Nawawalang Bolpen

192 2 0
                                    

  Matagal din ung vacant namin kaya ayun nakikain muna ako kila roehm. Nung nakapagpalit na sya ng damit umalis na kami agad. Habang naglalakad ako, naalala ko na wala nga pala akong klase pagkatapos ng DATA STRUCTURE namin. Kaya nagpaalam ako kay roehm at umuwi agad.

 Paguwi ko sa bahay nakita ko agad ung lintik na step brother kong feeling gwapo mukha namang palaka na nakashades at nanalamin.

AKO: mabasag ung salamin ha..tatadjakan kita..tanggalin mo nga yang shades mo nang makita mo ung nilalang na dapat halikan ng prinsesa..

GADO: oh talaga?...so gwapo pala ako pag walang shades ha kang?,..naiinlab ka na siguro sa akin no?,,..tigilan mo yan..magkapatid tayo sa papel..

AKO: asa ka naman..magbasa ka nga ng fairytale ng malaman mo kung ano ung mga itsura ng hinhalikan ng prinsesa (best example ang princess and the frog..wuhahaha!!!)

GADO: example nga?

AKO: BEAUTY and the BEAST..hahaha.....pero alam mo ung best answer para don?...THE PRINCESS and the FROG as in F-R-O-G..mukha ka kasing palaka eh!...wuhaha...tumabi tabi ka nga at nagugutom na ako!, at baka biglang mawala ang gana ko!

GADO: ang sama talaga ng ugali mo eh noh?

AKO: aminado naman ako..di tulad mo..pinapaniwala mo ang sarili mo sa isang kasinungalingan na imposibleng maging katotohanan!

MAMA: SHUT THE FUCK UP!, YOU TWO! (sigaw ni mama) SINABI NG WAG MAINGAY KAPAG MAY KACHAT AKO SA FESBUK EH! (nagwalk-out si froggy..hahaha..)

AKO: fesbuk talaga?,ma kung makikipagchat ka, wag mo naman sanang ipagkalandakan na bisaya ka..pano ka makakakuha ng poriner nyan..hahaha..

MAMA: tumigil ka nga..isa ka pa eh..(sabay labas ng kwarto) oh..kumakain ka na pala..

AKO: hindi ma,..nagluluto pa lang..nakita na nga sinabi pa!

MAMA: pilosopong bata..

AKO: ay hindi matanda!..

MAMA: sira ulo..ano lokohan tayo?..bawasan ko allowance mo!

AKO; wala namang ganyanan..eto na nga po oh..mabait na po..(pilyang ngiti sabay tayo tapos patakbong yumakap kay mama)

MAMA: ikaw talaga,..sige pagkakain mo pahinga ka na..mamaya ka na gumamit ng computer kachat ko pa papa ni gado

AKO: kamusta na daw ba si uncle ma?

MAMA: aun papasok na daw sya sa trabaho..sige baka nagreply na un..(pasok ulit sa kwarto)

  Kakain ko lang nun pero ang dami ko pa ding nakain. Tinapay lang naman kasi ung pinakain sa akin ni roehm eh. Pumasok na ako nun sa kwarto ko tapos nagbihis ng manipis na sando at maong na short. Nung nakapagbihis na ako napatingin ako bigla sa bag ko na nakapatong sa mga unan ko. Bigla ko din naalala ung notebook na natapakan ni roehm kanina. Hindi ko pa nasasara ung cabinet ko ay dali dali akong nagdive sa kama at kinuha ung notebook sa bag ko. Nang binuksan ko ung notebook, biglang namatay ung ilaw sa kwarto ko tapos nagbukas ulit. papalitan ko nga iyon kay mama ng bumbilya bukas. Nakita ko na wala pang sulat kaya naisip ko na gawin ko na lang diary. Hindi naman ako mahilig magsulat sa diary o gumawa ng diary. Ngayon nga lang ako magkakaroon ng diary eh. Hinanap ko ung bolpen ko. Hindi ko mahanap buti na lang marami akong stock ng bolpen sa cabinet kaya kumuha ako don at isinara ko na din ung cabinet. Nung tinignan ko ulit ung notebook, makita ko na may nakaipit na bolpen dun. Bigla akong kinilabutan, tapos biglang umihip ng malakas na hangin sa labas, kinabahan tuloy ako bigla. Tinago ko agad ung notebook sa bag ko nang hindi manlang tinatanggal ung bolpen na nakaipit dun.

Ang Killer DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon