♦ Chapter 16 ♦

204 11 1
                                    


Halos pinagtitinginan kami ng mga estudyante sa hallway habang tumatakbo ng pagkabilis-bilis.

"Wait!! Pagod na 'ko..."napahawak sa dibdib si aries at habol hininga habang si thea naman ay tagatak ang pawis.

"May paparating...."sabi ni aries habang pinakikiramdaman ang paligid.

"Paano mo nalaman?"tanong ko. Kanina ko pa nararamdaman iyon pero hindi ko na naisip dahil sa suot ko. Napatingin naman sa akin si thea.

"Nararamdaman ni aries na may paparating dahil sa mga puno."sagot ni thea. Biglang napatayo si aries kaya pati kami ni thea ay tumayo narin. Tumingin si aries kay thea.

"Ngayon na...."tumango naman si thea. Ano bang pinag-uusapan nila? Biglang ikinumpas ni thea ang kamay nya palibot sa amin. Nasa gilid kami kaya hindi ko alam kung anong gagawin nilang dalawa. Masama ang aura na iyon at sa tingin ko ay kakaiba kumpara sa mga nakita kong malakas.

"Invisible Penpen."biglang may lumabas na isang ibon na kulay asul at nagkakulay asul kami. Unti-unting kumakalat ang asul na likha ng isang ibon sa katawan ko. Napatingin naman ako kay aries na seryoso. Si thea naman na nakasenyas na wag maingay.

"Walang mga estudyante dito."sabi ng isang tinig. Mababa at nakakatakot ang boses nya.

"Kaya umalis na tayo dito.. may nararamdaman akong estudyante."isang tinig ng babae. Sa pananalita pa lang nya, parang isang babae na may hawak na malakas na ability. Nararamdaman ko na sila na paparating sa harap namin. May harang kasi sa gilid namin kaya hindi ko makita ang mukha ng dalawang nilalang. Napatingin naman ako sa sahig. Dalawang anino. Tao rin ang hugis ng katawan nila at sa tingin ko ay nakasuot sila ng cloak. Papalaki ng papalaki ang anino kaya alam kong palapit na sila sa direksyon namin.

"May nakakita na sa atin. Kailangan na nating umalis."sabi ng lalaki. Napatingin naman ako sa anino. Unting-unti nawawala.

"Kailangan natin silang sundan."sabi ni aries at biglang humakbang paharap.

"Sandali!! Paano kung mapahamak tayo?"tanong naman ni thea.

"Bahala na..."sabi ni aries at tumakbo ng pagkabilis-bilis kaya napatakbo rin kami ni thea.

"Bakit may pet ka? At para saan ang kulay asul na 'to?tanong ko habang tumatakbo.

"Ah... si penpen ang pet ko. Isa 'yan sa special ability nya. Invisible. Kaya hindi nila tayo makikita."

Nakita ko sa harap si aries na nakalutang sa ere. Wala ng asul sa katawan nya.

"Naubusan ng lakas si penpen.."sabi ni thea at biglang may sumulpot sa kamay nya na ibon. Sya pala si penpen. Ang cute din nya at mahahaba ang pilik mata katulad ni hannah. Paano kaya nya napalabas ang pet nya ng ganun?

"Pahinga ka muna penpen.."sabi ni aries at ginamot si penpen gamit ang ability nya. Ng matapos yun ay nawala na si penpen.

"Liraya's Family...."napatingin ako sa harap. Isang lalaki na.hindi ko makita.ang mukha dahil sa maysuot syang mask.

"Akalain mo nga naman. Nagkita tayong mul-.."hindi na naituloy.ng lalaki ang sasabihin ng biglang may binanggit si aries.

"Sicamore Bomb!!!"sumolpot ang isang maliit na puno sa ibaba at naghagis ng mga prutas. Bigla naman ikinumpas ng babae ang kamay nya kaya napunta ang mga prutas pagilid. Nagsabugan ang mga ito kaya nahulog sa ere si aries. Agad kaming lumapit ni thea.

"Sicamore umalis ka muna.. "sabi ni aries. Bigla naman nawala ng parang bula ang maliit na puno.

Agad ko naman ginamot ang leegan ni aries. May pasa kasi doon. Nakaramdam bigla ako ng panghihina dahil sa ginawa ko.

Liraya Academy "School Of Special Abilities"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon