Chapter Three
Sana kapag nagkaalaman na wag mo kong iwan...
***
Nasaan ako? Nasa mall, bakit? Kasi kasama ko si Bisugo ang masaya at alam ko kung bakit ginyan ang ngiti niya, alam ko kung sino ang dahilan kung bakit ginyan ang ngiti niya.
Kung makangiti kala mo na nanalo sa lotto saktan ko kaya siya para mawala ang ngiti niyang yang grabe nakakapang-init naman ng dugo.
Pisti.
Grabe kanina, muntik na kami ni Leo na mahuli ni Bisugo.
Flashback
Nakahiga ako sa kama, kanina pa ko gising pero tinatamad akong tumayo paano ba naman ako sisipagin tumayo kung ang lalaki sobrang mahal na mahal ko ay nakikipagsiping ngayon sa asawa niya.
Ano ba naman eto na naman ako nag-eemo. Kasi naman, mahal namin ang isa't isa pero hindi ko siya pwedeng ipapakilala sa iba lalo na sa mga magulang ko, hindi ko siya pwedeng makasama sa labas ng apat na sulok ng bahay ko ito, hindi ko siya pwedeng pakasalan, ni hindi nga akong pwedeng maglagay manlang ng picture naming dalawa sa bahay ko kahit sa wallet ko, o kaya kahit picture niya lang hindi pwede. Grabe naman nakaka-drepess.
Tumingin ako sa orasan at nakita ko ten na ng umaga pero bakit wala pa rin siya?
Hala! Baka sobrang napagod siya, baka naman sobrang hindi pa sila tapos hanggang ngayon??
Ganoon ba sila ka sabik sa isa't isa at walang tigil ang ginawa nila?? Paano niya kaya halikan si Bisugo?? Parang sakin ba na damang-dama mo ang pagmamahal niya o 'yon maharas?Nilagay ko na lang ang dalawang kamay ko sa mga ulo, kung anu-ano iniisip ko, hindi magagawa ni Leo 'yon..
Ako lang ang mahal, walang iba ako lang.
Pumikit na lang ako para alisin ang mga iniisip ko.
***Mamaya nakaramdam ako ng may pumasok sa kwarto ko, dumilat ako at nakita ko ang lalaki mahal na mahal ko.
"Good morning baby." Masiglang sabi niya sabay tabi sakin at humalik sa noo ko.
"Good morning rin." Sabi ko pero matamlay ako.
"May sakit ka ba?" Tanong niya.
"Wala" pag-iiwas ko.
Nilagay niya ang likod ng palad niya sa noo at leeg ko.
"Wala ka naman lagnat" sabi niya. "Pero bakit matamlay ka?" Tanong niya pa.
Hindi na lang ako sumagot, nakatingin lang ako sakanya.
"Ahmm, parang alam ko na ang kailangan mo ahh" sabi niya.
"Ano?" Tanong ko naman sakanya.
Niyakap niya ako.
"Yakapsule" sabi niya.
Hinalikan niya ako.
"Kisspirin" sabi niya pa.
Napangiti na lang ako, ginyan siya, kala mo seryosong tao pero sobra kung maglambing.
"I love you baby ko" sabi niya ulit.
"I love you too" sabi ko naman.
***
Bumaba na kami sa dinning at nagulat ako kasi may nakahanda na sa mesa ko ng almusal.
"Ikaw may gawa nito?" Tanong ko.
"Baka ikaw?" Sabi niya.
Yeah, yeah...
BINABASA MO ANG
The Other Side of Husband
General FictionAngelica Rose: Naging duwag ako noon pero ngayon kami na ulit at wala ng makakahadlang samin kahit na sino pa. Kahit isa akong lihim na dapat itago sa karamihan ayos lang sakin ang mahalaga kasama ko siya at masasabi kong AKIN SIYA. Precious Joy: Al...