Chapter 9Darren' s Pov
"Si Edz?" Napalapit ako kay Kuya Edzel.
"Naliligo na Kuya Edzel iniwanan na namin pinaalis kami di ba princes?" sabi ko.
"Kumain na ba kayo?" Napangiti ako napatingin kay Kuya Edzel. Pero ang tingin niya kay Princess hindi pa kasi aminin type niya si Princess, halata naman type nila isa't-isa.
"Ano 'yan mga Kuya Edzel? " sabi ko na lang sa kan'ya. Kunwari na lang ako.
"Tinapay nabili ko, sige kain na muna kayo."
"Mukha masarap 'to Kuya Edzel." Natawa ako kay Princess. Isa pa taguan feeling lang.
"Lakas ng trip mo Princess binili lang ni Kuya edzel," madiin sabi ni Doland sa kan'ya.
Nakabusangot lang si Princess. Minsan kasi bobo rin si Princess pupuri na lang hindi pa ginalingan, para may masabi lang.
"Ito naman si Dolandz syempre si crush niya bumili. Tingnan niyo si Princess namumula na kanikilig na 'yan." Sabay apir ko kay Doland. Habang si Kuya Edzel hindi makatingin kay Princess. Paano naman kasi panay tukso rin ng kakambal niya. Tinutulak pa palapit kay Princess.
"Tigilan niyo na ako." Tinawanan lang namin si Princess. Mukha napipikon na si Princess base sa mukha niya nakasalubong ang dalawang kilay.
"Bagay naman sila di ba Edzon," sabi ko sa kanila.
"Ok na ok sa'kin si Princess. Bukod na sa maganda mabait pang bata." Tumawa pa si Kuya Edzon.
"Tangina bata talaga, napapagkamalan ka Kuya Edzel na matanda na," sabi ni Dolandz.
Natawa kami sa sinabi ni Dolandz. Paglingon ko sinipa ni Edzel ang kakambal niya. Pinagtatawanan kasi siya. Ang loko napikon na sa kakambal niya. Lakas din kasi makatrip ni Kuya Edzon habang si Princess nanahimik sa tabi ko. Tiningnan ko na lang siya, mukha may katext din isang 'to.
"Sila na ata 'yon," sabi ko sa kanila?;Napalingon kami sa may gate.
"Tawagin niyo na si Edz."
"Ako na lang tatawag Kuya edzel," sabi ko.
"'Wag na Darren, andyan na si Edz." Napalingon kami sinabi ni Dolandz.
"Aba Edz, ang tagal mo natapos kami tapos mag-almusal ngayon ka pa lang natapos. 'Wag mo sabihin nagpaganda ka pa."
"Oo nga Kuya Edzon pagalitan mo." Nakasimangot lang si Edz nakaharap sa'min.
"Loko ka Darren. Kanina pa ako tapos, naidlip lang ako saglit." Natawa na lang ako sa paliwanag niya.
"Tara na nasa labas na sila Roxanne," yaya na ni Jeniz sa aminm Ito isang 'to para laging nagmamadali kanina pa niya kami niyaya.
"Kanina pa si Jeniz excited lang makita si george," sabi ni Doland .
Mukha hindi lang ako nakahalata kahit lokong 'to nahalata rin. Kanina pa siya nangbabara. Una si Princess tapos ngayon si Jeniz. Natawa na lang ako nakatingin sa kanila mga babae nga naman. Sabay Alis ni Jeniz sa'min. Nakasimangot kasi umalis.
"Ano nangyari do'n." Nakatingin si Dolandz sa akin.
"Ikaw kasi inasar mo," sabi ko sa kan'ya.
"Hindi ah! Wala naman ako ginawa. Tara na nga." Lumabas na nga kami. Tamang-tama kadadating pa lang nila. Napahiling na lang ako nag-unahan nagsipasok silang lahat maliban sa'min ni Edz at Kc nakatayo lang nakatingin sa kanila.Napatingin sila sa'kin. Base sa mukha ni Edz hindi maipinta mukha niya.
"Saan kami," sabi ni Jeniz .
"Do'n kayo sa dulo, ang tagal niyo."
"Loko ito George sa likuran tayo Jeniz pinaupo." Reklamo ni Kc. Tahimik lang ako nakikinig sa kanila.
"Sa amin na kayo sumabay," sabi ni Kuya Edzon.
"Do'n na lang kami Kuya kila Roxanne," sabi ni Kc. Iniwan kami ni Kc, do'n nga siya lumapit sa kabilang kotse habang kami ni Edz nakatayo sa labas."
"Paano 'yan Edz wala ng space, diyan ka na lang." Turo ni George sa kotse ni Emz. Natawa ako sa mukha ni Edz. Halata naman may feeling pa siya kay Emz. Kilala ko si Edz pero hindi ko siya masisi na matakot siya. Si Emz unang lalaki minahal niya bukod sa'kin. Hindi naman ako puwede makialam wala naman ako alam sa pinagdaanan nila. Tanging magawa ko lang suportahan si Edz pero syempre bilang bestfriend niya ayaw ko naman makikita nasasaktan ang bestfriend ko handa ako manapak para sa kan'ya. Kung kinakailangan bugbugin ko si Emz gagawin ko para mawala galit sa puso ni Edz.
"Oo nga Edz may bakante pa riyan sa tabi ka ni Emz. Bye bye Edz." Sabay upo ko sa likuran katabi ni Princess. Natawa ako Kay Edz hanggang ngayon nakatayo pa rin siya mukha nagdadalawang isip si Edz kung papasok ba o mananatili sa labas?Pinagmamasdan ko bawat kilos niya. Mukha nahihirap ang kaibigan. Bababa sana ako nang pigilan ako ni Princess . Napatingin lang ako sa kan'ya.
"Bakit," sabi ko sa kan'ya.
"Alam ko bestfriend mo siya, pero oras na para tulungan mo siya. Para malinawan na rin tayo kung ano ba talaga ang dahilan bakit bigla na lang sila nag-iiwasan." Napatango na lang ako. Akala ko kung ano na! Kung bakit niya ako pinipigilan lumabas. Natawa na lang ako. Masyado iba nasa isip ko.
"Akala ko ba alam mo?" sabi ko sa kan'ya.
"Hindi lahat," sabi niya. Seryoso ko lang siya tiningnan.
"Tama ba 'tong gagawin natin." Para kaming sirang plaka ni Princess pabulong nag-uusap. Habang si Kuya Edzel pasimple nakatingin sa'min. Ramdam ko bawat kilos niya. Ang sarap asarin si Kuya Edzel balak ko sana pagselosin siya. Pero may importante ako dapat unahin ang lovelife ni Edz sa ngayon. Ilang buwan na lang babalik na rin kami ni Princess sa manila para sa pag-aaral namin. Nandito kami para magbakasyon at makasama namin mga kaibigan namin. Ngayon na nga lang kaming magkikita tuwing bakasyon. Susulitin ko na 'to. Seryoso ako napatingin kay Princess habang siya lang napatingin kay Princess.
"Ewan ko, pero tanging alam ko lang tulungan natin si Edz," sabi ko.
"Parang mali, hindi naman natin puwede pilitin si Edz sa bagay na hindi pa siya handa." Seryoso si Princess nakatingin sa'kin.
"Kailan pa! Kung huli na lahat atsaka halata naman may feeling pa siya kay Emz. Hindi ko ginagawa para saktan si Edz. Ginagawa ko 'to dahil gusto ko malinawan si Edz sa kanilang dalawa. Alam mo ba minsan na kami pumunta sa bahay niya. Tanging pangalan ni Emz bukang bibig kahit sa panaginip." Natawa si Princess sinabi niya.
"Edz, tayo na lang natitira," sigaw ni Princess. Natawa kami ng bigla pumasok si Edz. Nakasimangot siya. Palihim kami na tawa ni Princess sa kan'ya. Umalis na kami
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series #5-Dreamboy(Emz and Edz
RomanceCopyright @by:c_sweetlady All Right Reserved First Printing 2021 Edited by: Assisted by: Layout by: Disclaimer: This is work of fiction ,Names,characters,businesses,songs,places,event,and incidents are either products of author's imagination or us...