Game 38 – Maybe I could take that risk someday
I smiled as Shiloh dragged Caleb to the carousel. Shiloh was laughing at what Caleb told her as he lifted her up to ride the horse. Nakakatuwang tignan silang dalawa, talagang nagsasaya si Shiloh.
Dahil hindi pa nakapunta si Shiloh sa Enchanted Kingdom ay dinala namin siya ni Caleb dito. He suggested it and well Shiloh wanted to go, and I want to make Shiloh happy. At tsaka bonding time na rin to nilang dalawa.
Gusto kong mas maging close pa silang dalawa dahil importante silang dalawa sa akin. Hindi ko man mapakita kay Caleb na importante siya sa bawat oras, sa loob loob ko importante siya.
Si Caleb kasi yung taong hindi ka pipilitin. Hindi niya ako pinilit na bumalik sa trabaho, hindi niya ako tinanong ng tinanong, nakinig lang siya. And he’s a great listener. I guess I really am lucky to have him as my boyfriend.
I don’t regret it being his girlfriend. When I’m with him I feel cherished and well yeah I feel loved.
Alam ko ng mahal ako ni Caleb dati pa, hindi sa nagyayabang ako pero pag nagmahal siguro nga talaga si Caleb mararamdaman mo nalang kahit pa hindi niya sabihin. Alam ko yun pero hindi ko gustong sabihin niya sa akin kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka iwan niya ako kung sakaling mag demand siya na sabihin ko rin yung I love you, hindi pa kasi ako ready.
I doubt I ever will be. It’s just not in my forte to say it or even feel it.
Caleb’s special to me but is he worth it? There will always be a but.
Kumaway si Shiloh sa direksyon ko kaya ngumiti ako at kumaway pabalik sa kanila ni Caleb, kinuhanan ko sila ng picture para may mga malalagay si Shiloh at ako sa photo album niya.
My phone rang, I took it from my bag and sighed as I pressed the answer button. “Hey.” I greeted. I knew this call would be coming, I have dodged talking to him for two weeks now. Hindi ko lang gusto na may madagdag pa sa mga iniisip ko ngayon.
So I avoided the calls or the talks. I would always change the subject or I would not stay in a room with the two of us alone. I just don’t wanna think about it right now.
“Kailangan na natin mag-usap Emma.” Sabi niya sa kabilang linya. “Hindi mo pwedeng iwasan ako lagi para lang hindi tayo makapag-usap.”
I sighed and turned away from the carousel. “Andy, hindi kita iniiwasan. Hindi ko lang talaga gustong pag-usapan to ngayon. Marami akong iniisip. May mga priorities din ako Andy.” Paliwanag ko sa kanya. I was partly lying. I did avoid him in some ways.
“Sinasabi mo bang hindi isa si Shiloh sa mga priorities mo Emma?” tanong niya sa akin. “Nangako ka Emma at kailangan mo ng tuparin yung pangako mo kay Sadie.” Andy told her.
Hindi alam ni Emma pero something just snapped. How dare he use Sadie’s name with her? How dare he use her to get what he wants?
BINABASA MO ANG
Let's Play Doctor!
General Fiction(Some scenes are not suitable for young ages.) Si Emma, isang babae na hindi naniniwala sa salitang LOVE. Lumaki siyang hindi pinangarap ang umibig at magpakasal. Ayos na sa kanya ang buhay niya ngayon na isang party girl. Ayaw niyang pumasok sa isa...