Chapter 36: Brace United ~

22 2 0
                                    



( Sheena's POV )

It's been a month since naging kami ulit ni Brace. And I must say na this time, mas masaya kami compare dun sa dati naming relationship.

And guess what?!

Alam niyo bang yung tumatawag sa akin noon na unregistered number ay si Brace din.

Oo, si Brace din yun. Umamin siya sa akin.

Nung ngang sinabi niya yun, nahiya ako e. Eh kasi naman nakakahiya talaga. Sa kanya ko pa nun sinasabi yung sama ng loob ko at sa kanya pa ako nageemote.

Baliw kasi si Arquiza e. Lol. Pero ganun pa man mahal ko parin siya.

Nandito ako ngayon sa McDo malapit sa ABS-CBN kasama ang whole BU. 2nd Anniversary kasi ng BU. And yung mga admins ay nag-usap usap para nga dito. And syempre sumali din ako sa pagpaplano. Supportive girlfriend ata to. Hahaha

"Guys. Prepare na. I already text Brace. Maya maya lang nandito na siya." sabi ko sa mga kasama ko. And yes, alam na din ng BU na nagkabalikan na kami ni Brace. At ang saya nila ng mabalitaan yun. Ang swerte nga ni Brace sa mga BU e. Kasi mahal na mahal na mahal siya ng mga ito.

Maya maya naman ay bumukas na yung pinto.

"Surprise!!" sabay sabay naming sigaw. Natawa naman si Brace.

"Happy 2nd Aniiversary!!" bati nung mga admins sa kanya at halos sila lumapit na kay Brace. Ako naman umupo muna sa isang tabi. Syempre moment muna nila yun with their Idol.

Pinagmasdan ko lang sila habang nakaupo ako.

Yung iba nagpapapicture.

Yung iba naman yakap si Brace.

At yung iba walang sawang bumabati ng happy 2nd anniversary.

Ang saya-saya nilang tignan.

Hindi ko alam na ganito pala kaming kadaming nagmamahal kay Brace.

Pero syempre mas lamang yung love ko para kay Brace. Hihi :)

"Hmm pano ko ba uumpisahan." natatawang sabi ni Brace ng pumunta siya dun sa mini stage na ginawa namin.

"First of all, thank you. Thank you kasi lagi kayong nandiyan para sa akin. Kahit na medyo loko loko ako, hindi parin kayo nagsawang suportahan ako. Thanks sa lahat ng admins na nagprepare nito. And thank you din sa lahat ng pumunta. Mahal na mahal ko kayong lahat." sabi ni Brace at pumalakpak lahat sila.

"And syempre to my supportive girlfriend. Love, thank you sa lahat. I really appreciate it love. I love you." sabi ni Brace then he smiled at me.

"Welcome boyfriend. Love you too." sigaw ko naman kaya natuwa yung mga BU.

"So let's start the party." sigaw ko ulit.

"Hyper ni Ate Sheena." sabi nung isang admin sa akin. Pumunta naman ako sa stage kasama nung mga ibang admins at nagpagames.

Halos sa loob ng tatlong oras ganun ang ginawa namin. Nag games. Hahaha ang saya ngang kasama ng BU e.

After that kumain na din kami dahil halos ay nagutom dahil sa games.

Tabi naman kaming kumain ni Brace sa isang table. Yung family naman ni Brace kakadating lang. Oo, pati sina Tita Alma and whole AFam nandito. Supportive diba?:)

Kaso simula nung magkabalikan kami ni Brace hindi ko pa ulit nakakausap sina Tita at Tito.

"Ang saya nilang tignan no." sabi ni Brace. Tumango naman ako.

"Oo nga. Ang daming nagmamahal sayo." sabi ko

"Don't worry iba pa din yung pagmamahal mo." sabi niya

If Forever Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon