Confession 2: Xien Lazaro
Umiiyak siya at hindi ko alam ang dahilan. Sino ba kasi itong babaeng ito? Naman oh!
Bigla akong kinalibutan nung makita ko siyang ngumiti sa akin. Hala! Anong nangyari dito? Nababaliw na ata.
"Salamat.." Halos pabulong pero narinig ko pa rin ang salitang binigkas niya. Baliw na nga ang isang ito. Magpasalamat daw ba? Eh bakit naman kaya siya nagpapasalamat sa akin? Ang weird.
"Salamat dahil gusto mo ako." Teka, ano daw? Tama ba yung narinig ko o baka naman nabingi lang ako?
And then a thought in my head hit me. Naku naman, Jake. Bakit ba kasi hindi ko muna sinigurado kung si Jaira ang babaeng kasama ko dito kanina pa? Ano ba itong pinasok ko. Mas lalo pang lumala. Asar naman oh!
Kring! Kring!
Shoot! Buti nagbell na. Makakatakas na ko. Saved by the bell. Yahoo!
"Sabay na tayong pumasok!" Oh no. Lord, please good to me. Kahit nagyon lang po.
Tumingin ako sa gilid ko. Napunasan na pala niya ang luha niya. Pero hindi ko pa rin masyadong makita ang mga mata niya dahil nga sa bangs niyang napakahaba.
"Tara na." Muli ko siyang narinig na nagsalita habang nakangiti sa akin. Napansin ko ring nakahawak na siya sa laylayan ng polo ko.
Naman! Pinapasakit ng babaeng ito ang ulo ko. Kay aga-aga eh. Hindi ako nagsalita. Nagsimula na lang akong maglakad habang siya ay nakasunod lang at nakahawak pa rin sa laylayan ng polo ko.
Napakabagal ng bawat hakbang ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin alam kung bakit wala akong binanggit na pagtutol sa kanya. Feeling ko nahihirapan akong magsalita. Napipi na ata ako dahil sa nangyari kanina. Sobrang unexpected talaga. Sino ba kasi itong babaeng ito?
At sa wakas ay narating ko na rin ang pinto ng classroom namin. Nilingon ko siya. "Dito na ako." Sa wakas, nakapagsalita na rin ako.
"Ako rin." Ngumiti pa siya. Ay lintek! Halos mapamura ako sa gulat, mabuti na lang at napigilan ko. Kaklase ko siya? Seryoso? Bakit parang hindi ko naman siya nakikita sa loob ng classroom?
"Late na pala tayo." Narinig kong muli siyang nagsalita. Sumilip ako sa loob. Tama siya, late na nga kami. Nandoon na sa loob ang teacher namin.
Puro kamalasan na lang ang nangyayari sa akin simula nang makasama ko itong babaeng ito. Bwiset naman talaga oh! Sabi ko naman sa'yo Lord, maging mabait ka sa akin eh. Hay..
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nagsimulang pumasok sa classroom habang nakasunod lang itong babae sa likod ko. Ganon pa rin ang ayos niya, nakahawak sa laylayan ng polo ko.
"Mr. Alvarez and Ms. Lazaro, you're both late!" Bungad agad ng teacher namin.
"Sorry po, Ma'am." I apologized.
Tiningnan lang ako ni Ma'am sabay lipat ng tingin sa babaeng katabi ko na ngayon ay nakayuko lang. "Okay. The both of you, take your seats."
After sabihin iyon ng teacher namin, tumingin ako sa kamay na nasa laylayan ng polo ko. Mukhang mabilis naman niyang nakuha ang gustong iparating ng tingin ko. Tinanggal niya na ang pagkakahawak doon. Naglakad na ko papunta sa upuan ko. Ganon din ang ginawa niya. Ngayon ko lang napansin na sa pinakadulo pala siya nakaupo. Kaya siguro hindi ko siya napapansin dati.
"At kailan pa kayo naging close ni Xien? Kayo ah, bakit kayo late? Anong ginawa niyo ha?" bungad na tanong sa akin ni Paulo. Siya ang seatmate ko and at the same time, my bestfriend.
"Xien?" Nagtataka kong tanong.
"Oo. Yung babaeng kasabay mong pumasok dito."
"Xien pala pangalan non."
BINABASA MO ANG
Wrong Confession [ON HOLD]
Teen Fiction“Hindi ko na alam kung ano ba ang mali. My confession to a stranger or to believe that I'm still in love with the girl I've been crushing on?”