The Wedding Project

831 15 11
                                    

Project...

One thing na kinaiinisan ng mga students sa school

Ang pagod

ang gastos

ang concentration

dapat lahat andyan 'pag gumagawa ng project 

kaya nakakainis!

but one project helped me find something precious and magical...

"Class quiet! So, ibibigay ko na sa inyo ang project niyo for this qurater" 

Kanya-kanya naman ng reklamo ang mga estudyante dahil sa sinabi ng teacher nila sa religion subject.

Kakainisnaman kasi eh! kakatapos lang ng last quarter tapos eto na naman?! 

Buhay estudyante nga naman o!

"Psst. Psst!"

hindi ko pinansin yung buwiset kong katabi na panay ang sitsit sakin

ayoko ng away at umiiwas ako sa gulo. goodgirl ako eh(CHOS!)

"Psst! uy!"

Pigilan nyo ko! Masasapak ko talaga 'to! ONE...

"Psst! UY! Panget na bruhilda! Pansinis mo naman ako!"

TWO...

"Psst! Pange--"

"Ano ba?! Call me in that name again and you're dead, Neiji Veron!"

"Mr. Veron and Ms. Ashwood, is something wrong?" tanong ng teacher namin

"Nothing's wrong, Sir. You may continue" tiningnan ko ang katabi ko at sinamaan ng tingin

Buwiset!

"Sana maging groupmates tayo!" 

Hindi ko na siya pinansin at nakinig na lang sa teacher

"...so sino ang gusto niyong groom?"

Groom?

"Project ang pinaguusapan tapos Groom? Ang gulo ni Sir!" bulong ko sa sarili

"eh hindi ka naman nakikinig, honey-sweetheart-babes! yung project natin ay wedding ceremony! Honey-sweetheart-babes hindi krimen ang bumili ng cottonbuds!" 

Hudas na 'to! 

Napa-Aray siya nang sinipa ko siya sa paa.

"Well, Mr. Veron!"

"Yes, Sir?"

"Gusto daw nila na ikaw ang maging groom"

Tsk.

Bulag ba ang mga classmates ko?!

Bakit siya pa!? Kahiya-hiya siyang iharap sa altar eh! Ang dapat--

"Papayag ho akong maging groom kung ang bride ko ay si Animogne Ashwood"

What?!

Umugong naman ang tuksuhan sa loob ng classroom

"Nooooo!!!!!!" napasigaw ako dahil sa sinabi niya

I can't! Kahit kunwari lang, nakakarindi pa rin!

The Wedding ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon