Binate kami ng mga students at iba pang mga tao, may nagpapicture pa samen ni Ismael. 5:00 nadin natapos yung pageant kaya daretsong uwi, sabi ni Kuya may celebration daw sa bahay, naghanda daw si Cassandra. Pagdating naming sa bahay, nagpalit muna ako ng damit at binura ang mga make- up sa mukha ko. Di ako makaget over. Biro mo, nagkamali na nga ako e. siguro may nagsuhol sa mga judge. Pero mga respitadong tao yung mga judge e. yaan mo na nga! Nanalo naman ako.
Lumabas ako saglit at pumunta sa bahay nila Xander. Pinagbuksan ako ng maid nila at sinabing nasa garden sya. Sa garden, nakita ko syang nagcucarve, yung statue daw ng babaeng hindi nya alam kun paano. “Xander!” tawag ko.
“anong ginagawa mo dito?” nagulat ko ata sya.
“pinapasok na ako ng maid nyo,” sabi ko, “gusto sana kitang imbitahin samen kasi naghanda sila.” Lumapit sya saken at tinulak ako papasok sa sala.
“congrats nga pala. Ang galing mo.”
“salamat.”
“sige, sama ako. Pero antayin mo ko. Magpapalit lang ako, dumi ko na oh.”
“okay.” Umakyat na sya, naupo naman ako sa sofa at naghintay. Bakit nya ba lagi akong pinapaalis sa garden, di naman siguro masama kung makita ko syang nagawa.
“let’s go!” WHOOW! Ang bilis nyang magpalit ah.
“bilis ah!”
“ayaw kasi kitang paghintayin ng matagal. Nga pala, congrats ule. Ang galing mo kanina.”
“magaling ka dyan?! Nablock out nga ako kanina.”
“nagblock out ka pa ng lagay na yun?”
“oo eh, nakita kasi-“ di ko na tinuloy, sya yung nakita ko e, yung mga mata nya.
“ano nakita mo?”
“a-ahh. Wala! Halika na. naghihintay na sila sa loob.” Nauna na akong pumasok.
Muntik nako dun ah. Dumadaldal na ako! Pagpasok ko nakita ko si James agad. Pinakilala ko sya kay Xander, nagulat lang ako sa reaction ni James nung nakita nya I Xander, parang kakaiba. Err.
Habang kumakain kame, nahalata kong hindi comfortable si Ismael. Siniko ko si Jenny, at ngumuso kay Ismael.
“Ismael?” sabi ni Jenny.
“uh-uh?” nanlaki yung mga mata ni Ismael.
“ayos ka lang?”
“oo naman. Ang sarap nung pagkain. Kain pa kayo!”
Huh? Ang weird nung sagot nya, di naman tinanong kung masarap yung pagkain e. may gumugulo siguro sa kanya.
After ng celebration, nakita kong magkausap si Ismael at Xander sa isang side, sabay nun nagpaalam nadin yung iba na uuwi na dahil may pasok pa bukas.
Kinabukasan sinalubong ako ng pagbati ng mga students sa school pagpasok ko. “sikat ka na Bes!” sabi ni Jenny.
“ano ka ba?! Dahil lang sa nanalo ako, sikat na?!”
“oo!” hay.. minsan talaga ‘tong si Jenny, napakaunreasonable.
Balik lesson na ule kami. Ang bilis nga ng mga araw, dumating na yung 2cd quarter examinations.
“James! Pahiram ng notes sa Chem!” sigaw ko. Nasa kusina kasi si James at naghahanap ng pagkain. Sa bahay kami nagrereview ni James.
“nasa bag! Ikaw na kumuha!” sigaw nya.
Eto naman akong si halikay sa bag, ang dami kasing notebook, nasaan na kaya? Teka! Ano ‘to? Lipgloss? Bakit may ganito si James?
Kinuwento ko kay Jenny yung nakita ko.
“do you think James is beki?” sabi ni Jenny.
“what?!?!?!”
“I said, si James ay beki.”
“beki? What the hell is that word?!”
“ano ba Bes?! Wala ka na talaga sa uso, yun yung mga tawag sa mga bading at bakla ngayon.”
“si James? Bading! Jenny naman! Impossible yan!”
“wala ng imposible ngayon, Hannah.”
“baka naman may dahilan sya.”
“nako Hannah, bantayan mo yan. Baka mamaya isa nay an sa mga kaorganisasyon ng mga beki.”
Ano nga kaya? Hindi naman nya ako siguro liligawan kung bading sya. Imposible talaga yung sinasabi ni Jenny!