Third Person's POV
Kauuwi lang ng DWDG galing sa hide-out. Binati agad sila ng katulong pagpasok nila.
"Good afternoon po Young Masters and Young Ladies" sabi ng maid sabay ngiti.
"Good afternoon din." masayang sabi ni Shia.
Nginitiian lang ng iba ang maid.
"Teka nasan si Zav? di pa ba siya umuuwi?" tanong ni Brie.
"Oo nga, kanina pa natapos ang klase ni leader ah." sabi ni Chad.
"Yaya wala pa ba ang Young Lady Zav niyo?" tanong ni Theo.
Bumukas bigla ang pinto at nakita nila si Zav na hinihingal.
"Oh Zav! anu nangyari sayo at hinihingal ka!?" nag-aalalang tanong ni Brie.
Hindi makasagot si Zav dahil hinihingal pa rin.
Pinaupo muna nila si Zav at pinakuhanan ito ng tubig sa maid.
Ininom naman ni Zav at unti-unting nawala ang pagkahingal niya.
"Salamat." sabi ni Zav.
"Oh ano Zav? okay ka na? anu ba kasi nangyari at hingal na hingal ka?" tanong ni Shia
"Dapat kasi kanina pa ako pauwi tapos ayun pauwi na ako nang makita kong nandoon sa gate sila Devina at Flirie kasama ang mga galamay nito. Dadaan sana ako sa back gate kaya lang nandoon naman ang Famous Four. Paalis na sana ako ng mapansin ako ng isa sa kanila yung si Loki, tapos ayun ewan ko basta umiiwas ako sa kanila eh nakita kong sumusunod kaya ayun, tumakbo ako. Baka masundan pa ako eh." ang sabi ni Zavanna.
*phew
Nakahinga naman ng maluwang ang mga kaibigan ni Zav.
"Akala naman namin kung naano kana, buti naman at di ka napahamak." sabi ni Shia
"Wag mo na kaming pag-aalalahin ah? Ayaw na naming mawala ulit ang dearest leader namin." sabi ni Chad.
Nakaramdam si Zavanna ng saya nang marinig niya kung paano siya pahalagahan ng mga kaibigan niya.
"Halika nga kayo dito!" nakangiting sabi ni Zav.
Lumapit ang mga kaibigan nito na sila Shia,Brie, Chad at Theo. At naggroup hug sila.
Bumitaw na sila sa pagkakayakap. Nagpadala sila ng makakain sa sala at naupo sila sa sofa.
"Kamusta naman ang first day Zav?" Chad
"Ayos lang naman. Katunayan may bago na akong bestfriend at siya ang kauna-unahan sa school!" masayang-masayang sabi ni Zav
"Natutuwa kami at may kaibigan kana bukod sa amin." masayang sambit ni Shia.
"Haysst di ko rin alam eh, basta pakiramdam ko ang gaan ng loob ko sa kanya. Parang matagal ko na siyang kilala at nakasama." nakangiting sabi ni Zav.
"Aba...nakakatuwa naman ang taong iyon at napapasaya niya ang Mommy Ko!" sabi ni Theo.
"Anu bang name niyang sinasabi mong new bestfriend mo?" tanong ni Brie.
"Yola, Yola Fajarito. Maganda siya, mabait, masayahin at palaban." sabi ni Zav.
Damang-dama ng mga kaibigan niya kung gaano kasaya siya kasaya.
Alam naman talaga nila na si Yola iyon."Masaya kami para sa iyo Zav!" sabi ni Shia.
"Maiba nga tayo, may narinig kaming kwento tungkol sa Famous Four, kaklase niyo daw sila? at bakit mo nga pala sila iniiwasan?" tanong ni Brie.
"Ganito kasi iyon,------
blah
blah
blah
blah
blah
blah."
BINABASA MO ANG
The Gangster Heiress
RomanceZavanna Montales. Mahirap pero matalino. Mabait pero inaabuso. Ang taong sinaktan, pinahiya at minaliit nila ay may malaking lihim palang tinatago sa kanila. Ang babaeng pinaasa at niloko nila na mayroon palang ibang pagkatao na pwedeng ikasira nila...