Chapter 5: Miya

41 0 0
                                    

Chapter 5

Ang sarap matulog.. Ano ba tong yakap yakap ko? Ang bango. =__="

"haha"

Fvck? Nagsasalitang unan? WHAT THE? O___O

Napadilat ako ng wala sa oras. May lalaking tuwang-tuwa naman sa yakap ko. At ang lalaking yun? Hulaan niyo.

"Hoy, anong ginawa mo? Ba't ako andito? Asan maleta ko?!" -ako

"Miya chill ka lang, pinatabi ko lahat ng gamit mo, kaya sige lang matulog ka lang ^___^" -kai

Kinginang ngiti yan, parang manyak ang datingan eh.

"HOY, PAANO AKO NAKARATING DITO?" -ako

Nagiba yung ekspresyon sa mukha niya. Naging seryoso ito.

"Nakita kita kagabi sa park, nakakotse ako at pauwi na sana. May babaeng walang malay. At nang lapitan ko, nagulat ako nung ikaw ang nakita ko. Ang taas taas ng lagnat mo. Basang basa ka pa ng ulan. ALAM MO BANG ALALANG-ALALA AKO?!" -kai

Sht. Ba't ganito yung nararamdaman ko? Ano to? Epekto ba to ng sakit ko? Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Parang natutuwa na ewan. Bwisit. May malubhang sakit na ata ako.

"Hoy kai, ang bilis ng tibok ng puso ko, may sakit ata ako. Ipagamot mo na ako" -ako

Nakita kong napalitan ng ekspresyon yung mukha niya, para siyang natatae na ewan. TEKA! Nagpipigil ba 'to ng tawa?

"Anong nakakatawa sa sinabi ko ha?"- ako

"Wala naman, pulang-pula ka lang naman kasi habang sinasabi mo yun eh ^__^" -kai

Ako? Pulang pula? Ano ba nangyayari sakin? Bwiset

"Alam mo Miya, please lang. Wag mo ipakita sakin yung ganyang facial expression. Baka di ko mapigilan.. Maulit yung nangyari sa ospital" -kai

Nangyari sa ospital? FUCK YUNG KISS NGA PALA. BA'T SA LAHAT NG MAKAKAKITA SAKIN SA PARK SIYA PA? T__T

"Kai, subukan mo ulitin yun, di ka na sisikatan ng araw" -ako

Mukhang natakot naman ang Kai na to. Nanlaki yung mata eh.

"Ipakuha mo na yung damit ko, aalis na ako." -ako

"Hindi pwede. Hindi mo pa sinasabi sakin yung nangyari kagabi. Kung bakit ka nasa labas, eh gabing gabi na. At kung bakit ka may maleta. At..." Huminto siya ng ilang segundo dahil napayuko siya.. At sinabing "at kung bakit ka umiiyak nung mga oras na nasa swing ka. Ang totoo.. Malayo pa lang ang kotse ko, alam kong ikaw na agad yun. May konting doubt naman sa isip ko kung ikaw nga ba yun, kaya mejo naghintay pa ako ng ilan pang mga sandali para makasiguro. At nakita kong ikaw nga talaga. Papunta na ako..pabagsak ka na, kaya agad kitang sinalo" -kai

"Ganun ba. Well salamat dahil dun, pero wala ka nang pake kung ano bang problema ko sa buhay. Labas ka na dun" -ako

Hindi ko naman ugaling magsabi ng problema sa iba, minsan nga si Trinity.. Nagtampo sakin dahil sa ganyang ugali ko. Ang pagiging malihim ko.

"Miya naman eh. Sabihin mo na sakin. Please please :))" -kai

Bwiset, may nagtutulak sakin para sabihin sa kanya.. Hayss.. Kapalit ng pagtulong niya sakin, sasabihin ko na.

"Lumayas ako sa bahay namin, dahil wala ng kwenta pang tumira dun. Walang pake sakin ang tatay ko, at wala na ang mama ko. Nasa paraiso na siya. Wala din naman akong kapatid. Wala na akong ibang pamilya," -ako

Bakas sa mukha niya ang pagkadismayado. At parang nagui-guilty pa siya dahil sa nagtanung pa siya at nalaman niya yun.

"Wag kang maawa sakin, di ko kailangan ng awa mo" -ako

Tadhana..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon