Prologue

3 1 0
                                    

"As what bestfriends do.." Saka silang  apat nagpinky swear pagkatapos ay agad na sumalampak sa napakalambot na medyo makating damo.

"Besteffs,sa tingin niyo forever na tayong magbbff?"Tanong nang katabi ng babaeng maputi't maganda na may malahapones na mata.

Nagkatinginan lang ang  tatlo saka ngumiti sa isa't isa.Hindi makakaila ng tatlong magkakaibigan ang kanilang pagsasamahan kahit na magkakaaway ang mga pamilya nila dahil sa negosyo.

"Forever and ever"

***
Sabay sabay ang apat na naglalakad sa gitna ng daanan ng monteverde road habang nagsisitawanan malapit sa bahay nilang apat.

Pero lahat sila ay napahinto ng may narinig silang sigawan.Kanya kanya silang punta sa kani kanilang mga bahay.

Unang napunta ang babaeng mistisa sa bahay nya ngunit napahawak sya sa kanyang bibig sa nakita nya.Naka higa ang mga magulang nya sa pulang likido na nakapaligid dito.Halos maligo na sila sa pulang likido na nanggaling sa kanilang mga katawan.

Umiyak sya ng umiyak saka nilapitan ang mga magulang nya.Ungol ito ng ungol dahilan para hindi nya mapansin ang magnanakaw na naka tayo sa harap nito.Sa takot ng magnanakaw na makita sya ng batang babae,pinaputukan nya ito sa ulo ng sampung beses hanggang sa mawarak ang ulo nito.Hindi mo na nga ito makikilala dahil sa wala na syang ulo.

Sumunod ang babaeng morena na maikli ang buhok na nakapunta sa bahay nila.Ganun din ang nangyari,patay ang mga magulang nito.Hinarap nya ang lalaking nakatayo sa harap nya saka nya ito pinagsusuntok.Pero hindi pa sapat ang kanyang mga kamao sa kapangyarihan ng baril.

Ang dalawang babae ay agad na nakatakbo habang hinahabol ng apat na magnanakaw.Pero nahinto sila ng napahinto ang kaibigan nyang babae dahil sa tama ng baril nito.Binaril sya ng isang magnanakaw mula sa likod habang tumatakbo.

Naiyak na lang ito saka nagiwan ng napakamemorable na salita.
"B-bestfriends.......T-till the.....End"Kasunod ang pagbagsak nito sa lupa habang nakangisi.

Tinignan ng natirang babae ang may kagagagawan.Nagulat sya sa nakita nya.Isa lang ang ibig sabihin nito

"Bakit niyo ginagawa sa amin 'to?!?!?!BAKIT?!"Sabi niya habang umiiyak.

Tinanggal ng apat ng lalake ang kanilang mga maskara saka ngumiti ng nakakaloko.Lumapit ito saka sya sinampal."Dahil amin ang kompanya."

*BANGGG*

Napalingon ang babae sa likod ng dalawang robber at nakita nya ang kaibigan nyang babae hawak ang baril.

"You,deserve to live."Kasunod nito ang pagbagsak sa lupa.

***
After 23 years

Nakatingin ang babae sa harap ng gate habang pinagmamasdan ang bagong gawang paaralan.Ngumiti sya ng nakakatakot at hinawakan ang gate."This is the tool for my revenge.I will use my own daughter to do my revenge.Just wait,and you will know what is the meaning of love"

Death Revenge [Nightmare Section]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon