Chapter Nine
"Wow!! Ang ganda pala nang mga tanawin dito sa Cebu."tuwang-tuwa na siwalat ni Janelle habang pinagmamsadan ang paligid.
Naglalakad na sila patungo sa bahay kung saan sila mag-stay.Pagabba kanina sa eroplano ay nalanghap kaagad niya ang kakaibang simoy ng hanging Cebu.
Pagkasakay sa kotse ay nagmasid-masid kaagad siya sa dinadaanan nila. Wala itong ipinagkaiba sa mga probinsya na napuntahan na niya.
"Para kang bata."sita ni Ney.
Badtrip na naman ito,as usual. Pero nasanay na siya na ganoon ang asawa,hindi siya nito masyadong pinapansin at kinakausap. Ang totoo gabi-gabi niyang ipinagdadasal na sana ay tuluyan naging malapit sa kanya ang asaw.Pero mag-iisang buwan na sila mahigit na kasal ay wala pa ring nagbabago.
Magara rin ang bahay ni Kuya Darwin sa Cebu. Pero mas maganda pa rin yung bahay nito sa Manila. Doon muna sila mag-stay habang namamalagi sa Cebu. Sabi ni Rye na nakausap niya kani-kanina lang e hindi lamang daw sila iisang beses na nakapunta doon kasi daw sa twing may mga shows sila sa Cebu doon na talaga sila nag-stay.
Nagkanya-kanya na ang mga ito sa pagdala ng mga gamit sa taas. Tatlo lang kwarto at ang isa ay para sa mga apat na ungas.Ang isa naman ay para kay Kuya Darwin,habang ang isa naman ay sa kanilang mag-asawa.
Pagkatapos makapagpalit ng damit ay lumabas muna si Janelle at tumambay sa living rtoom para makipagkwentuhan sa mga ito.
Nakita niya na nag gigitara si Rye kaya lumapit siya at tumabi rito."Uyy,jam naman tayo."request niya kay Rye.
Silang dalawa lang tao sa living room. Hindi niya alam kung nasaan na yung iba pa maging si Ney.
"Sige ba,ano bang alam mo na kanta?"tanong ng nakangiting si Rye.
Gwapo rin itong si Rye. Matngkad,maputi at pala-smile.
"Ahmm.."nag-isip siya sandali.
"Yung kanta niyo na lang na Sige."
Enjoy na enjoy silang dalawa sa pag-awit.
"Sige, pag kasama ka naman,
Kitang-kita ko ang ating kasiyahan
Sige, wag na nating pigilan
At di magtatagal, tayo ay liligaya"awit ni Janelle sa kantang SIGE ng 6cycle.
Pagkatapos ng awit ay nagtawanan silang dalawa ni Rye. Nasa ganoon silang sitwasyon nang biglang dumating si Ney.
"Wow! Ang sweet niyo ahh. Kulang na lang langgamin kayo sa sobrang ka-sweet-an niyo."madilim ang mukha at seryosong wika nito.
Hinarap ko si Ney at tinanong. "Aba anong problema mo?"
Lalo pa niyang inasar si Ney. Dumikit pa siyang lalo kay Rye,tawa lang naman ng tawa si Rye habang sinasakyan ang biro niya. Hindi pa sila nakuntento at inakbayan pa niya si Rye.
Doon tuluyang napuno si Ney.Hinila niya sa kamay ang asawa at nagbabantang tumingin kay Rye.Kinaladkad niya ito paakyat sa kwarto nila.
Habang sumigaw naman si Rye. "Seloso ka pala dude.Kelan pa yan huh?"pambubusko nito.
"Aray ko ano ba? Bitiwan mo nga ako!"sigaw niya pero tuloy-tuloy lang ito sa paghila sa kanya,itinulak siya nito papasok sa kwarto at malakas na isinara ang pinto.
"Ano bang problema mo huh?"malakas na sigaw niya.
Humarap si Ney sa kanya na galit na galit.
"Ikaw! Ikaw ang problema!!"sigaw ni Ney sa kanya.
"Ako?"naguguluhang tanong niya sabay turo sa sarili.
"Oo ikaw. Sino pa ba? Huh?Sino ba ang babaeng bigla na lang sumulpot at pumasok sa buhay ko huh?Sino ba ang babaeng nambulabog sa tahimik kong isipan..Ikaw lang naman di ba?"nanlulumo ng siwalat nito.
Gulat na gulat naman siya sa narinig. "What do you mean?"naguguluhang tanong pa rin niya. "Don't tell me nagseselos ka?"
"Bakit talaga bang gusto mo pang ulit-ulitin ko huh?"sita nito. "Oo nagseselos ako,masyado ka kasing sweet sa lahat.Sa kanila,halos hindi nga tayo nagpapansinan na parang hindi tayo mag-asawa.Akala ko tama ako,na hindi ako magkakagusto sayo dahil iba ka sa kanila. Akala ko kilala ko na ang sarili ko.Akala ko..Yun pala...Tskkk! Hindi ko na alam ang gagawin."siwalat ni Ney sa nararamdaman.
Tulalang-tulala siya sa narinig.
"T-talaga?Bakit ngayon mo lang sinabi? Akala ko rin kasi hindi mo ako m-mahal.Na hindi mo ako magugustuhan.Alam mo ba na hirap na hirap na rin ang kalooban ko .Mag-asawa nga tayo, magkasama sa iisang bubong,iisang kwarto pero pakiramdam ko estranghera pa rin ako sayo."naluluhang pagtatapat niya.
Lumapit si Ney sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Matapos ang araw na yun, matapos silang magtapat ng saloobin sa isa't-isa umaasa siyang magiging masaya na ang pagsasama nila.
♦♦♦
Ang lakas nang sigawan ng mga tao ng lumabas na ang 6cycle. Kanina pa siya inip na inip sa kahihintay hawak digicam ng asawang si Ney.Sinimulan na niyang kuhanan ng litrato ang mga ito. Nasa unahan siya sa harap mismo ng stage. Hindi niya akalain na dadagsain nang mga tao ang show ng mga ito. Nagsimula ng umawit si Ney. Maya't-maya ay tumitingin ito sa kanya na sinusuklian naman niya ng ngiti at kaway.
"You're turning me on
You turn me around
You turn my whole world
Upside down"awit ni Ney.
"Thank You so much! Dahang salamat cebuanos."panghuling wika ni Ney matapos umawit.
Nagmamadali naman si Janelle na pumunta sa dressing room upang puntahan ang asawa.
Yinakap agad siya nito ng mahigpit ng makita. "Ang galing talaga ng asawaa ko."proud na wika niya dito.
Pinisil ni Ney ang ilong niya. "Nambola ka pa."natatawang segunda nito.
"Haha! Talaga naman e.Halos mamatay nga sa inggit yung mga babae dun sa labas kanina e."wika niya.
"Keso na naman!"singit ni Carlo at Alex.
Tinapik lang ni Ney sa balikat ang mga ito.
♦♦♦
Matapos ang show ay nagkanya-kanya na ang banda pauwi. Nauna na silang magpahatid mag-asawa.
Nag-paiwan pa yung apat para maki-join sa audience.Dire-diretso lang sila sa kwarto matapos mag toothbrush at magpalit ng damit ay nahiga na sila.
Nakayakap si Janelle kay Ney habang ito naman ay hinahaplos ang buhok niya.
"Napagod ka ba?"tanong niya patungkol sa show kanina.
"Hindi naman masyado.May isang magandang babae kasi akong nakita kanina na maya't-maya ay ngumingiti."tukoy nito sa kanya.
Tinapik niya ito sa braso. "Bolero ka rin e."
Tumawa na naman ito nang malakas.
Sa pangalawang pagkakataon ay narinig niya ang tawang iyon.
"Alam mo akala ko hindi na tayo magiging ganito.Kasi.. basta,kung alam mo lang ang lahat nang pinagdaanan ko para sa araw na ito. "masayang wika niya.
"Ano naman yun?"pangungulit ni Ney.
"Basta."pinal na sagot ni Janelle.
"Alam mo thankful ako kay God kasi ibinagay ka niya sa akin. Akalain mong ikaw lang pala ang babaeng bibihag sa malikot kong puso."banat ni Ney.
"Yakkk! Corny mo 'Dong.Wag mo nang ituloy,hindi bagay."sita niya.
"Hmp! Ma'am Yes ma'am!"biro nito na may pag-salute pa na nalalaman.
Matapos ang gabing iyon naganap ang una nilang intimate moment.Ang bagay na dapat unang naganap sa gabi ng kasal nila. Ngayon tuluyan na siyang naangkin nito ng buong-buo at masaya naman siya.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥