Show 4

3 1 0
                                    

Tinatahak ko ngayon ang daan ng kalsada iniisip parin kung ano yung tinutukoy ni master,Ay Baku namin Lila iniisip mo pa rin yun kaysa sa makahanap ng matutuluyan hays.

Napunta ako sa isang Parke naupo ako sa is a sa mga upuan doon,magpapahinga muna ako sandali kasi kanina pa ako naglalakad.

"Waaaa yung saranggola ko!!" Napakunot ako ng noo dahil sa isang iyak ng batang babae?kaya hinanap ko agad kung saan nanggasling iyon.yung nahanap ko na kung saan nangagaling yung iyak tinanong ko na sya.

"Bata ano problema?" Tanong ko

"K-kasi...y-yung...s-saranggola ko kasi n-nasa puno eh" hikbi nya,naawa naman ako kasi parang kanina pa sya iyak ng iyak.

"Ahh ganun pala......Ah! Ganto na lang pikit ka muna ha?" Sabi ko sa kanya.kumunot naman yung noo nya,sa huli pumikit din sya.naghanda na ako para talunin yung puno nagpalinga-linga pa ako kung may mga tao pa ba sa paligid kasi baka malaman nila na may abilidad ako?

tumulan na ako sa isa sa mga sanga ng puno,abot ko naman yung saranggola kaya nakuha ko agad.tumalon na ako pababa para ibigay sa bata ang saranggola nya.

"Bata pwede mo nang buksan mga mata mo" sabi ko ng nakangiti.Pagbukas nya ng mata,nanlaki ang mata nya sa tuwa.

"Wow ate paano mo nakuha toh!" sigaw nya sa tuwa ngumiti lang ako.

"Ano pala pangalan mo ate?" Tanong nya

"Ah ako pala si Lila eh ikaw?" Sabi ko

"Ako po si Corene 9 years old na po ako" sabi nya at bigla nya ako niyakap,haha nakakatuwa sya kaya niyakap ko na rin sya.may nakita akong papalapit na tao.

"Young Lady tara na,nandyan na daw kuya mo!" Sabi ng taong naka-Apron?

"Opo yaya!yahey bumalik na si kuya!Sige ate alis na po ako,salamat po ulit" nakangiting malapad na sabi ni Corene bago umalis.

"Hay,mag-isa na naman ako,dito na muna ko hanggang gabi wala naman akong matutuluyan eh" sabi ko sa sarili ko.umupo ako sa isa sa mga swing.

Inaalala ko kung paano ako napunta sa circus.....

*FlashBack*

sa ampunan ako lumaki kasama ang mga Normal na bata pero ako....syempre ako ang nag-iisang halimaw sa kanila.

"Hoy! Lumayo ka nga sa amin di ka namin pwedeng isali!" Sabi ng Batang lalaki sa akin,gusto ko lang naman sumali sa laro nila dahil mukhang masya nga yung laro.....taya-tayaan.

"Sige na ngayon lang naman eh" pagmamakawaa ko.dumampot sila ng mga bato at pinagbabato ako,kumaripas ako ng takbo para di ako matamaanng mga bato.Napunta ako sa tabing ilog at doon nilabas ang mga luha ko.

"Bakit ba kasi isa akong halimaw eh!" Sigaw ko sa sarili.Araw-araw sa tabing ilog ako pumupunta para lang umiyak.

Ngayong araw na may pupunta dito para kumuha ng aampunin,hindi ako kasali baka matakot lang ang mag-aampon kaya ngayon nasa tabing ilog na naman ako.

"Why are you alone?" May nagsalita s likod ko kaya napatingin ako sa kanya,naka shades sya.

"H-huh?" Sabi ko

"Your tail is beautiful" sabi nya,nagsisimula na akong mawirduhan sa kanya.

"P-pansensya na pero hindi kita maintindihan" sabi ko.tumawa lang sya.

"Haha cute" ah okay ani meron?

"ah! Kasama ka ba sa mag aampon dito?" Tanong ko

"Ah Oo kasama ko pinsan ko,mag-aampon sila dito par maging pinsan ko" sabi nya,tumabi sya sa akin kaya napausog ako bigla.

I Am A Circus Monster (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon