Chapter 2: Ang Kapangyarihan ng mga Orasyon

68 3 10
                                    


The Dead Man In Town

Tyler's Pov:


It's easy to say but hard to do


Those words strucks like a knife and worst it applied to my situation right now. Ngayon meron na akong lead and a destination pero hindi ko alam kung anong gagawin ko para makapunta sa Drachma Forest. Ironically, Kakasunog lang ng bahay ko at malas man pero hindi ako pwedeng gumamit ng magic dahil magiging halata na isa akong black wizard.


No choice ako ngayon kundi magbyahe by land ng halos 1,000 miles, plus pa na across the sea ang destination ko.


And by the way. There's no teleporting magic in my options. Natatrack ng mga carriers ang majica naming mga blacks kapag gagamit kami ng super long range magic.


Ang mechanics kasi ng teleportation dito saamin ay susubukan ng mana mo na iconnecta ka sa lugar na gusto mong puntahan. Kaya kapag mas malayo ang pupuntahan mas malakas na enerhiya ang dapat mong ilabas. Kapag ginawa mo iyon para mo naring ibinalandra ang sarili mo sa mga masters.


Kaya no choice ako sa ngayon kundi subukang bumyahe as far as I can.


"Ty!!, balita ko may karwaheng pupunta sa Scorch Kingdom angkas ka nalang. Gusto man kitang ipasan pero di pwede dahil makikita tayo, malaki kaya pwet mo!!" Binulabog nanaman niya ang katahimikan ng buhay ko. Napangunot noo nalang ako dahil sa inis.


Isa siya sa aking mga alaga, at siya lang ang madaldal enough para makipagusap sa akin oras oras. Tinikom ko nalang ang bibig ko para hindi na humaba ang usapan, Kilala ko na siya. Siya ang pinakamaingay na ispirito kong kilala. Pasalamat siya at isa siya sa mga alas ko kundi dati ko pa siya binalatan ng buhay-este patay pala.


"Oy!!!!, Sagot naman diyan. Pipe ka ba?. Panget ka na nga pipe ka pa, kung ako lang talaga malaya hindi ako sasama sayo, emong panget" Wala akong pake sa itsura ko kaya hindi ko nalang siya pinansin kahit dada siya ng dada.


May dala parin namang kabutihan yung bibig niya dahil sa ngayon plano ko nang mag angkat karwahe. Lahat ng sechma ko eh nasunog lang kasama ng aking bahay. Iyon panaman ang salapi dito


Sinuot ko na lang din agad ang kapa ko at ginawang singsing ang baston ko. Para di ako mapaghinalaan. Mahirap na baka may shape shifter na makaamoy sa kapangyarihan ko


"Tyler gwapo~ Dahil ako din naman ang nagsabi sayo ng impormasyon pwede bang palabasin mo muna ako, wala namang makakakilala saaken eh~" Napa-tch nalang ako sa boses niya, Napakapabebe. Pasalamat siya at mukha siyang bata kundi dati ko pa siya ipinatapon


Wala narin akong nagawa at pinalabas na siya, wala namang makakakita sakaniya dahil isa siyang multo. Besides kailangan ko din siya para magman man sa paligid. Hindi natin alam, malay mo meron na palang kalaban sa mismong harapan natin


-------

Time Check: 5:30 am

Location: A Pub

Magugustuhan mo rin ang

          

Why: My house just got been fried


Sashkaa Meshouu sekkeen

Runduul Margou keriemi


Agad akong napabalikwas ng bangon, maging si panget eh nagulat sa aking reaksiyon. 1, 2, 3, 20, Shit! napalibutan na kami. Nagsasagawa sila ng rituwal para humina ang kapangyarihang itim. Pero di ko iyon papayagan.

Naghanda nalang din ako ng pang counter dasal para matigil sila sa orasyon


Dia enld spiritum, Reverse Pull!!. Wala na akong pakialam kung malaman nilang meron ngang ancient na naubuhay dito dahil mas mahalaga na makatakas kami ngayon.


Nagkaroon ng mga marka ang aking mga braso dahil sa majikang aking idinasal, Umiilaw narin ang aking mala lupang mga mata tanda ng paggamit ng kapangyarihan, sabay non may lumabas na transparekong pwersa sa aking katawan. Napakabilis nitong gumapang sa buong lugar 250 metro kuwadrado


Rinig ko ang pagkatalsik nila sa labas, halatang mga mahihinang uri lamang ng mga carriers ito. Hindi siguro sineryoso ng mga carriers ang assumptiong nandito ang isa sa mga ancients sa lugar na ito


Ngunit hindi ko sila dapat maliitin dahil sa kanilang bilang, alam ko namang hindi ko pa kayang ilabas ang aking buong kapangyarihan sa ngayon.


" Sasha shadow form, dalhin mo mga gamit natin bilis!!" Sabi ko habang inilalabas ang aking mga collection na nanggaling pa sa aking mga ninuno


Magaling itong panlaban sa mga mangkukulam at mga carriers sa labas.


Hindi naman na umimik si panget at agad naring tumalima sa aking utos, alam niya kung anong oras dapat ang kagaanan at kung ano ang oras ng kaseryosohan. Hindi niya gugustuhing galitin ako


Hindi narin naman nagtagal at siya'y naging isang usok at isinakay ang lahat ng aming mga dalahin, tumagos siya sa bintana sabay lipad ng mataas sa himpapawid.


Nang masiguro ko nang ayos na ang layo niya eh agad kong nang tinuon ang pansin ko sa mga kalaban sa labas. Ready na ulit silang umatake kaya hinanda ko na din ang sarili ko.


Gamit ang mahika naglagay ako ng pansamantalang maskara sa aking mukha para hindi nila ako makita kung saka sakali.


Dia enld meku senin raku

oui runje laserg kaki nos

vactal me spiritum kulon

nestral viste misnam koi


Pagkatapos kong mabigkas ang aking mga dasal eh unti unting lumutang ang mga bungo at kandila sa aking likuran, ramdam ko na ang itim na enerhiya na dumadaloy sa aking sistema. Kaibahan ito sa binabanggit ng iba. Dalisay ang pagdaloy nito at may puwersa ang bawat patak. Hindi mapagkakailang kakaiba talaga ang kapangyarihang itim.


Dahil sa aking orasyon na binigkas eh ang mga kandila na lumutang kanina ay biglang pumalibot dito sa pub, gumalaw din naman ang mga bungo at nagsimulang umikot sa aking katawan ng patuluyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Hun 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Dead Man in TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon