6th Chapter. "Chichay and Francis on Ten Years Later"

1K 21 2
                                    

"Daiiiiiing! Dito na kayo bumili ng daing! Mas masarap ang daing dito mga suki! Daing kayo diyan oh!..." Nagsisimula ng magpupuputak si Chichay sa pwesto ng Lola Ging niya sa palengke. "Oh, Aling Bettyful! Bili ka na ng daing dito. Ito oh? May discount ka pa!" Masayang alok ni Chichay sa isang kumare rin ng kanyang Lola na si Aling Betty.

"Aba, Chichay? Napakaganda na naman ng araw mo... Kumareng Ging, ang lakas talaga ng hatak ng apo mo, ano?" Sabi ni Aling Betty at suki na rin kasi siya nila Lola Ging.

"Syempre, nagmana sa lola e." Biro pa ni Lola Ging.

"Mas maganda yung binunga ano po, Aling Betty?" Sabat pa ni Chichay at natawa naman ang dalawang matanda.

"Oh, siya! Pabili ako ng tatlong supot niyang daing."

"Oh, sure, Aling Bettyful! No problem!" Agad ng inilagay sa plastik ni Chichay ang tatlong supot ng daing na binibili ni Aling Betty. "Heto na po. At syempre, discounted ka na, Aling Betty!" Pumitik pa ng kamay si Chichay nang iabot niya ang daing kay Aling Betty.

"Sus! Ikaw talaga. Pasalamat ka't magandang dalaga ka talaga. Hetong bayad." Iniabot na ni Aling Betty ang bayad niya at maluwag na nakangiting inabot ito ni Chichay.

"Kapag dito kayo bumili ng daing araw-araw, magiging kamukha niyo yung daing..." Napatakip bigla sa bibig si Chichay at hinampas siya ni Lola Ging niya sa braso.

"He he... Pagpasensyahan mo na si Chichay. Alam mo naman yung mala-armalight niyang bibig e." Sabat na lang ni Lola Ging, at palihim na natatawa si Chichay dahil hindi niya rin alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig niya.

"Sadyang palabiro lang talaga 'yang dalaga mo." Nakangiting sabi pa rin ni Aling Betty.

"Hindi ho. Ang ibig ko ho kasing sabihin, Aling Bettyful ay magiging kamukha ko kayo kapag dito kayo bumibili ng daing." Pasimpleng iniba na lang ni Chichay ang sasabihin kahit medyo natatawa pa rin siya.

"Kung pepwede lang e!" Natawa lang ang matanda. "Sige na, kumare at Chichay, mauna na ko sa inyo't madami pa kong gagawin."

"Sige, kumare. Magiingat ka."

"Bye, Aling Bettyful. Till next time!" At naglakad na nga papalayo si Aling Betty. "Wooooh! Lakas ko Lola, noh?" Biro pa ni Chichay sa kanyang Lola, at umismid lang ang matanda.

"Kailan ka pa nawalan ng lakas?" Biro ni Lola Ging habang inaayos sa pwesto ang mga daing.

"Kapag tulog lang, Lola..." Pasweet pang bigkas ni Chichay at muli na niyang itinuon ang atensyon niya sa mga taong bumibili. "Mga madlang people! Daing ka, daing ako, daing tayo dito! Bili na kayo mga suki oh! Daiiiiiiiiiing!..." Pinagpapatuloy lang ni Chichay ang pagsigaw habang marami na ring bumibili sa kanila.

----------------------------------------

Nag gagala lang muna mag-isa si Francis sa kanilang resort habang hinihintay ang kanyang Mommy Fatima na nasa office pa ng resort nila.

"Superman..." Nabigkas na lang ito bigla ni Francis nang makakita siya ng mga batang nagsiswimming. "I miss being a kid." Naalala lang kasi ni Francis ang mga panahong wala pa siyang kaalam-alam sa ikot ng mundo. Mga panahong mumurahin palang ang isip niya.

"Francis?" Napalingon na lang si Francis sa tumawag sa kanya. At nakita niya ang maluwag na ngiti ng Mommy niya sa kanya.

"What's on, Ma?" Dahan-dahan lang lumalapit sa kanya si Fatima.

Sa Kanya Pa Rin | COMPLETED √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon