Inlove Ako Sa Bading ..

379 8 0
                                    

Chapter1- Get to know..

Suus !!Yang lab-lab na yan?? Wala kang ibang mapapala dyan kundi pasakit! Puro kasinungalingan lang ang lab!!! By the way, Janica Ramirez is the name.Call me ….

“ BITTER for short.Oy.Teh?! Daig mo pa ka-bitter’an ng ampalaya ehh! “

Eto na naman, tong bading na to eh.Nanira na naman ng moment?!Kabanas!! >.<  Pero alam niyo ba, sayang yan ehh.. Ang gwapo, pero gumanda !? Anyare?!! First crush ko nga yan eh, nung first day of school . Ganto kasee yan ..

FLASHBACK.

1stday-       1st year college ako nun. Mag-isa akong kumakain sa canteen. Siempre 1st day ?! wala pang ka-close ehh T.T ng biglang may, nakiupo na napakagwapong nilalang sa table na kinaroroonan ko. Medyo,wala ngang manners eh. Kasee basta na lang umupo, di man lang nagtanong kung ok lang bang makiupo?!aba?! Pero, di bale. Kung ganto kagwapo naman eh, bawing-bawi ang kawalan niya ng manners sa kagwapuhan niya :D Napanganga po ako . As in with matching tulo laway pa HAHAH jokeness. xD nang biglang nagsalita at ang sabi

“ Excuse mee girl!?? May powder ka ???ahm. yung PRESSED powder ha. Delicate kasee skin ko”

Walanjo!! Nabuga ko ang kinakain kong burger. Yung buy one take one sa julie’s.Sayang tuloy TT.TT

Alam niyo yun?Dinaig pa ako . Ako nga yung Johnsons Baby powder lang ang ginagamit ehh.KABOG na kabog ako ehh.. xD

END OF FLASHBACK..

At ayun , from that day naging close friend ko na sya hanggang ngayong 3rd year college na kame… by the way s/he is Patrick Mercado A.K.A Patricia DAW?! yuck! Daig pa ni Annebisyosa diba?? Pero kahit ganyan yan love ko parin yan.. BFF ko eh..

 “Eh, bat ba kasee nangingialam ka pa ??!” pataray na sabi ko sakanya habang nakatingin padin sa laptop ko… sa laptop ko kasi sinusulat yung mga pinagsasabi ko kanina… eh sa walang magawa bakit ba?? heheh

“Ewan sayo Girl. Walang katapusan yang pagkabitter mo.Ayy, parang sumusungit ka na rin teh. Yung totoo,nagme-menopause ka na ba??!”

Hindi ako nagsalita, at binigyan siya ng pagkakataong bawiin ang sinabi niya o di kaya, sabihin niyang joke lang. Pero wala ehh. Seryosong-seryoso ang pagkasabi ng GAGA. Mabatukan nga..

“OUCH. GIRL?! Ang hairdo ko!! Ilang oras kong pinaghirapan yan sa harap ng salamin!!”

“Oh?? Talaga??Buti nakatagal ng ilang oras ang salamin dyan sa pagmumukha mo at hindi nabasag!!”

“Aiyy.Nahiya naman ako sa KAGANDAHAN mo tehh?!”

“Aba!Talagang dapat lang na mahiya ka noh?!”

Talagang ayaw magpatalo ng baklang to ehh. Natigil lang ang diskusyon namin ng biglang may napadaan sa harap namin.. si Kristoff Villanueva, isang magaling na pintor mula sa college of architecture…  pinagpapalo ako sa braso ng gaga.. at halos nawawala na sa katinuan..

‘’ ARAY NAMAN.. PATRICK!!!’’

‘’AFGKJHGFGHHJJKD KRIS… AJKHGFDLKJHHG… TOFF’’ patakip-takip pa ng bibig ang loka… habang pinagpapapalo parin ang braso ko… talaga naman oo.. -.-

‘’titigil ka ba o gusto mong makatikim ng sapak????’’ agad naman syang tumigil sa pagpapalo sa akin…

‘’sabi ko nga titigil na ako… pero nakita mo ba sya????? Dumaan sya girl.. MY GOSH!!!! ANG—‘’

“Ang sapak gusto mo?? At hindi naman ako bulag para di ko sya makitang dumaan dito sa harap natin’’

“meron ka ngayon no? ang sungit mo talaga eh… di pala… lagi ka palang masungit.. di ko tuloy lubos maisip kung pano kita naging BFF eh… lagi kang bumabasag ng mga trip ko. Pwede bang kahit konting moral support naman teh?? T.T” drama ng bakla..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inlove  Ako Sa Bading ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon