(Elle's POV)
Hi! Ako si Elle Daffodil Navarro, 16 years old
"Kal!" Tumingin ako sa gilid ko, si Kal pala yung tumawag sa'kin
Kal naman talaga tawagan namin eh, KALog, gets? Hahaha
"Hoy! Pumanget ka ata?" Tanong niya, aba! Loko to ah?!
Ako?! Pumanget?! Nahihiya lang yang sabihing maganda ako haha
"Hoy! Gumanda ata ibig mong sabihin"-ako
"Gumanda?! Hindi bagay yung word sa'yo"-siya
Bestfriend ko nga ba siya? Parang hindi eh, walang support. Nakakaasar!
"Ewan ko sa'yo!"-ako
Tumawa naman siya ng malakas at niyakap ako, langya ang bigat!
"Hoy! Ang bigat mo!"-ako
"Bakit kinakarga mo ako?"-siya
Tsk!
"Eh nakasandal ka sa'kin eh!" reklamo ko
"Gusto mo rin namang niyayakap ka" bumitiw siya sa yakap
"Hoy! Punta na tayo sa classroom!" She said excitingly
"Mamaya na, canteen muna tayo. Gutom na ako"-ako
"Hoy! Kakakain mo lang daw kanina sabi sa'kin ni Kit!"
"Eh basta! Nagutom ako ulit eh!"
Panira din minsan tong si Kit eh =_=
"Hindi na! Punta na tayong classroom, sige na!" Nagmamakaawa pa tong bruhang to
"Noon naman, canteen gusto mong puntahan baka nagkaamnesia ka ha? Hoy, ipapaalala ko lang sayo ha na ayaw mo kayang pumasok sa classroom, tamad ka minsan mag aral eh"-ako
"Eh...sabi kasi ni Ms. Castro, may bago daw tayong mga classmates, mga gwapo daw. Yieee...Sige na, wag ka nang kumain" pabulong na sabi niya
Ahhh...so okay lang sa kanyang magutom ako basta lang makita niya yung mga gwapo daw? Ganun pala yun? Aba! Papatayin ba ako ng babaeng toh?
"Hahayaan mo akong magutom?" Tanong ko sa kanya, inaabangan ang sagot niya
"Hindi" maikling sagot niya
"Eh yun naman pal---" hindi na natuloy ang sasabihin ko, nagsalita bigla ang shunga eh
"Pero para sa mga gwapong sinasabi ni Ms. Castro, tiisin mo nalang, malakas ka naman eh"-siya habang hinihila na ako dahan dahan patungong classroom
"L*tse kang babae ka ah?" Sabi ko tapos nag snob nalang ako sa kanya
Nagpunta kami sa classroom, ano ba naman yan?! Wala pa ngang klase eh!
Paupo na sana ako nang...
"Tabi!" Titingnan ko palang kung sinong sumigaw nun kasi hinayupak siya eh! Langya! Nakuuuuu!!!!
Nilagay lang naman niya ang kamay niya sa whole beautiful face ko sabay layo? Parang patulak yung paglayo niya? Di naman masyadong obvious na gentleman siya noh?
L*tse talaga eh!
"Hoy! Ano ba?!"-ako
Umupo siya sa upuan ko, sabay pa de quatro pa! Langya!
"Anong ano ba?" Cool niyang tanong, may headphones pa eh hindi naman gwapo
I mean...dahil honest ako, sige. Gwapo siya sa totoo lang kaso binabawi ko na!
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Charismatic Eyes
Teen FictionWhat will happen if these two charismatic eyes meet? Will there be a glare for war between each other? Or a gaze for love?