MADELEINE ~~
Okay. Si Rhaine at Lance na. Kami kaya ni cupid kailan? Err kainis!
"Tawagan mo kaya?"- agad agad?
"Whoo! Yoko nga. Porke sila Rhaine na eh, uuriratin ko din si Cupid. Tss nakakainggit ng konti!"- inis na sabi ko, tinawanan lang nila ko.
"Gusto mo ako nalang?"- biro ni Kurt,
"Heh! Manigas ka! Si Cupid lang ang forever ko!"- anas ko kay Kurt
"Weh walang forever!"- eh ang bitter ni Josh?
"May pinagdadaanan ka Josh?"- pangaasar ko, tapos napansin kong nagkatinginan sila ni Zarren. Hmm may hindi kami alam..
"Zarren..."- paramdam ko kay Zas,
"Hoy Josh! May pinagdadaanan ka daw ba?"- pasimpleng palusot nito.
"Haha meron, nagmumove on kay Lj haha"- weh? Kala ko tapos na?
Nagtaka naman yung boys tapos ayun nag "Usapang Lalake" na. Oh boys.
"Totoo yun, wag nang magtaka"- harang ni Zas sa sasabihin ko, sabi na eh.
"So, ano na bang balak kay Cupid? Tayo na kaya pumana? Haha"- biro ni Skylar, ay nabuhay toh haha. Sabagay galing date naman natoh eh. Aish, samin palang apat ako nalang ang walang furivir. Tsk.
"Hmp yaan niyo na nga siya. Move on nako para ako pinakaunique satin haha"- biro ko din
"Baliw!"- sigaw ni Zarren, oo na. Mana lang naman sa kanya eh.
"Aaaissh! Bahala na nga!"- sabi ko nalang sa kanila tapos ayun kain ulit kami.
Bahay ni Kurt ngayon lugar namin. Boring dito. Walang mahalukay eh, puro panglalake yung gamit.
Blue and green yung theme ng room. Ay kapangit sa mata.
"Guys, next month magstart na naman ang interschool. Magtry out kami sa basketball."- biglang sabi ni kurt, wait basketball?
"Dapat si Cupid ulit yung captain!"- wala sa loob na sabi ko, lahat tuloy sila natawa. Oa nila.
"Bakit? Panalo last year ang team kaya dapat lang na siya ulit ang captain!"- depensa ko, kaya lalo pa silang natawa. Grrrr.
"OA mo beh,pffft hahahah masyadong napaghahalata haha"- si Zas, tawang tawa pa.
Yung iba ayun, pigil din ang tawa. Ay mali, halakhak pala!
"Che! Wag na nga! Kainis!"- bulyaw ko sa kanila, tss tawa parin ng tawa. Bahala sila, stalk ko nalang si Cupid.
Oo, ganito ako kapag naiinis sa usapang "Cupid". Kungdi tititigan ko yung picture niya sa phone ko, istalk ko siya sa facebook, twitter or instagram. Sayang nga wala siyang aacount sa wattpad eh.
Scroll. Scroll. Sc-- oops hinto.
Scroll pala ulit, ang pangit nung kasama niya. Mukhang hito. Mahilig siya mga babaeng HI.
Higad
Hipon
Hito
Baka soon, HI-liparot naman.HI rin naman ako ah.
HI-nding hindi siya lolokohin.
HI-ndi siya iiwan!Tapos.. bakit ang drama ko ba?! Wag ngang ipaglaban. Worth it ba?!
Oo!
Shut up puso. Di kita tinatanong!
-
"Madz... wake up na. Magdinner na tayo."- argh , nakatulog pala ko.
"Ah sige, susunod nalang ako"
I deeply closed my eyes first, then I take a deep breathe. Ang sarap sa pakiramdam.
Ohh ang bango nung sizzling sisig! Baba nako!
...
"Oh gising ka na pala Madz, dito ka na oh."- yaya sakin ni Tita, mama ni Kurt
"Thank you po Tita"- nakangiti kong sabi kay Tita.
Naupo nako, at nagsimulang kumain. Ang tahimik. Nakakapanibago.
At they're all staring at me.
Ahm why?
"Bakit?"- diko napigilang maitanong, di parin sila kumikibo.
"Bakit kako?"- naiiritang tanong ko,
"You're acting dumb Madz, baligtad yang plato mo!"- sino pa ba mahilig magsalita ng rude. Edi si Zarren, at ano daw?
"Argh. Sorry, diko napansin eh"- sabi ko, tinanggal ko yung kanin at binaligtad yung plato ko
"May problema ka ba iha?"- tanong ni tita, i shook my head and pretend to smile.
Lintik na cupid.
"Naku. Wag mo nang isipin yun, mahal ka nun"- eh sa dami ng biro. Yung kay tita yung never na mangyayari.
"Magdilang anghel ka sana tita haha"- sakay naman ni Sky
Ngumiti nalang ako, napakunot nga lang yung noo ko nung mapansin ko sila Zarren, Skylar, Gid, Miguel at Rhaine na panay cellphone sa ilalim ng lamesa.
"Mabusog sana kayo sa kakatext"- parinig ko, yeah sounds bitter yun. So?
Sa ngayon, magpapakabitter muna ko. Pero...!
Once na makita ko talaga ang pag-ibig ko who you silang lahat sakin. Hmp!
Sa ngayon... kakain muna ko ng masarap na pagkain! Yumyumyum!
***
Fact: Bitter kami haha *joke!
