1

153 5 8
                                    

"Jeremy." Pababa na ako ng sasakyan ng tinawag ako ng Lola ko.

"La?" Tanong ko sakanya habang pinapatunog ang alarm ng sasakyan.

Nandito ako ngayon sa bahay nila. Dito na ako lumaki simula nung nawala sina Mama at Papa.

Lahat ng naiwan nilang negosyo ay ako na ang namahala sa murang edad na labing pitong-taong gulang.

May sarili na akong condo malapit lang sa building ng Papa ko. Nakarating ako dito sa probinsya nila Lola ng alas-syete y media na at umuulan pa.

Nag mano muna ako kay Lola at hinalikan sa pisngi.

"Halika nga dito! Nako bata ka, ba't ka nag papaulan? Di ka ba nag dala ng payong?" Ani Lola habang pinapagpagan ang ulo ko dahil sa basa ito.

Nakatungo lang ako habang tinatanggal ang leather jacket kong basa.

"Huwag mo na yang pagalitan mahal." Lumabas si Lolo sa pinto.

Umangat ang tingin ko sakanya at nag mano na rin.

"Pumasok na nga tayo." Ani Lola.

Sumunod ako sa loob. Halos dalawang buwan akong nawala dito dahil sa aking trabaho. Maraming naging problema ngunit tinulungan ako ni Roy, aking kaibigan doon at muling pinalago ang kompanya.

Kaya kahit mag palipas ako dito ng isang buwan ay okay lang dahil nandoon naman siya.

"Yung mga bagahe mo nasaan? Ipapakuha ko kay Bernabe." Tanong ni Lolo.

"Nasa compartment po Lolo." Sagot ko.

Pumuntang kusina si Lolo para hanapin si Mang Bernabe, ang driver nila dito.

Isa sa mga pinakamalaking mansyon ang bahay nila Lola kaya halos lahat ng tao dito ay kilala silang dalawang mag-asawa.

"Pinauwi ko na sila Malou madilim na din at mukhang may bagyo ngayon, bukas pa sila makakabalik, may mga ipapaayos ka ba sa mga gamit mo hijo?" Tanong ni Lola habang nag lalagay na ng mga pinggan.

Sobrang haba ng kahoy na lamesa nila Lola ngunit parang kalahati lang ang nauupuan dito. Matibay ito dahil noong bata pa ako ay naumpog na ako dito, naalala ko iyak pa ako ng iyak.

"Ano na namang nginingisi mo dyan Jeremy?" Si Lola.

"Ah, wala Lola." Tawa ko.

"Sige, pupunta lang akong kusina kukunin ko lang ang tinola doon. Hay...mga kabataan ngayon." Bulong ni Lola sa huling linya.

"Kung ano ano na naman iniisip ni Lola." Ngisi ko.

Umupo muna ako sa usual spot ko sa lamesa. Tinignan ko ang cellphone ko. At walang signal! Paano na 'to? Paano ko na makakamusta sila ni Roy. Siguro ay babalik din ito pagkatapos ng ulan.

Ngunit hindi yata ito ulan kundi bagyo na. Tinago ko muli ang cellphone ko sa bulsa ng aking gisi-gisi na maong.

Dumating na sina Lola at Lolo kasama si Mang Bernabe

"Mang Bebe!" Tawag ko sa may kantandaan ng driver.

Tumawa kaming dalawa. Noon bata pa kasi ako ay nabubulol pa ako sa pangalan niya kaya nakasanayan ko na ding tawagin siyang Bebe.

"Ikaw talaga Jeremy."

Nilapag ni Lolo ang tinola at niyaya na kaming kumain. Nagdasal si Lola at nagsimula na kaming kumain.

Kung ano anong pinaguusapan namin sa hapag, hanggang sa umabot sa mga bahay dito sa probinsya.

"Nako Madame! Yung sa inyo talaga ni Don ang may pinaka magandang mansyon dito! Sigurado ako dun, kahit tanungin nyo pa sila ni Malou!" Si Mang Bernabe.

"Talaga Bernabe? Baka bias ka lang!" Tawa ni Lola.

"Hindi po!" Tanggi ni Mang Bernabe.

"May isa dyan sa ikatlong kanto, iyong papasok ka pa sa loob bago mo makita ang bahay. Malaking mansyon din iyon, sa pagkakaalam ko ay ipinagbibenta na iyon ni Don Hernandez dahil mag ma-migrate na sila sa US dahil sa pag kawala ng kanilang anak." Singit ni Lolo.

Pinagisipan ko iyong mabuti. Gusto kong bilhin iyon para lumaki ang ari-arian namin dito sa probinsiya.

Humigop muna ako ng sabaw bago ako mag salita.

"Paano po nawala ang kanilang anak Lolo?" Kuryoso kong tanong.

"Noong 2008, labing pitong taong gulang palang ang kanilang anak ay pinatay ito sa bahay nila."

2008? Ibig sabihin labing walong taong gulang pa ako noon. Sa edad kong iyon, ay tumigil na ako sa pag-aaral para sa aming negosyo.

"Bakit naman pinatay Lolo? Babae po ba o Lalake?"

"Babae ang kanilang anak Jeremy. Hindi natin sila nakikita dito minsan ay dahil kama kailan lang sila lumipat dito. Nandoon ka na sa Maynila ng dumating sila dito." Paliwanag ni Lolo.

"Paano po yung bahay nila?" Tanong ko pa.

"Yung bahay nila ay dating bahay ng mga ninuno nila Jeremy. Ipinaayos lang ito ng mag -asawang Hernandez. Katulad ng mansyon natin ay sobrang tibay din noong mansyon nila."

"Di ko lang po maintindihan kong bakit pinatay yung babae." Naguguluhan parin ako.

"Jeremy, ang dalagang Hernandez noon ay di mapag-kakailang sobrang ganda manang mana sa mga mestizang ninuno nila, na humantong sa isang krimen. Kawawa nga iyong bata. Walang kalaban laban."

Pinag papawisan akong sumubo ng kanin. Hindi dahil sa sabaw kundi sa galit sa narinig ko. Alam ko na agad kong ano ang ginawa nila sa dalaga.

Kinuyom ko ang kamao ko. Halos lamunin na ng kamay ko ang kutsarang hawak ko.

Hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito. Sobra na yata ang ginawa nila. Gusto kong mag mura ngunit nasa harapan kami ng pagkain.

Natapos kaming kumain at pumunta na akong ikalawang palapag at mag pa hinga sa aking kwarto.

Hindi ko na maialis sa isip ko ang nangyareng krimen sa bahay na iyon. Bukas ay pupuntahan ko ang mansyon na iyon at magpapasama nalang ako kay Mang Bernabe.

At oo, plano kong bilhin ang mansyon kahit anong halaga pa ang presyo nito.

The Awakened BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon