Chapter 3: Plastic-thingy!

296 24 2
                                    

Chapter 3 : Plastic - thingy!

" Hi mga kuya!!" Kaway ko na lang sa kanila sa kabila ng di maipintang mukha ni kuya.

Lahat sila nakatingala na sa'kin dahil naagaw ko bigla ang atensyon nila dahil sa pag ring ng phone ko.

" Anong ginagawa mo dyan hah?!"

Turo sa'kin ni kuya.

" Uhh.. natutulog ata ako?" Patanong kong sagot sa kanya.

Napansin kong nagpipigil ng tawa ang mga kaibigan niya.

Ang obvious naman kasing nakatayo, magtatanong pa.

" Aba'y namimilosopo ka ba?"

" At ikaw, kuya, bulag ka na ba? Kita mo na ngang nakatayo eh, nagtatanong pa kung anong ginagawa.tss."

Napahilamos si kuya sa mukha niya.

" Alam kong nakatayo ka. Eh bakit nga nandyan ka?"tanong pa niya.

" Dito ako dinala ng paa ko eh. At tsaka kuya, bakit ka ba nagagalit? Inaano ko ba kayo? Nandito lang ako ah. Ang init na agad ng ulo mo. Tignan mo yung wrinkles mo oh, dumadami na. Tatanda ka agad niyan. hehehe."

" Ang cute talaga ng kapatid mo Rage, parang barbie doll."narinig kong sabi ni Kuya JB.

" Oo nga, bakit di mo sinasabing may cute ka pa lang kapatid hah?- kuya Trent.

" Heh!"

Mas lalo atang napuno si Kuya kasi nagtatawanan pa ang mga kaibigan niya.

Sinamaan niya ako ng tingin.

" Wag ka ngang umasta na parang wala kang kasalanan sa'kin. Sinira mo ang project namin! Lagot ka talaga sa'kin pag nahawakan kita."

Nag dila ako sa kanya.

" Akyatin mo ko. Bleeh!"

" Urgh! Akala mo hah. Mahuhuli din kita!"

" Subukan mo kung kaya mo!"

" Hahahaha." Tumawa pa lalo ang mga kaibigan niya.

" Tumigil nga kayo mga ugok! Kailangan nating hulihin ang unanong yan! Siya sumira sa project natin."

Mukhang may galit din sa'kin si Kuya Christian ah.

Tinawag akong unano?!

Ang cute ko para tawaging ganun!

Isusunod ko siya mamaya. Grrr.

" Hahaha..ikaw na lang pre. Di ako nanghuhuli ng mga cute-Aww." sabi ni Kuya JB na agad naman nakatanggap ng batok kay Kuya Chocolate.

" C naman." Nagpout pa si Kuya JB. Juskong mga shokla ito. Ang kukyut eh.hihihi.

" Shut up."

Di ko na lang pinansin yung dalawa.

" Oh ano na Kuya? Wala ka pala eh!" kantyaw ko pa." oh ano? Hmm? Bleeh!" Inaasar ko pa siya habang sumasayaw ako.

Mas lalong hindi maipinta ang mukha ni Kuya. Hahahaha napikon na.

" That's it. You're dead." Nilingon niya ang mga kasama at isa isang hinila at nagkumpulan sila.

Hmm? Anong ginagawa nila?

Maya maya humiwalay sila at tumingala si Kuya sa'kin. Ngumiti siya ng malademonyo.

Nanlaki ang mata ko na parang nababasa ang isip niya.

" Mukhang mapapasabak ako dito ah."narinig kong sabi ni Kuya Trent.

" Ano ka, sayang din yung offer ni Rage. Pumayag na tayo." Kuya Christian.

Unicorns, Lollipops and Gangsters?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon