JS Promenade 2

75 4 2
                                    

JADEN CHUA

Nakatingin lang ako kay Torres ngayon. Napatingin lang pala ako bigla. Ang ayos ng hitsura niya. Okay wrong term. Ang ganda niya. Napaka-simple ng gown niya pero nagi-stand out yung ganda niya. Maputi siya tapos yung buhok niya ang ganda. Nakababa lang siya tapos nakakulot.

Sa lahat ng babaeng nandito, siya yung may pinakasimpleng ayos. Di katulad nung iba na sobrang kapal ng make up tsaka sobrang daming diamonds sa gown na akala mo alahas na imbis na gown.

Bigla naman may lumapit na lalaki sa table nila tapos kinausap siya? Loko ata to e. Isasayaw niya siguro si Rachel? Pero bigla niya naman hinawakan kamay ni Anne. Tapos pumunta na sila sa gitna tsaka nagsayaw.

Naiwan dun si Rachel. Kinuha niya phone niya. Naglalaro ata. Pero makikita mo na malungkot siya.

Mga 10 minutes din akong nakatingin sa kanya. Buti napagtiyatiyagaan niya na maglaro lang sa phone niya.

"Oy Jaden. San ka nakatingin?"

Katabi ko nga pala si Chris ngayon. Si Carl naman andun sa kabilang table. Nag aaya na magsayaw sa ibang babae.

"Wala pre. Nauuhaw ako. Kuha lang akong tubig ha?"

Tumayo ako agad at di ko na hinintay na sumagot si Chris. Pero ang totoo, pupuntahan ko talaga si Rachel. Ewan ko kung bakit ako nakaramdam na dapat puntahan ko siya. Kaya ko sinabi na kukuha akong tubig kasi malapit lang sa buffet yung table nila Rachel.

Syempre mahirap na kung mangulit pa sakin si Chris. Kapag nangulit yun, susunod na yung ibang varsity players. Edi kawawa na ko nun. Ako na pagtritripan ng tropa.

Hindi ko alam kung pano ko aayain si Rachel. Punta na lang kaya ako sa likod niya?

Bahala na nga talaga. Wala nang atrasan.

Pumunta ako sa likod niya tsaka pinatong ko kamay ko sa table sa bandang right niya. Kumabaga kung may plate siya sa harap, nasa right yung spoon diba? Dun ko pinatong kamay ko dun sa may spoon. Hirap i-explain basta yun.

"Ayy palaka!"

Huh? Palaka? Mukha ba akong palaka? Sa gwapo ko na to.

Nagulat ata siya tapos napatingin siya sa kamay ko. Pero umiling lang siya tapos nagpatuloy sa paglalaro ng phone.

Magsasalita na nga ko. Baka magmukha pa akong tanga dito.

"Rachel"

Dahan dahan siyang tumingin sakin. Halata pa na nagulat siya.

"Ah.. Ba.. Baket?"

"Ayusin mo pagsasalita mo. Ano ka robot? Paputol-putol salita?"

Sorry na kung masama ako pero di talaga ako sanay sa pagiging sweet. Bat ko ba naisipan na pumunta dito?

"Sorry naman. Di ko kailangan ng opinyon mo tungkol sa pagsasalita ko. Bakit ka ba nandito? May kailangan ka? Ha? Sagot?"

Hala ka. Nagalit ata? Kababaeng tao kung makasagot kala mo papatol pag inaway ko to e. Sayang ganda niya ngayon. Binabawi ko na.

"Oo. May kailangan ako."

Nag smirk ako tsaka tinitigan siya.

"A-anong kailangan mo ha aber?"

Natakot ata siya sa smirk ko. HAHAHHAHA kawawa naman. Ikaw kasi e. Na-provoke mo ko.

"Kailangan ko na masayaw ka. Tingnan mo kamay ko oh. Andito pa din. Baka mapagod."

Oo. Tama kayo di ko pa rin tinatanggal kamay ko sa may table.

"Aish. Ayoko."

Aba aayaw pa? Siya nga lang kaisa-isang babae na inaya ko ngayong gabi. Actually sa buong buhay ko. Tapos aayaw pa? Choosy pala to eh.

My Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon