CHAPTER 3

8.8K 81 5
                                    

-DANIEL CINCO'S POV-

"Kamusta na siya?"narinig kong tanong ng lalaking ito na sinasabi nilang totoo kong ama..na totoo naming ama ng babaeng mahal ko.

"Sir, ayaw niya pong kumain. Hindi niya din iniinom iyong mga gamot na binibigay namin sa kaniya. Palagi po siyang nagsasalitang mag-isa at mas madalas po siyang sumisigaw tuwing oras ng gabi."sabi ng lalaking nurse na palagi kong nakikita dito sa kwarto ko.

Nasaan nga ba ako? Tama kayo ng iniisip. Inakala nilang nababaliw na ako dahil sa mga nangyari kaya nandito ako sa isang hospital. Mas ginusto ko na dito. Dahil dito, hindi ko alam kung ano ng nangyari sa mahal ko. Dahil dito, kahit papaano nakakalimutan ko iyong katotohanang ikakasal na pala siya sa ibang lalaki. Paano na? Anong gagawin ko? Ipaglalaban ko ba ang bawal? O hahayaan nalang kahit na masakit?

Naramdaman ko naman papalapit sa akin itong lalaking ito na tatay ko daw at tinapik iyong balikat ko. Lumingon ako sa kaniya at inalis iyong kamay niya sa balikat ko at saka ko siya tiningnan ng matalim.

"Mag move on ka na anak. Matagal na naming hinihintay ang pagbabalik mo sa bahay. Matagal ko ng pinangarap na magkasama-sama tayong lahat ng kakambal mo kahit wala na iyong Mommy niyo. Magpagaling ka na anak. Para naman maka-attend ka din sa kasal ng kapatid mo. Hindi kami kumpleto kapag wala ka."sabi niya at umupo siya sa harap ko.

HINDI KITA IIWAN ----- KATHNIEL (Book 2-3) - FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon