Chapter 38 Just Her Friend

7 0 0
                                    

Halos two weeks narin kaming nagpapraktis ng volleyball. Two weeks naring kaming "FRIENDS" daw ni Alex at two weeks na rin ang nakakaraan ng sabihin sakin ni Alex na si Niña daw ang dahilan ng break-up nila ni Troy.

Naguguluhan man ako sa mga nangyayari pero kelangang isantabi ko na muna yon at mag-steady nalang muna sa Volleyball ngayon kase malapit na ang Zonal. Ayokong matalo pa ulit ang Harvard, sisikapin kong muling iangat ang Harvard Lady Spikers. Pangako yan.
——
"Bhest, hello bhest. I missed you damn much kase naman bihira nalang tayo magsama eh, but it's ok kase para din naman sa Volleyball Team naten yang pinagkakaabalahan mo, pero bhest promise me we're gonna go out somewhere after the Zonal?" Bigla namang dumating tong si Aicelle out of nowhere.

"Sorry bhest, busy lang talaga sa pagpapraktis." Sagot ko.

"Hmm" Hinampas ko sya sa braso nya.

"Ouch! That hurts! Sabutahe ka bhest ka!" Angal naman netong ni Aicelle.

"Ikaw naman kase nung mga panahon na free ako lagi palagi ka namang galit. Bakit ba kase kelangan mong magalit sakin tuwing magkaaway kami ni Macky hah?" Tanong ko naman.

"Nakakaasar kase kayo tingnan. Kunwari pa kayong WAR, pero deep in side hirap na hirap na kase hindi nag-uusap at nagpapansinan. Tsaka hello that's what I called SPACE! Syempre lalayo ako sayo ng mga panahong magkaaway kayo para magkabati kayo agad kase paglapit pa ako ng lapit sayo ng mga time na yon baka hindi kayo lalo magkaayos." Tapos pinitik nya pa yung tenga ko.

"Araaay!" Angal ko.

"Kase dapat may kahit isa man lang na marunong magbaba ng pride sa inyo, hindi yong kapag may nagalit ab galit din. Dapat may isang nangsusuyo at may isang umiintindi." Pangaral nya sabay biglang tunog ng phone nya.

"Ok I gotta go. Nagtext na si Aivan. Bye. See you when I se you" Tapos pakembot pa syang naglakad palayo.

Hayy nako, kahit kelan talaga yang si Bhest parang timang. Pero thankful naman ako na sya yung naging bhestfriend ko kase bukod sa mabait sya hindi sya nang-iiwan sa ere at importante sa lahat totoo syang kaibigan, in short she's not plastic unlike yung iba jan.

Practice...
Inom ng tubig..
Practice...
Break time...
Work-out...
Practice..

"So tired" Bulong ko sa sarili ko.

9hours. Siyam na oras na akong nagpapractice. Para na kong naligo sa sarili kong pawis at medyo nagblurred yung paningin ko. At dahil sa sobrang pagod ko napaupo nalang ako bigla sa sahig.

"Lib!"
"Sarri!"

Dinig kong sigaw nila, pero may isang boses na nangibabaw ang narinig ko.

"Sarri!"

Ramdam kong ihinilig nya ko sa mga binti nya at bahagya syang nakayakap sakin, hinahaplos nya ang buhok ko, pinupunasan nya ang pawis na nasa mukha ko. Hindi ko sya makita kung sino pero ano itong ikinakabog ng puso ko, mabilis na mabilis. Yung para ba akong nakaramdam ng safety sa pagitan ng mga bisig nya, parang panatag na ang loob ko dahil nanjan na sya.

Hindi ko alam kung bakit ko ito gagawin pero wala na akong ibang nagawa kundi iniangat ko ang kamay ko at hinawakan ko ang kanyang mukha at pinilit magsalita kahit di na ako makahinga ng maayos.

"Thanks that you're here with me." Halos pabulong ko nalang na nasabi.

Ramdam ko namang inalis nya ang kamay nyang nakahawak noon sa mukha ko at hinawakan nya rin ang kamay kong kasalukuyang nakahawak naman sa mukha nya.

"You don't need to say thank you. Don't worry i'm here now. I'll take care of you" Mahina nya ring sabi.

Inalis nya ang pagkakahawak ng kamay ko sa mukha nya at hinalikan niya ito tsaka nya ako binuhat at di ko na alam ang mga nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon