"Anaaaak, gising naaaa! May taping ka pa, ligo na daliiii" Kinikiliti ako ni mommyyyy.
"Mommmyyyyyyy!" Nagtakip ako ng unan, haha, natatawa na kasi ako :D
"Gising na dali, lagot ka kay Direk sige late ka. Niluto ko favorite mo" Mommy talaga sinuhulan pa ako. Haha.
"Opo na nga po. Maliligo na po" Ngumiti na ako tapos bumangon na ako. Kulit kasi ni mommy eh. Haaay. 1st day ko na pala ngayon sa taping ng Luv U. Kaso hindi ako gaanong naeexcite -_-"Ayoko siya'ng nahihirapan" sabay tawa si Nash habang kausap si Luis Manzano sa Minute to Win it.
Ano ba yan paulit-ulit na lang boses mo, bro ah. Makapagbihis na nga para makakain na din ako sa baba."Ma, sama ka pag hatid sa akin sa ABS ah" Sabi ko habang kumakain ng champorado.
"Haler! Mawawala ba naman sa paghatid ang one and only beautiful mommy mo! 'di ko yata iiwan ang baby ko!" Kulit talaga ni mommy, haha, nakakawala ng antok! :)Maya-maya umalis na din kami, pumunta na kami sa ABS-CBN. Kinakabahan ako. Hay ewan ko ba. Para'ng kinakabahan ako makita si Nash. Hindi naman ako dating ganito ah. Alam ko na, iwasan ko muna siya para 'di ako gaano kabahan. Pagpasok ko sa studio.
"Broooo!" Si Nash agad sumalubong sa akin. Nag chest bump kami (Tulad ng sa Minute to Win it! ^_^)
"Ayoko siya'ng nahihirapan" sabay tawa si Nash
Uuuugh narinig ko na naman :/
"Ngiting-ngiti ka ah" Sabi ko kay Nash. Haha, laki kasi ng ngiti.
"Ha? Haha. Baliw. Namiss lang kita!" Sabi niya naman sabay kurot sa pisngi ko.
"Arrraaay! 'nu ka ba, eh last week lang kasama kita nung press con ng Luv U ah" Sabi ko naman habang minamassage yung kurot niya. Kasi sakit eh, nung bata kami okay lang, eh binata na kaya sya ngayon, lakas niya na 'no.
"Oo nga. Eh hindi na kasi tayo nagbabasketball eh. Kasi lagi na lang pag yinayaya kita masakit puson mo" Nag pout pa siya, nako, arte mo! Haha.
"Eh wrong timing ka naman kase lage magyaya eh" Naglakad na muna ako papunta sa dressing room namin sumunod lang si Nash, tignan ko na din baka andun sila Alexa :)
"Eh ngayon pwede tayo magbasketball?" Pinatong niya yung dalawang kamay niya sa magkabilang braso ko habang naglalakad kami papuntang dressing room, nasa likod ko siya nun.
"Sige, pag maaga natapos yung taping natin" Pagbukas ko ng pinto ng dressing room andun nga sina Alexa.
"Bebe!" Sabay hug agad si Alexa. Haha.
"Naks! Magtataping na oh" Sabi nung isang nakangiti sa akin dun sa sulok. Ay si Jai pala yun.
"Naman! Namiss niyo ba ako?!" Sabi ko naman habang linalapag yung bag ko.
"Oo, be! Walang nagmmake face nang patago habang nagttake!" Sabay sundot naman si Mika sa tagiliran ko.
"Oy! Mabait na ako ngayon ah. Sa Goin Bulilit lang ako ganun" Natatawang sabi ko. Haha, grabe, naalala pa nila yun :D
"Buti naman! Hindi matapos yung take eh" Sabi ni Mika habang nagcCP.
"Ano na pala shinushoot nila dun?" Tanong ko naman. Sakto naman na pumasok yung sa wardrobe.
"Be, ito na yung damit mo. Bihis ka na make up-an na kita pagkabihis mo" Sabay abot na sa akin nung damit. Nagbihis na muna ako tapos paglabas ko inayusan na ako ng onti. Onting make up lang naman hindi naman bongga para lang hindi pale sa TV :)
Fast forward"Cut! Okay! Good take! Pack up na tayo! Nice job, Shar" Nakangiting bati sa akin ni direk :) Yehey. Woooh, buti na lang talaga nawala na din yung kaba ko :) Sila2 lang naman kasi kaeksena ko kaya okay na din :) Nagbihis at nag ayos na din ako tapos naglakad na palabas ng dressing room. Nagtetext ako tinetext ko si mommy na pack up na kami, tapos nauntog ng onti yung ulo ko pero 'di naman yung bunggo talaga ah, ano 'ko atat umuwi natakbo pa? Haha. Pag tingala ko si bro lang pala.
"Opppsss!" Sabay agawa ng cellphone ko. "Maaga pa, bro. Basketball tayo 'di ba?" Nakangiting sabi niya. Haha, ganun ba 'to kadesperado makalaban ako sa basketball, haha. Magaling kasi ako eh :D
"Eh ba't 'di Jai na lang kalabanin mo? Hilig kaya mag basketball nyan" Sabi ko habang inaagaw cp ko na tinataas naman niya. Hmp, 'di ko maabooot. Tumangkad na 'to'ng best friend ko ah.
"Kasi ikaw gusto ko.." bigla niya ako tinitigan nang malapitan, napatigil ako sa pag abot ng cp eh, tinititigan niya akoooo. Ba't gan'to bumibilis tibok ng puso ko. Pinagpapawisan ako.
"Makalaro ng basketball" Tapos inabot niya na sa'kin yung cellphone ko sabay ngiti. Hoy, Mr. Aguas, ano ba'ng ginagawa mo -_-
"Eh hinahanap na ako ni mommy eh" Sabi ko naman, hm.
"Eh 'di ipagpapaalam kita! Si tita Myleen pa! Akin na phone mo!" Sabay hila na naman ng cp ko tapos tumalikod. Tinawagan niya si mommy.
"Hello, tita? Pwede ko po ba isama si Sharlene saglit? Pack up na po kasi kami at maaga pa naman po. Kakain lang po kami tapos mag babasketball po kami" Nagpaalam nga siya, baliw talaga porket malakas kay mommy.
"Opo, dala ko po kotse ko, ako na lang po maghahatid sa kanya... Opo... Hindi po kami magpapagabi... Opo, okay po, tita, thank you po" Humarap na siya tapos nakangiti ng mayabang. Haha, bwisiiit ka, yabang mo'ng bwisit ka, ang gwapo mo pa nakakainis ka! :">
"Ha! Sabi sa'yo eh! Wala ka nang lusoooot!" Habang sinasabi niya naman yung "lusooooot" sabay naman yun ng kurot niya sa ilong ko.
"Aray aray aray! Ang sakit, bro!" Inalis ko yung kamay niya saka ko minassage ilong ko. Tinawanan lang niya ako, yung malakas pa ah -_-
"Tara na nga! Puro ka kalokohan eh!" Hinila ko na siya. Pumunta na kami sa parking lot agad ko naman natanaw yung kotse niya.
*tutut* Nag open na yung kotse tapos sumakay na ako sa passenger seat. Tapos nag drive thru na lang kami, dun na lang daw kami kumain sa kanila. Andito na kami sa kanila. Dalawang Big Mac binili niya, paano yan eh diet ako. Magpapayat daw ako sabi ni Direk eh.
"Big Mac, bro? Diet ako eh" Nahihiyang sabi ko, kasi sayang naman yun, binili niya yun eh, kasi yun lagi namin binibili lagi, favorite namin eh.
"Ay? Bawal ka na nyan? Okay lang yaaan! Secret natin hindi ko sasabihin kay Direk!" ang kulit ng mukha niya, haha, yung para'ng bata. Ito talaga yung best friend ko eh! Ang gwapo2, ngayon ko lang napansin.
"Baliw! Sige na nga! Secret ah" Tumawa na lang ako sabay kagat ng malaki :D Omnomnomnomnom, haha. Magbabasketball naman kami eh. Wala ako'ng baon na jersey shorts and shirt eh. Hiram na lang ako. Nakarubber shoes naman ako.After eat.
"Bro, peram muna ako ng damit ah. Biglaan kase, hindi ako nakapagdala" Sabi ko.
"Sige. Dun ka na lang din magbihis sa taas" Umakyat na kami tapos nagbihis na ako, gamit ko jersey niya nung grade 6 siya :) Aguas sa likod, 01 :)Basketball na kami.... :)
BINABASA MO ANG
Ayoko siya'ng Nahihirapan (Nashlene Fanfiction)
FanfictionHi! Haha, nashlene fanfiction lang 'to na linikha ng aking imahinasyong bunga ng kaadikan ko sa Nashlene (at ng walang tulog) Haha. Sana basahin niyo po :) Paano kung narealize mo'ng mahal mo na pala siya pero huli na??