Chapter 14: Patay lang ba ang dinadalaw?

6.9K 108 5
                                    

AEIRI

Complete bed rest, yan ang payo sa akin ng doctor. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi kahapon pero isang bagay lang ang alam ko. Hindi na talaga ako lalangoy sa dagat.

May pasok kami ngayon pero dahil sa advise ng doctor na kailangan kong magpahinga, hindi na muna ako pumasok. Kaya heto ako ngayon nababagot. Nagbasa na lang ako ng libro, nasa kalagitnaan na siguro ako ng binabasa ko nung marinig ko ang pagkatok ng kung sino man sa aking pintuan.

"Tuloy"

Bumukas ang pintuan at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Mommy.

"Baby Girl, may bisita ka"

Agad nyang pinapasok ang tinutukoy nyang bisita, at medyo nagulat ako nung tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Aaron.

"Hello Aeiri"

"Hello din Aaron. Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Nabalitaan ko kasi na muntik kang malunod kaya heto ako ngayon dinadalaw ka. Para sayo nga pala"

Inabot nya sa akin ang mga dala dala nya, may chocolate, flowers at teddy bear pa. Yung totoo dadalaw ba sya sa may sakit o manliligaw?

"Thank you. Nag-abala ka pa, nakakahiya naman ang dami mo pang dala"

"Wala yun, basta para sayo"

Isang oras din siguro kaming nagkwentuhan tungkol sa mga childhood memories namin at kung gaano na kalaki ang pinagbago naming dalawa.

Sa totoo lang napakalaki na ng pinagbago nya, kung dati patpatin sya ngayon patpatin padin sya. Joke! Maihahanay sya sa kagwapuhan ni Renzell at Travis. Pero kung mukhang bad boys yung dalawa itong si Aaron mukhang boy next door ang image.

Nakakatuwang alalahanin yung mga bagay na nangyari nung kabataan namin pero di nagtagal ay nagpaalam na din sya, may kailangan pa daw kasi syang gawin kaya hindi nya ako masasamahan ng matagal. Okay lang yun, sa tingin ko naman kasi hindi ito ang magiging huli naming pag-uusap.

******

Nagising ako dahil sa marahanh katok sa aking pintuan. Pagkaalis ni Aaron kanina pinagpatuloy ko ang pagbabasa pero hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Tumayo ako at pinagbuksan ang kung sino mang kumakatok. The moment I opened the door, tumambad agad saken ang nakangiting mukha ni Travis.

"Hey! How are you?"

"Anong ginagawa mo dito Travis?!" Gulat na tanong ko. Naku, kapag nakita sya ni Renzell baka magwala yun, world war pa naman ang nangyayari kapag nagsama silang dalawa.

"Hindi pa ba obvious? I came here to visit you. By the way these are for you."

Iniabot nya sa akin ang daladala nyang prutas at balloons na may nakasulat na *GET WELL SOON*

"Sa-salamat"

Itinabi ko yung mga binigay nya sa ibinig sa akin ni Aaron kanina. Inaayos ko ang mga ito nung muli syang magsalita.

"Sya nga pala, anong natatandaan mo sa nangyari sayo?" Tanong sa akin ni Travis na agad ko namang sinagot.

"Wala naman masyado, nagfo-floating kasi ako nun tapos hindi ko namalayan nasa malalim na pala ako. Nung nalulunod na ako humingi ako ng tulong, nakita ko si Zell na tumatakbo papunta sa akin, meron ding tumatakbo sa likuran nya pero hindi ko masyadong nakita kung sino"

Mababakas ang disappointment sa mukha ni Travis dahil sa sagot ko. Bakit naman kaya?

"Bakit mo nga pala tinatanong kung ano ang natatandaan ko sa nangyari sa akin?"

Falling Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon