"H-Hindi naman. Bakit?"sagot ko kay Charles sa tanong niya na kung lagi ba daw dumadalaw si Carl.
Matagal bago siya sumagot.
"Charles?"
"W-wala naman. Natanong ko lang din."sabi niya at ngumiti. Ako naman tong si shunga umasa na iba ang isasagot niya.
"Ahm kamusta na pala sila tita at tito?"pag-iiba ko ng usapan.
"Okey lang naman sila. Si Mommy busy sa business niya si Daddy ganun din. Actually nung hindi ka na nga nagpupunta sa bahay noon lagi ka nilang hinahanap lalo na ni mommy"napangiti naman ako sa sinabi niya. Noong kami pa kasi lagi niya akong dinadala sa bahay nila. Kaya naging malapit talaga ako sa pamilya nila lalo na kay Tita Carla.
"Lagi pa rin bang nag eexpirement si Tita ng mga bagong lutuin?"natanong ko. Yun kasi ang hilig ni tita kaya noon lagi ako ang taga tikim niya tuwing pumupunta ako doon.
"Oo. Gusto mo bang makita sila? Panigurado matutuwa sila lalo na si mommy."biglang sabi ni Charles. Gusto kong mag Oo pero parang nag-aalangan ako.
"Jane?" Tawag ni Charles ng di na ako sumagot.
"Hindi ba nakakahiya na magpunta ulit ako doon? Iba na ang sitwasyon natin ngayon."paliwanag ko
"Ano ka ba Jane. Alam ko na matutuwa si mommy. Sakto next saturday birthday ni Dad. May celebration sa bahay. Sumama ka sa akin."sabi niya at ngumiti.
"O-okey."pagpayag ko nalang din. Hindi rin naman nagtagal si Charles at nagpaalam na. Saktong pag-alis niya ang dating naman nila mommy at Lance.
---------
"Mom, dad kinakabahan ako."mamaya kasi susunduin na ako ni Charles. Ngayong araw kasi ang birthday ni Tito. At sa nakalipas na isang linggo na pag-iisip. Nakapagdesisyon na rin ako na sabihin kay Charles ang tungkol kay Lance.
"Anak wag ka ng kabahan. Basta kung ano man ang maging reaksyon ni Charles tandaan mo, andito lang kami ng daddy mo mo para sa inyo ng apo ko."nakangiting sabi ni Mommy.
"Tama ang mommy mo anak."sigunda ni daddy. Ngayon naman naiiyak ako dahil nakikita ko kung paano nila ako suportahan kahit pa ba na disappoint ko sila noon.
"Thank you mom and dad."sabi ko at niyakap sila.
"Paano anak aakyat na ako baka kasi magising si Lance."paalam ni mommy.
"Ikaw dad hindi ka pa ba aakyat?"tanong ko kay daddy.
"Mamaya na. Gusto kong makilala ang tatay ni Lance."sabi ni dad sa seryosong tinig. Kaya naman medyo nakaramdam ako ng kaba.
"Hon wag mong tatakutin si Charles. Kundi lagot ka sa akin "bilin ni mommy kay daddy bago umakyat. Kaya naman medyos nabawasan ang kaba ko kasi alam ko na takot si dad kay mommy.
Hindi naman nagtagal narinig na namin ang doorbell. Kaya namn hinatid na ako ni daddy sa labas.
"Good Evening Sir."bati ni Charles kay Dad. Ngayon lang sila nagkakilala kaya naman kinakabahan talaga ako.
"Ikaw ng bahala sa anak. Iuwi no siya bago maghating gabi."lihim naman akong napangiti sa bilin ni Daddy kay Charles.
"Yes Sir. Mauuna na po kami."paaalam ni Charles kay daddy.
"Bye dad."paalam ko rin.
"Nakaka intimidate yung daddy mo. Kaya naman pala ayaw mo pa akong ipakilala noon sa kanya."biglang sabi ni Charles ng nasa loob na kami ng sasakyan niya at papunta na ng bahay nila.
"Ganun talaga si Dad. Lalo na sa mga kaibigang lalaki na pinapakilala ko.
."sabi ko. Kaya nga noon takot ako ipakilala si Charles sa mga magulang ko dahil na rin kay daddy. Ang hilig kasi mang intimidate.
"Sabagay normal lang sa kanya yun kasi ikaw ang prinsesa niya."sabi ni Charles na kinangiti ko. Tama siya prinsesa ang turing sa akin ni daddy kaya naman kahit may mali akong nagawa hindi niya ako pinabayaan.
Bigla ko naman naalala yung sasabihin ko kay Charles. Paano kaya ako bubwelo para masabi na sa kanya ang tungkol kay Lance.
"Andito na tayo."sa kakaisip ko hindi ko namalayan na nakarating na kami sa bahay nila.
"Grabe walang pinagbago yung mansyon niyo "sabi ko sa kanya habang tumitingin sa paligid.
"Jane!"napalingon naman agad sa tumawag sa akin. Si Tita Carla kasama si Tito Harrold.
"Good Evening po."nahihiya kong bati sa kanila. At inabot kay Tito Harrold ang regalo ko.
"Happy Birthday Tito."
"Nako nag-abala ka pa hija."sabi ni tito.
"Hija kamusta ka na? Alam mo ba nung sinabi ni Charles na dadating ka, mas lalo akong na excite sa birthday nitong asawa ko "nakangiting sabi ni tita.
"Okey lang po ako."sagot ko sa kanya.
"Halika na nga hija. Pabayaan mo na muna si Charles. Magkwentuhan muna tayo."pagkasabi nun ni Tita. Bigla niya na akong hinatak papasok sa loob ng mansyon nila. Makikita mo talaga sa kanyang natutuwa siya ng muli kaming nagkita .
"Mas magandang dito na muna tayo sa loob magkwentuhan. Hindi tayo magkakaintindihan sa labas."nakangiting sabi ni tita.
"Ikaw tita kamusta ka na po?"tanong ko ng makaupo na kami.
"Nako mabuti naman medyo nga lang nakakapagod ang magpalakad ng restaurant."iyon kasi ang business niya dahil na rin siguro sa hilig niyang mag luto.
"Eh bakit naman kasi tita ikaw pa rin ang nag-aasikaso niyan. Dapat nagpapahinga na kayo dito sa bahay."sabi ko.
"Wala naman ako pwedeng mapagpasahan ng restaurant. Si Carl siya ang magmamana ng kumpanya ng daddy niya kaya nga siya na ang itinitrain ni Harrold. Si Charles naman busy na sa pagiging professor. Mukhang siya na rin ang magmamanage ng school na iyon. Kung kayo ba naman ni Charles ang magkakatuluyan sayo ko ipapamana ang restaurant ko. Mas may tiwala ako sayo."hindi agad ako nakasagot kay tita at alanganing ngumiti nalang.
"Hija baka naman may pag-asa pang magkabalikan kayo ng anak ko."biglang sabi ni tita. Makikita mo sa kanyang umaasa siya.
"A-ano po kasi tita, hindi naman namin napag-uusapan yun. At mas okey na rin po siguro na magkaibigan nalang kami."sagot ko sa kanya.
"Alam mo ba hija nung sinabi sa akin ni Charles na hiwalay na nga kayo, nalungkot talaga ako ng sobra. Ikaw lang kasi ang nakikita ko na mapapangasawa niya balang araw at magkakaroon ako ng apo sa inyong dalawa."bigla naman akong naubo pagkarinig sa sinabi ni Tita lalo na sa salitang Apo.
"Okey ka lang hija?"nag-aalala niyang tanong.
"O-opo t-tita."sagot ko. Grabe naman kasi si Tita walang preno ang bibig.
"Pero hija mahal mo pa ba ang anak ko? Baka naman may pag-asa pa."hindi naman ako nakasagot agad sa tanong ni Tita.
"Jane!"napalingon naman kami ni Tita sa tumawag sa akin.
"Carl."bati ko. Nagbeso muna sa akin si Carl at kay tita.
"Ikaw na bata ka. Saan ka nanaman galing?"tanong ni tita kay Carl.
"May inasikaso lang po. Jane andito ka pala hindi mo man lang sinabi na pupunta ka, eh di sana sinundo na kita."sasagot na sana ako ang kaso may nauna na.
"Ako ang nang-imbita sa kanya kaya dapat ako ang sumundo sa kanya."napalingon naman kami kay Charles na siyang nag salita.
"Halika sa labas kain na tayo."bigla na lang din akong hinatak ni Charles palabas at hindi na ako nakapagpaalam kila Tita at Carl. Bakit ba ang hilig manghatak ng mga tao ngayon? -_-
"Nagkukwentuhan pa kami ni tita bigla mo naman akong hinatak."sabi ko kay Charles ng makakuha na kami ng pagkain at umupo na.
"Marami pang time para magkwentuhan kayo ni mommy."sabi niya pero para bang biglang nag iba ang mood niya. Kanina hindi naman siya ganyan.
"Bakit ang sungit mo?"tanong ko. Wala naman kasi akong ginawang mali."Tapusin mo nalang yung pagkain mo."seryoso niyang sabi. Anyare kaya sa lalaking to?
Pinagpatuloy ko nalang din ang pagkain ko at ganun din siya.
Bigla ko namang naalala yung sasabihin ko. Paano ko kaya uumpisahan?
"Tapos ka na bang kumain? Tara sayaw tayo."biglang sabi ni Charles. At doon ko lang napansin na may mga couple na rin palang nagsasayaw sa harapan.
Nang makita siguro ni Charles na tapos na akong kumain bigla niya ng hinawakan ang kamay ko at hinatak sa unahan para magsayaw.
Nang mag-umpisa na kaming magsayaw bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang lapit namin sa isa't isa. Sa sobrang lapit pakiramdam ko naririnig niya na ang heart beat ko.
"Sorry kung bigla akong nagsungit."napatingin naman ako sa kanya ng sinabi niya yun.
"B-bakit ba biglang nag-iba ang mood mo? May nagawa ba akong mali?"natanong ko.
"Wala naman."sagot niya.
"Eh bat biglang ang sungit mo?"pangungulit ko. Kung kanina nakatingin siya sa mga mata ko, ngayon bigla namang nag-iwas siya ng tingin.
"Charles?"tawag pansin ko sa kanya ng hindi pa rin siya sumasagot.
Nang humarap na ulit siya sa akin para sumagot. Para bang mas domoble yung bilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin siya ng diretso sa mata ko. At yung tingin niya pamilyar sa akin.
"Jane -"
"Charles!"napalingon naman kami ni Charles ng biglang may tumawag sa pangalan niya.
"Tracy"nasambit ko ng makita kung sino yung tumawag kay Charles.
Para bang isa lang akong hangin na dinaanan ni Tracy at tuloy tuloy na lumapit kay Charle para halikan sa labi.
"Babe hindi mo man lang sinabi na birthday ni Tito hindi tuloy ako nakapagdala ng regalo."sabi ng babae at kumapit na sa braso ni Charles.
"Tracy kailan ka pa nakabalik?"tanong ni Charles. Para bang bigla nalang akong nakalimutan.
"Kanina lang dito na agad ako dumiresto kasi na miss na talaga kita."sabi ni Tracy at bigla nalang napalingon sa akin.
"Jane"sambit ni Tracy sa pangalan ko na para bang nang-uuyam . Bago pa man siya magsalita ng kung ano tumalikod na ako. Hindi ko kaya makitang magkasama silang dalawa. Pagkatalikod ko nakita kong nakitingin pala sa amin ang mga tao. Nawala sa isip ko na nasa gitna kami ng garden at mukhang nakaagaw na ng pansin. Nilapitan ko lang sila tita at tito para magpaalam.
"Mauuna na po ako. Tito happy birthday ulit."hindi ko alam saan ako humugot ng lakas ng loob para ngumiti pa.
"Hija.."Nang tingnan ko si Tita makikita mo ang awa para sa akin. Nginitian ko nalang din siya at tumalikod na para umalis.
Nangmakalabas na ako, doon na umagos yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Ang tanga mo talaga Jane. Umaasa ka pa rin ba na magugustuhan ka ni Charles? Nakakalimutan mo na bang simula't sa pool hindi ka naman niya minahal. Pinaasa ka lang!"nasabi ko sa sarili ko habang naglalakad. Dahil wala naman akong dalang kotse naglakad nalang ako palabas ng subdivision.
*beep beep*
Napalingon naman ako sa sasakyan na nasa tabi ko na, na bumusina. Nang lumabas yung may ari ng sasakyan, doon na talaga ako napaiyak ng todo.
"Carl."sabi ko at lumapit sa kanya. Hindi na magtigil yung mga luha ko. Kailangan ko ng makakausap ngayon at si Carl ang alam ko na mapaglalabasan ng sama ng loob.