Alas otso ng gabi, may nagtext sakin at pagkabasa ko palang ay tumulo na yung luha ko...bakit?eto oh..
"Hi yuna! Im sorry kung ganyan ang naramdaman mo about sakin, Yuna I Love you too. Pero bilang kaibigan lang, bilang ate ko. Sa katunayan may girlfriend na ako, di ko lang sinabi sayo kasi alam kong may gusto ka sakin. Sa totoo lang hinayaan ko nalang nga yung sinabi mo kasi akala ko mawawala din yung feelings mo sakin kasi di ko naman sinabi sayo na manliligaw ako sayo. Im very sorry yuna. Mahal ko sya pero di yun tulad ng pagmamahal na kaya kong ibigay sayo. Im sorry that you have to suffer like this. Gusto ko lang sabihin sayo to for closure pero magkaibigan parin naman tayo diba? Hopefully you'll find your peace and closure. Sorry talaga yuna"
After reading his text message wla na akong nagawa pa kundi ang lumuha ng lumuha. Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang basang basa na ang unan ko sa mga luha ko.
Nagising ako kina umagahan na ang laki ng eyebags ko..
"oh umiyak kaba kagabi yuna?" tanong ni ate ng nakita niya ko.
"ah wala to ate napuyat lang siguro kasi anong oras na akong nakatulog kagabi"
"ah ganun ba?" sige yuna dun kana sa bahay kumain ng almusal ha? Nagluto ako. At mamayang gabi iimbitahan natin lahat ng barkada natin dito para pa despidida party para sayo" excited na sabi ni ate Sonia na mamimiss na mamimiss kong talaga.
"Sige ate salamat" sagot ko.
Umabot ang gabi at handa na lahat ng mga bagahi ko pauwi samin sa syudad, pumunta na ako sa bahay ni ate Sonia kasama si Lola at dun kami lahat naghapunan.
"Salamat nga po pala sa lahat sa inyo sa mainit nyong pagtanggap dito sa akin, sana sa susunod na bakasyon ay payagan nyo parin akong makatira dito kung papayagan lang ako nina mommy bumalik dito. Sa kay Lola maraming salamat po lola, sa inyo rin tita wena, ate sonia, insan rex, basty, nick at tsaka josh"
Maluha luha kong pasalamat at agad na tumayo si tita at lola sabay yakap sakin.
"nako iha, bukas ang pinto namin dito para sayo, pwede kang bumalik dito anong oras mo man gusto" sabi ni lola at mas lalong hinigpitan ang yakap sakin.
Malalim na ang gabi nang natapos kaming maghapunan. Wla na ring inuman kasi baka mahuli pa ako sa byahi ko bukas, agad ko ulit silang pinasalamatan at nagpa alam na ako sa kanila. Una kay te sonia na maluha luha rin, si insan rex yung barkada niya na naging baraka ko narin, si Basty, si Nick at huli ay si Josh.. Parang tutulo yung luha ko habang papalapit ako kay josh at agad niya akong hinila at niyakap ng mahigpit sabay bulong ng, "sorry yuna ha? Sana di ka galit. Ingat ka lagi di kita makakalimutan" at agad ko syang sinagot "sus okay lang yun josh, ako nga dapat magsorry sayo eh kasi asa ko ng asa wla namang kasiguraduhan, mawawala din to but it takes time for the wounds to heal"
Ngumiti ako pero sa loob ko ay napakasakit. Umalis na ako at natulog at sila rin ay natulog na, sumama sakin si ate Yuna at sa bahay ni lola sya natulog katabi kami. Mamimiss ko talaga tong pinsan kong mabait.
Ala sais nag umaga ako umalis at hinatid ako nina tita wena at asawa niya na si tito jun. Nagpaalam na ako kay lola na mangiyak iyak na yumakap sakin.
"ingat ka apo ah! Bumalik ka dito sa susunod n taon." sabi ni lola
"opo lola! salamat! Mahal na mahal kita! Ingat ka din dito ah! Paalam"
Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Itatago Ko Nalang Ba?
RomancePano pag mahal mo pero di pwede anong gagawin mo? Ipaglalaban mo ba o Itatago mo nalang?