Hinihimas kong mabuti ang saging na sabang pinakuluan ko ng tatlong oras habang nakatitig akong malayo sa bintana't minamasdan ang pagbagsak ng isang libong patak ng ulan. Kahit saan ako tumingin ay wala akong ibang makita kundi ang anino ng iyong mukha, pero kahit pilit kong wag ipikit ang talukap ng aking mga mata ay di pa rin kita matanaw. Para kang pagtulo ng ulan, nandyan pero mukhang hindi ko naman mayayakap.
Sabay ng pagpasok ng malamig na hangin sa bintana papunta sa butas ng aking ilong ay siya ring paglapat ng mga kamaong tatlong ulit nang kumakatok sa aking pintuan. Sa sobrang kasabikan ay patakbo akong lumapit sa pintuan at dahan-dahan kong pinihit ang hawakang kasing lamig ng nagyeyelong panahong sapul sa puso kong sinlamig rin ng bakal na pihitan.
"Boss eto na po yung pinadeliver niyong dikya."
"wow thank you! Buti nakahanap ka pa ng sariwa, gabi na ah."
"Basic lang sakin to boss, kahit hating gabi na, basta ikaw."
"magkano?"
"3500 per kilo."
"Ang mahal naman men, parang di ako suki ah."
"ganon talaga boss, spectacular breed yan eh."
"Oh, keep the change."
"Thank you boss, keep the fire burning."
Nilagay ko kaagad sa square na fish bowl ang spectacular breed ng dikyang nabili ko sa supplier kong mula sa baclaran high street. Napangiti ako ng bigla nitong ikampay-kampay ang mga tentacles niyang flawless kung magpadausdos sa tubig. Habang lumalangoy-langoy itong pa forward stroke ay kinurot kurot ko naman ang tentacles nitong juicing juicy mula sa paglangoy. Pero habang naglalaro kami ng spectacular dikya ko ay naalala na naman kita, kung papaanong tayo dapat ang magkasama sa 35 square meters condominium kong ito habang bumubuhos ang ulan at tumatalamsik sa atin ang tubig na umaagos mula sa shower curtain. Pero wala eh, mukhang sa eyeballs ko na lang aagos ang pighati mula ngayon.
Saglit lang kaming naglaro ng dikya kong sinta, matapos ang dalawang oras na patayong pakikipagharutan ko sa binili kong alaga ay nagsindi ako ng yosi at tumayo akong muli sa bintana para mag internalize at maglabas muli ng konting droplets mula sa kanan kong mata. Iniisip ko na pano kaya kung hindi tayo nagbreak? Makikita ko pa kaya ang ngiti mong pumapawi sa lahat ng problemang pasan ko araw-araw?
Ganito pa rin kaya kabagal ang pagpatak ng ambon kung nandito ka?
Pero kahit 8 hours a day ko pang pagisipan yan ay mukhang wala na ata ako sa tamang panahon para malaman at mabago ang kasalukuyan, kaya ilalapag ko nalang sa mesa ang saging na saba at makikipagkurutan akong muli sa bago kong alagang dikya.
Sana lang di na siya magsting, masakit eh.
BINABASA MO ANG
50 Kwento Pabalik
Short StoryNakatayo ka sa gitna ng daan pauwi, habang binubuhat mo ang paa mo patalikod ay muli mong binalikan ang mga alaalang nilakaran mo pasulong. alaala ng pagkadapa... alaala ng pagiyak... alaala ng muling pagngiti... alaala ng minsan isang kahapon ay ku...