Lumipas ang mga araw na hindi nagkibuan sina Vice at Karylle. Gustong gustong lapitan ni Karylle si Vice ngunit hindi pa lamang niya nagagawa at magtatangka pa lamang siya ay lumalayo na ang bakla sakanya na tila ba nababasa siya nito. Dahil dito ay tanging mga nakaw na tingin lamang ang nagagawa ni Karylle ngunit hindi niya alam ay ganito rin si Vice sakanya lagi rin itong nagnanakaw ng mga tingin sakanya.
Vice's POV
Nandito ako sa sala, nakaupo lang habang nagbabasa? Sige na nga tinititigan lang itong librong hawak ko. Wala naman kasing pumapasok sa aking isipan siguro dahil punong puno na ito sa dami ba naman ng iniisip ko. That night was the first and last conversation we had since we came here. I know she wants to talk to me for the past days pero hindi ko pa kaya. Masyado pang masakit 'te.
Pabebe na kung pabebe pero na-hurt si bakla eh. So ngayon hanggang nakaw tingin na lang muna ako.I missed her so much but I'm hurt.
"Kausapin mo na kasi," Okay sa araw araw ba namang may bigla biglang sumusulpot sa tabi ko hindi na ako nagugulat.
"Problema mo na naman Anning?" Mataray kong baling dito kay Anne na karga ngayon ang anak nila.
"Pa-chicks ka rin kasi wakla,"
"Pwede ba tantanan mo na muna ako, Utang na loob!" Giit ko, halos lahat na rin kasi sila eh ganito ang sinasabi. Kainis!
"Oh? Ano na naman?" Kaloka 'tong jowa ni Navarro parang may sapi, kung makangiti sa 'kin.
"Mahal na mahal mo talaga yung best friend namin 'no?" Nakangiting sabi niya.
Hindi ako nagpakita ng emosyon, nanatiling blanko lamang ang tinging ibinibigay ko sakanya ngayon.
"Ayikikikikiki! Converted ka na talaga," Pang aasar pa niya pero blanko pa rin ang ekspresyon ko.
"Ayieeeeee! ViceRylle,"
"Bagay kayo pabebe ka nga lang,"
"Mahal mo talaga 'no? Ayikikikikiki,"
"Kikiligin na yan, Ayieeeee----"
"NYETA! OO NA, MAHAL KO NA. O ANO? HAPPY KA NA? HAPPY?" Sarkastiko kong sigaw pero pinagsisihan ko rin kaagad dahil nakatayo na pala sa harapan namin ang mga kaibigan namin ,kasama siya. Lahat sila ay may makahulugang mga ngiti.
"Apir tayo babe," Nakangiting sabi ni Vhong at nakipag-apir nga dito sa babaeng malaki ang bunganga.
Habang nagtatawanan ang mga 'to, hindi pa rin nakalusot sa aking mga mata ang matamis niyang ngiti. So kanina pa pala sila dito? At narinig nila so narinig niya? Kahiya ka bakla! Baka 'di na 'to maniwala sa galit galitan drama ko.
Ngunit agad din akong nakawala sa kahihiyan nang dumating si Yohan. Palagi itong umaalis upang maghanap ng mga dahon dahon at sa tuwing bumabalik ay kalmado ngunit ngayon para siyang balisa.
"I have to tell you something," Bungad niya sa amin bago umupo dito sa tabi ko. Mukhang seryoso ang sasabihin niya kaya naman nagsipwesto na rin sa sofa at carpet ang lahat.
"May nakita akong isang grupo kanina nang mapadaan ako sa VK U they're in a helicopter and their helicopter landed sa field ng university,"
"Sana humingi ka na ng tulong," Sabat bigla ni Matt.
"Good thing I didn't do that. Nagtago ako sa isang sulok at hindi nga ako nagkamali dahil may mga survivors na nakatira sa VK U, and these survivors immediately approached the helicopter pero they were just killed by the guys na lulan ng helicopter," Napasinghap ang mga kasama ko.
BINABASA MO ANG
ViceRylle W/ Walkers
FanfictionIsang magiting na sundalo at isang Walang inuurungang pulis. Bawat terrorista kanyang hinaharap. Bawat sindikato kanyang hinahanap. Pero paano kung hindi na lang basta Terrorista at Sindikato ang kanilang makaharap? Kakaibang nilalang, May Utak ngun...