13

3.8K 34 5
                                    

---

Eeeeeeennnnnnnkk !!!

EeeeeeEeeeennnnkk kkkkkkkkkk !!!!

Tunog nang hinihilang bakal nang lalaking nakamaskara , papunta sa kanyang magandang biktima .

Sa totoo lang nagsasawa na syang pahirapan ito kaya napag isipan nya na tapusin ang babae sa pamamagitan nang pagbitin sa katawan nito , kaya eto sya ngayon at hila hila ang bakal na may alambreng makapal para ipangtatali nya sa leeg nito .

Mabilis ang bawat galaw nang maskaradong lalaki , naitali nya agad ang alambre sa leeg nito pero bago nya tapusin ang buhay nito ay tinitigan muna nito ang muka nang dalaga at hinaplos haplos .

At sa huling pagkakataon nasilayan nya ang ganda nito , sayang lang at mamamatay na ito kagaya nang mga babaeng pinatay nya at sa lahat ng pinatay nya dito sya natuwa , kaya naman gusto nyang gawaran ito nang halik .

Akmang ilalapit na sana nang maskaradong lalaki ang kanyang muka sa dalaga nang bigla syang nakaramdam nang pagpalo sa likod nya na mabilis nyang ikibinagsak .

---

Sa hindi malamang dahilan hindi mapakali ang binatang si asyong , ilang araw mula nang mamatay ang ama nya hindi na sya pinatulog nito .

Ang ama nyang magbabalot na si mang nestor , hindi nya alam pero nararamdaman nyang may gustong ipabatid ito sa kanya ,
Naalala nya na kailangan nyang hanapin ang hustisya sa pagkamatay nito , hindi makatarungan ang nangyaring pagkamatay nang kanyang ama kaya naman , naisipan nyang manmanan ang bawat galaw nang dalawa , may hindi tama syang naamoy sa mga kasama nya ewan nya pero pakiramdam nya may kinalaman ito sa pagkamatay nang kanyang ama .

---

Sex Blood √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon