Flashback
Marianne's pov
Pagkatapos naming mag shoping kasama ang friends ko dumiretso na ako sa manshion ng mga Guevarra.
Pinark ko ang kotse ko sa kanilang garahe at nakita ko ang pulang bmw ni Chrissa.
Sinalubong ako ng maid sa sala at pinapunta sa dining hall,wala pang tao kaya napagpasiyahan kong mag ikot ikot muna sa bahay nila.
Maraming family pictures silang nakadikit sa ding ding.Nakita ko rin ang gwapong picture ni Chris.
Nahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong nagsisigawan sa loob ng isang kwarto malapit lang sa kinatatayuan ko.
Hindi naman sa chismosa ako pero marami akong narinig.
"Totoo ba mom,dad?anak niyo si Marianne?"napantig ang tenga ko sa mga narinig.Galit at humahagulgol ang boses ni Chrissa.
Parang nahinto ang takbo ng oras sa mga narinig ko.Anak ako ni Mrs.Guevarra?.Pero hindi pwede.
Hindi na ako makatiis,Pinasok ko ang kwarto at halata sa mukha nilang ang gulat.
Pinakalma ako ni mommy at daddy.Ng hindi ko kinaya ang tension sa loob.Umalis ako at Nag drive.Hindi ko alam kong saan ako pupunta.
Nag drive ako ng nag drive ng may isang liwanag at isang busina ang sumalubong sa akin.
And all went black.
Chrissa's pov
Sinundan nina mom at dad si marianne habang ako ay naghihintay dito sa sala.Gabi na at hindi ako mapakali tinawagan ko na lang si dad para malaman kong nasaan sila.
"Hello!dad,nasan kayo?"
Sandaling na tahimik si dad.May narinig naman akong hagulgol.Kinabahan ako sa mangyayari.
"Dad?"
[A--anak..nan--dito kami sa ospital,nabangga si marianne]
Kumabog ng husto ang dibdib ko.Hindi ko alam ang gagawin.Binaba ko ang tawag at tinext ni daddy ang pangalan ng ospital na pinagdalhan marianne.
Nagpahatid na lang ako sa driver.Pagpasok ko tinanong ko muna kong nasan si marianne.Dali dali akong naglakad at nakita ko sina mommy na naghihintay habang umiiyak.
Pinuntahan ko siya at niyakap pero inilayo niya ang sarili niya sa akin.
Pinabayaan ko muna siya,umupo na lang ako sa katabing upuan.Nagsidatingan naman ang mga kaklase at kaibigan ni marianne.
Lumabas ang doctor sa E.R at agad namang pinuntahan ni mommy.
"Doc,kamusta?"nag aalalang tanong ni mommy
"She's fine...but she's in the state of comma now.Pwede niyo ng I transfer ang pasyente sa private room."tumango naman si mon at umalis na ang doktor
Tinignan ako ng masama ni mom ng parang gumawa ako ng krimen.
Nagulat ako ng dumapo ang kanyang kamay sa aking pisngi.
Sinampal niya ako.
"Umalis ka na dito!"ma autoridad na sabi niya
"Ma!.."
"I said go away..ayaw na kitang makita,lumayas ka na sa bahay.Hindi kita anak!"nagulat ako sa sinabi ni mom,nanlambot naman ang tuhod sa huli niyang sinabi.
Hindi niya ako tunay na anak?!
"Ma.."
Sasampalin pa sana ako ni mom ng may pumigil sa kanya."mae..tama na yan!.Chrissa umalis ka na!"galit at ma autoridad na utos ni dad.
Tumayo na ako at agad kong ibinigay kay dad lahat ng credit cards at atm cards ko pati susi ng sasakyan ko binigay ko rin."Eto bang gusto mo?!"
Tinignan ko muna sila isa isa,ng dumako ang tingin ko kay Joaquin sinamaan ko siya ng tingin.Humakbang ako papalapit sa kanya tsaka sinampal ko siya.
"Magsama-sama kayo!"
------------------------------------------------
©silence_12