1. Sundalo

119 3 2
                                    

Sundalo - SL

Magsisimula ako sa umpisa,
Sa umpisa na kung saan tayo nagsimula,
Sa unang paguusap,
Sa unang dalawang letrang salita,
Na nasundan pa,
Nasundan pa ng mga pagkikita,

Mga pagkikitang humantong sa pagmamahalan,
Na sinubok ang katatagan,
Mahirap pala pag tayo ang pinaglaruan ng tadhana,
Pero handa kitang ipaglaban,

Alam kong hindi ako sundalo,
Pero gagawin ko ang lahat para maipanalo--
Maipanalo ang isang labang alam kong talo,

Bakit?
Bakit ka bumitaw?
Bakit kailangan mong iukit sa aking puso at isipan ang pangako mong ika'y kakapit at hindi bibitaw?

Mahal kita,
Hindi mo ba narinig?
Uulitin ko, mahal kita
Ngunit ako nalang palang mag-isa ang lumalaban,
Sa isang pangdalawahang digmaan,

Alam kong hindi ako sundalo,
Pero ginawa ko ang lahat para maipanalo--
Maipanalo ang isang labang alam kong talo,
Dahil ikaw ay sumuko...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula sa Kapehan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon