay magkatabi kami ni Leo.
Nagsimula na kaming kumain, ang paborito kong sinigang ang nakahain.
"Inay, ang sarap po talaga ng luto niyo!" Sabi ko pagkasubo ko palang.
"Nako, binola mo pa ako Thea."
"Masarap po talaga!" Ngiting-ngiti na sabi ni Leo.
"Isa ka pa iho." Nagtawanan kami.
Naging tahimik nanaman ang paligid.
"Kumusta ka na pala Althea?" Binasag ni Bella ang katahimikan. Mabuti naman nakisali na siya sa kwentuhan.
"Ayos naman Bella. Ikaw? Baka madami nang nanliligaw sayo ha?"
"Ah-eh wala nga eh" Napakamot siya sa batok niya at tila nahihiya pa.
"Asus. Ako pa niloko mo. Sinagot mo na ba yung masugid mo na manliligaw noon?"
Nagulat siya at noong tinignan ko yung mata niya bakas ang pagkagulat at lungkot dito.
"Wala na siya." Malungkot na saad ni Bella. Tinitigan siya ni Tiya Isabel. Tila nangungusap ang mga mata nila at sila lang ang nagkakaintindihan.
"Pasensiya." Biglang tumayo si Bella at niligpit na niya ang kanyang pinagkainan.
"Sumama yung pakiramdam ko. Una na ako sainyo."
"Pasensiya na kayo, hindi pa ata nakaka-move on si Bella. Hay mga kabataan nga naman" Parang bagets pa din kung umakto si Tiya kung minsan.
"Ayos lang po iyon inay."
Pagkatapos kumain, tinulungan ko siyang magligpit ng pinagkainan namin habang si Leo naman ay nag-ikot sa bahay.
"Tiya, titignan ko po itong photo album ha?"
"O sige iho."
Natapos na kami sa pagliligpit kaya tinabihan ko na si Leo sa sofa habang busy siya tignan ang mga pictures namin nila Bella.
"Nasaan nga po pala yung isa niyong anak?" Maski ako ay nagtataka kung nasaan si Ella eh. Bakasyon naman ngayon kaya imposible na wala siya dito.
"H-ha?"
"Yung Ella po?"
"P-pa...patay na s-siya." Iniwas ni Tiya Isabel ang tingin niya sa amin.
Nabitawan ko ang baso na hawak hawak ko dahil sa pagkagulat.
"A-aray!" Nataranta ako kaya pinulot ko ang mga bubog at bumaon ang isang bubog na may kalakihan dahilan upang umagos ang dugo mula sa kamay ko.
"Nako Thea! Nasaan po ang first aid kit niyo?!" Bakas ang pagaalala sa mukha ni Leo.
"Nandun sa banyo iho. Pakibilisan!" Agad namang nagtungo si Leo sa banyo.
Bigla akong nakarinig ng kalabog. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon.
"A-ano iyon inay?"
"Wala iyon, b-baka may nahulog lang. Teka lang."