Here's your credit card ma'am. Bigay sa akin ng cashier ng card ko. Medyo madami na rin ang nabibili ko. Ito lang ang araw araw kong ginagawa dito. SHOPPING. Minsan lumalabas lang ako mag isa. Namamasyal sa mga magagandang attractions dito.
Pero may kasama rin akong driver para may magbibitbit ng lahat ng binili ko kapag nagsha-shopping. As if naman ipapasama ko ang "asawa" ko dito. Like duh.
Bumili na rin ako ng swimsuit. Naisip ko rin kasing magswimming mamaya sa pool. Bumili na rin ako ng mga pasalubong para kina mama, tita at Vanessa. Baka hindi na ako maka shopping sa New York kasi magiging busy ako doon sa studio.
Where do you wanna go maam? Tanong ng driver ko nang makapasok na ako.
Go back to the Hotel. Nagdrive na rin siya.
Nakatagal rin ako ng dalawang araw na kasama siya sa iisang kwarto. Wala namang masaya o masamang nangyari sa buhay ko simula nang nakasama ko ulit yun. Bukas na ang alis ko papuntang New York. I don't know kung sasama ba siya o hindi. Bahala na.
James' POV
Nahiga na lang ako sa kama matapos akong mapagalitan ni mama. Kahit nasa Singapore ako at nasa "honeymoon" pa eh hindi ko maiwasang hindi magtrabaho dito. Kaya patago akong humihingi ng mga naiwan kong trabaho doon pero ito nga nahuli pa rin. Yun nga tumawag kanina at nagtatatalak na naman. So, now i'm bored right here. Ano rin naman ang gagawin ko dito? Makatulog na nga lang.
Tamang tama pagkapikit ko, siya namang kalabog ng pintuan. Napa upo ako agad. Kailangan ba talagang ikalabog ang pinto kapag papasok. Pasalamat siya't maha---
Hey. Tiningnan ko ang kakapasok lang na si Jessie..
Marami na namang dala. Hindi ba sya nagsasawang mag shopping. Yan lang ang ginagawa nya. Pagkalapag nya sa kama ng mga pinamili nya, may kinuha siya sa isang bag at pumasok sa banyo.
Maya maya, lumabas na siya at naka two piece swimsuit na lang. My eyes just widened nang makita ko ang kabuuan nyang naka swimsuit. Biglang nag init ang katawan ko. Shit* Hindi ko pwedeng pagnasaan ang asawa ko.
Konsensya: Pero asawa mo siya no. Walang mali doon.
Ako: Kahit na. We're not emotionally attached. Mag asawa lang kami sa papel.
Konsensya: Kahit anong tanggi mo, hindi mo maiiwasan yan. Lalo nang alam ng katawan mo ang gusto niya.
What on earth i've been thinking? Damn it.
Tinaasan nya lang ako ng kilay ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya. Nag iwas na lang ako ng tingin at nagsuot ng shirt then walked out of the room. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa maaaring mangyari kapag mag stay pa ako dun. I think i need a drink.
Habang umiinom ako dito sa may bar counter near the pool kung saan nag si-swimming si Jessie.
Another shot please. Sabi ko sa bartender. Agad naman nitong binigay.
Nakamasid pa rin ako dito kay Jessie. Minsan naiisip ko, tama bang hanggang dito na lang kami? Mag asawa nga kami pero parang hindi naman kami magkakilala kung magkasama kami. Nag uusap minsan pero limited lang. At minsan ang cold nya pa.
Habang nasa gitna ako ng pag iisip..
She's so hot man. Napalingon ako sa mga lalaking katabi ko dito. Mga kano ang mga ito ah.
BINABASA MO ANG
Still Inlove With You
RomanceJessie Maxine Marquez, a 22-year old young lady whose life and career has already been decided by her family. She always been in love with a man named James Dela Vega ever since they were little. She believes that promises should be kept and cherish...