II. 2 Clary-First anniv

1.9K 61 21
                                    

Kaye: Happy anniversary chubs.

"Chubs" ang tawag niya sa akin. Short for chubby. Ang sama. Hindi kaya ako chubby, nagkataon lang na mas payat siya sa akin, kaya "Yats" naman tawag ko sa kanya, payat. Di ba dapat romantic ang tawagan. Ewan bakit naging ganito.

Clary: Happy anniversary Yats.

May inabot siyang papel sa akin. Nang binuksan ko ito, walang may nakasulat.

Clary: ahh. Alam kong hindi ako mahilig sa mga material na bagay pero isang pirasong papel talaga? At wala man lang nakasulat.

Tumawa siya ng malakas. Ang paborito kong tunog sa buong mundo maliban na lang kapag kumakanta siya.

Kaye: Ang ibig sabihin niyan ay, wala kang ibang gagawin, paplanohin o sasabihin man lang. Sumunod ka lang sa kung saan man ako pupunta at huwag na huwag kang bibitaw.

Clary: magsisimula na ba.?

Kaye: ssshhh...

I don't personally like surprises kasi ayoko kong naghihintay. Pero kapag si Kaye, kahit ano pa iyan, aantayin ko.

Ang una naming pinuntahan ay ang paborito kong coffeeshop na malapit sa resto. Sobrang mahilig ako sa kape kaya hindi pwedeng magsimula ang araw ko ng hindi ako nakakabili ng cappuccino dito.

Kaye: Alam mo bang una kitang nakilala dahil sa lugar na ito.?

Hindi naman kami unang nagkita dito ah.

Clary: paano nangyari iyon? Sa resto kita unang nakita.

           Siguradong sigurado ako. Paano mo ba makakalimutan ang unang pagkikita niyo ng first love mo? Unless....

Kaye: Sa resto mo ako unang nakita.
Ilang beses na kitang nakitang dumaan doon papunta dito. Hindi mo lang namamalayan.

At napaisip tuloy ako. Talaga? Bakit hindi ko namalayan iyon? O maalala. Sana lumingon man lang ako kahit minsan.

Clary: So, stalker kita?

Kaye: Admirer.

Clary: Admirer na pala ang tawag doon.

At kinilig naman akong malaman iyan. Kung ganito kagwapo ang stalker ko, hahayaan ko. Ni minsan, hindi niya nakwento sa akin iyan. Pagkatapos naming magcoffee, pumunta kami sa paborito kong bookstore. Hmmm.

Clary: Let me guess, nakita mo rin ako dito o sinundan?

Kaye: Nakita lang. Lagi kang pumupunta dito. Siguro kapag nalulungkot ka. Mahilig kang pumunta dito, iikot ikot hanggang sa mahanap mo ang librong gusto mo.

Clary: At nalaman mo lahat ng iyan, dahil nakita mo lang ako dito?

Kaye: Akala mo sinusundan kita? Hindi kaya. Meron ka bang gustong bilhin?

Actually mayroon. May isang librong kapag nakikita ko, si Kaye ang naalala ko.

Clary: heto.

Kaye: Me before you? Bakit iyan?

Dahil sa iyo. Hindi mo lang alam kung gaano kalungkot ang buhay ko bago kita nakilala. At dahil dyan, araw-araw akong nagpapasalamat.

Clary: Maganda raw ang story nito. Hindi ko pa nabasa ito eh.

Pagkatapos ay pumunta kami sa park, naupo kami doon at hinayaan niya lang akong magbasa ng ilang oras habang nakaupo lang siya sa tabi ko.

Kaye: pagkatapos mong basahin iyan, kwentohan mo ko ha.

          

Clary: Bakit hindi mo na lang kaya basahin din. Pahihiramin naman kita.

Kaye: Ayoko nga. Mas maganda kang titigan habang nagkukwento kaysa sa aklat akong tititig.

Humiga ako at inilagay ang aking ulo sa kanyang kandungan at muling nagbasa pero may gusto akong tanungin sa kanya noon pa.

Clary: Yats, ano ba ang buhay mo noon bago mo ako nakilala?

Kaye: Malungkot. Sa ibang banda, masaya naman kasama ang pamilya, mga kaibigan, ang banda, mga taga suporta ko. Yung tipong, kaya kong ngumiti o tumawa pero laging may kulang. Lagi kong hinahanap kung ano man yung kulang. Nang una kitang makita, doon ko naintindihan. Ikaw pala iyon. Me before you.

        Si kaye ang tipong hindi madalas magkwento ng nakaraan niya o ang mga pinagdaanan niya. Kahit hindi niya man sabihin, naiintindihan ko at kahit ano man iyon, tatanggapin ko dahil mahal ko siya. Iyan naman dapat ang pag-ibig hindi ba? Hindi lang ang kasalukuyan niya ang mamahalin mo, dapat kasama na ang nakaraan at kinabukasan.

Clary: Saan naman tayo ngayon pupunta?

Kaye: Basta. Hawakan mo lang ang kamay ko.

Hinawakan ko nga hanggang sa makarating kami sa amusement park. Bakit dito? Parang wala namang koneksyon ito sa iba.

Clary: Nakita mo ba akong pumunta dito?

Kaye: Hindi pa. Tara!

Ito ang first time kong makapunta sa amusement park. Lumaki akong laging nasa museum, art exhibit, musical, etc.. Ni minsan hindi ko naranasan ang ganito. One year anniversary namin. Ang bilis ng panahon.

Hindi kami masyadong nakakalabas dahil naging busy siya. Sumisikat na nga si Kaye. Ang dami niya ng mga tagahanga. Ang team Kaye ng buhay nya. Mahal na mahal sila ni Kaye. Lagi niya nga silang kinukwento sa akin.

       Minsan nakakainggit hindi dahil mahal niya rin sila. Naiinggit ako sa haba ng panahon na magkasama sila, sa lahat ng panahong lumipas dahil hindi pa kami magkakilala o dahil hindi nga ako lumingon noon.

Sumakay kami sa iba't ibang rides. Lahat ng iyon, halos nasuka ako. Mabuti na lang at nandito sya.
At ang huli, sa ferris wheel.. Ang taas...

Clary: Kaye, hindi ko kaya yan. Masyado akong takot sa heights.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ako sa noo. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako.

Kaye: Hawakan mo lang ang kamay ko, hinding hindi kita bibitiwan.

At kahit gaano ako katakot sa heights, hindi ko na naramdaman dahil hawak niya ang kamay ko, dahil hindi siya bumitaw.

Clary: Yats, thank you ah. Sobrang napasaya mo ako sa araw na ito.

Kaye: Sinabi ko bang tapos na?

At bigla akong naexcite uli.

Clary: mayroon pa?

Kaye: my finale pa yata ako. Tara malapit na dumilim.

Kailan naman ito naging conscious sa dilim. May fireworks yata..
Siguro dahil hindi ako adventurous, maraming lugar dito sa Pilipinas ang hindi ko pa napupuntahan. Si mommy kasi mahilig magbakasyon sa ibang lugar. Mas maraming magagandang tanawin raw doon.

Pero mali siya. Kahit saang lugar man ako makarating, iba pa rin dito sa Pilipinas. Siguro dahil nandito na rin ang taong may hawak ng kamay ko.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko tuloy namalayan kung nasaan na kami.

Clary: yats, nasaan na ba tayo? Bakit parang walang tao. Close yata.

Kaye: sandali lang. Titingnan ko lang sa loob. Dumeretso ka lang.

At nawala na siya. Binitawan niya nga ang kamay ko. Sandali, deretso? Nababaliw na ba iyon. Ang dilim kaya. At ewan ko kung bakit sinunod ko rin siya. Ang dilim ng gabi, halos hindi ko makita ang buwan. Naalala kaya ni Kaye na hindi maganda ang paningin ko sa gabi? Bakit parang may naririnig akong alon sa bandang dulo. Sa beach yata kami. Nang papalapit na ako, biglang may ilaw na sobrang maliwanag pero lumalapit pa ang mga paa ko.

Lumalakas na ang tunog, ano ba ang ilaw na iyan sa dulo, bakit may ganyan? Biglang may narinig akong naggigitara. Sabay nun ay namatay yung ilaw at kumanta siya. Yung paborito kong kanta. Yung unang kantang kinanta nya para sa akin sa resto. Araw-araw ko siyang naririnig na kumakanta pero hindi pa rin nakakasawa. Nakangiti akong nakikinig sa kanta nya pero teka, ano iyon?

Ang daming floating candles sa tubig. Ang ganda. Lalong lalo na ngayong hindi maliwanag ang buwan. Ang daming bulaklak. Itong-ito iyon sa pangarap ko. Sa bandang dulo ay may isang mesa, dalawang upuan, candles, wow at ang paborito kong bulaklak, tulips.

        I have never been a fan of roses. Every 9th day of the month, lagi syang nagbibigay ng tulips. October 9 kaming officially nagkakilala. So each month,on the 9th day, nagbibigay siya o nagpapabigay siya ng tulips if hindi siya makakapunta. Pasasalamat niya raw dahil sa dinami dami ng pwede kong puntahan, sa restong doon ako pumasok.

Kinuha ko ang bulaklak at nakita kong may note. "Look up" and I did.
May sky lanterns na unti-unting lumilipad. Sobrang ganda tingnan. Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko. Naririnig ko pa rin ang boses niyang kumakanta. Nasa bridge na sya, malapit na sa paboritong kong hook part,

" The day when i say will you marry me
I swear that i will mean it"

And then, there she was. Lumalakad papalapit habang kinakapa ang paborito nyang gitara. Ang gitarang binigay ko noong birthday niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang tinititigan ko sya. Posible bang magmahal ng ganito kalalim? Oo, living proof ako nito.

Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, ang swerte kong walang mic na nakakabit dito dahil kung hindi mabubuko ako ng buong mundo kung gaano ko kamahal ang taong ito.
At tapos na pala ang kanta. Sa sobrang titig ko sa kanya. At huminto siya sa harap ko, hinawakan ako sa pisngi sabay ang pagsabing...

Kaye: Clary, hindi ko man masyadong nasasabi sa iyo ito, pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita.

At umiyak na nga ako. Alam kong hindi man ito wedding proposal, ito yung dream love confession ko. Ito na yata ang pinakamaligayang araw sa buong buhay ko.

Clary: Mahal na mahal din kita. Kahit ano man ang mangyari, ang puso ko ay para lang sa iyo. Magbago man ang lahat, kahit na ako, ito, ang puso ko, walang magbabago dito.

Bago matapos ang gabi, may inabot sya sa aking maliit na box at may note uli.

" chubs,
ikaw ang aking forever.
Yats.

Kaye: buksan mo na.

Dahan dahan ko itong binuksan. Infinity ring.

Kaye: couple's ring. Infinity ring because you're my forever.

Kinuha nya ito at isinuot sa daliri ko. At napansin ko, suot niya na rin ang sa kanya. May pag-ibig bang mali? Kung mali man ang pag-ibig namin, araw-araw akong hihingi ng pasensya.

Isang Araw- Book OneWhere stories live. Discover now