PROLOGUE
Naranasan mo na bang magkaCrush sa famous?
Yung tipong para kang magnanakaw, na patago kang tumitingin sa kanya sa tuwing dumadaan sya at gusto mo na syang kidnapin sa sobrang kilig mo sa kanya!
Yung kapag tumingin sya sayo akala mo end of the world na bukas!
Yung nagmumukha ka ng langaw kakasunod lang sa kanya na feeling mo papansinin ka nya kapag nakita ka nya pero ang totoo itataboy ka lang din nya!
Sa tuwing makikita mo sya masasabe mong pwedi ka ng mamatay! Eh pano kung saluhin ka nya? Kilig ka naman o.O
Na isang titig at ngiti nya lang sayo kumpleto na araw mo.
Yun bang di ka sumusuko kahit na madami kang karibal sa kanya!
Na kapag nakita mo na may kasama syang iba maka "ouch" yung puso mo wagas akala mo tinusok ng toumbtaks.
Sabi nga nila ang crush "Ay Ang Paghanga Sa Taong Tangang Di Makahalata"
Eh pano kung panget ka? Tapos mapansin ka nya? Anong gagawin mo? Kung mismong crush mo eh binubwisit ka?